Pinoy Pautang Online: meeting

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label meeting. Show all posts
Showing posts with label meeting. Show all posts

Friday, January 26, 2018

Our Share Capital Meeting

10:41 AM 0
Our Share Capital Meeting
Noong nakaraang linggo, nagkaroon tayo ng Set of Officers meeting. Nag desisyon na ang buong samahan at nakapili na rin ng mga karapatdapat na italaga sa mga responsibilidad na maaaring magpapalago ng ating cooperative. Hindi lingid sa karamihang pumasa sa screening na merong nagback out dahil mali ang inaakala nila kung ano man ang pumasok sa isip nila bago paman ito nangyari. Sa totoo lang, inaasahan ko talaga na merong hindi makatiis lalo na yong may makasariling motibo kung bakit sasali ito sa samahan.

Maaaring hindi nyo pa makikita ang kagandahan ng samahan dahil itoy nag-uumpisa palang at alam ng karamihan na hindi pa perpekto ang sistemang pinapatupad sa ngayon. Alam ng lahat na bawat companya, talagang dadaanan sa ganitong sitwasyon. At alam ko na yong mga naiiwan ay may magandang pananaw sa hinaharap ng PPOC. Mahirap sa umpisa pero kung magtutulungan, siguradong ang lahat ay kayang lagpasan.

Ngayong linggo, another meeting ang naka schedule para sa PPOC para pag-usapan ang tungkol sa Share Capital na kailangang iambag sa samahan para makapag-umpisa ng mag offer tayo ng loan sa mga membro ng PPOC. Pag-usapan natin kung kelan ang deadline para mabuo ito at magkaroon na tayo ng pundo para magagamit na agad sa oras ng pangangailangan ng ating mga membro.


Bukod sa nabanggit na agenda, pag-usapan din natin ang mga guideliness kung paano e grant ang mga loans para mga nag-a-apply. Kung mahigpit ang patakaran sa mga lending companies kahit nakikita nila ang aplikant, mas lalo na tayo dahil online ang proseso ng ating pagpapautang. Inaasahan ang full support sa lahat ng mga kasapi sa PPOC.

Inaasahan na mag-umpisa na tayo bago paman matapos ang buwan ng Enero. Ang halag sa bawat share capital ay P100 based doon sa nanalo sa ating ginawang POLL sa PPO group page. Hindi limited sa isang share lang ang pwede iambag sa samahan, maaaring more than one o mas mahigit pa. Pero dapat meron din tayong limit sa maximum. Hindi pwede marami tayong pundo tapos hindi naman ito nagagamit.  Kailangan ang pundo ay laging naikot at nagagamit ng mga membro para madali itong lalaki at tayong mga membro din ang makikinabang.

Sa mga nag-aabang kung kailan mangyayari ang pagbibigay na ng share capital natin, ngayon na ang panahon para paghandaan. Sa mga wala pang budget, kailangan nyo nang maghanap ng paraan para sabay2x ang lahat makapaghulog para agad itong magagamit.  Inaasahan ang buong supporta ng lahat sa darating na Linggo, January 28, alas syiete ng gabi mag-umpisa ang meeting. See you all folks sa Sunday. Maraming Salamat!

Thursday, January 18, 2018

Online General Meeting

6:49 PM 0
Online General Meeting
Sa wakas gaganapin na rin ngayong linggo ang kauna-unahang General Meeting sa Pinoy Pautang Online Cooperative o PPOC. Ito'y dadaluhan ng 53 individuals na pumasa sa screening na ginanap online. Ang halat ay magiging First Batch ng PPOC, ibig sabihin nito marami pang batch ang susunod. Excited na ang lahat para sa araw na iyon. Ito'y gaganapin sa loob ng isang exclusive GC o Group Chat dahil imposible pa sa atin na gaganapin ito sa isang venue sa isang lugar dahil lahat ay nagmumula sa iba't-ibang sulok na Pilipinas. Isa sa magiging plano ay magkaroon na nito sa susunod na taon or most probably January of 2018.

Ang main agenda sa gaganapin na meeting ay ang pagpili ng mga opisyan na mag manage at supervise ng sahaman. Kasama na rin dito ang mga rules and guideliness na ipapatupad para isang membro at kung ano ang mga incentives ang pwede ma-avail nito sa samahan. Inaanyayahan ang lahat na maging presente sa ating GC at around 5:30pm based doon sa napagkasunduan na dahil marami ang merong pasok sa araw na yon. Kung sakaling merong mga mga instances na hindi inaasahan, maaaring magbigay alam sa mga moderator o sa admin ng gropo.

Lahat ng PPOC members ay papasok sa exclusive PPOC group page at doon makikita at mababasa ang lahat na updates tungkol sa PPOC. Hindi ito pwede papasakon ng ibang tao maliban sa membro ng PPOC. Ang lahat ng member ay inaanyayahan na pumasok sa group page na iyon para makapagpakilala na sa ibang membro. Ang PPOC GC ay laging nagbibigay ng bagong updates para sa mga members nito. Ugaliin lang magbasa dito sa ating official blog at mag BACK READ sa PPOC GC.

Lahat ng member ay pinapaalalahanan na magbasa sa ating blog para laging updated tayo. Kung dati nasasanay tayo na lagit sinusubuan, meaning dumedepende sa iba para makakuha ng impormasyon, ngayon ay babagohin na natin ito. Obligasyon sa bawat membro na basahin ang blog kasi nandon lahat ang mga balita galing sa mga namumuno nito at mas lalong wag magtanong sa iba tao na hindi naman membro ng gropo. 

Sa mga laging late at mukhang wala pang balita, sana sa mga panahong ito makikisabay na tayo sa lahat at wag ng magpaiwan pa. Kasama sa guideliness ang pagiging inactive ay hindi pwedeng payagang makahiram ng pera sa samahan. Ito'y maging dahilan din na pwede kang paalisin kung kinakailangan. Ugaliing bumisita lagi sa ating blog o magbasa sa PPOC GC. 


Please to hear you all on Sunday. 


God bless us everyone!

Wednesday, January 17, 2018

ALL ARE EXCITED!

9:40 AM 0
ALL ARE EXCITED!
Unti-unti ng nagkapalagayan ng loob ang bawat isa pagkatapos ng mahabang paghihintay na mag-umpisa ang pinaplanong samahan nong nakaraang taon. Ngayon ito na, ang lahat ay excited para sa gaganaping meeting ngayon linggo bago magtakipsilim. Aantayin ang mga merong trabaho sa araw ng linggo bago umpisahan ang meeting. Isa sa mga agenda ng meeting na yon tungkol sa SET OFFICERS na magpapatakbo sa ating cooperative. Inaasahan ang 100% attendance mga oras na yon para lahat ay mapag-usapan. Isa din yong open forum para makuha ang mga opinion at ideas ng mga membro.

Excited ang lahat lalo na sa mga planong gagawin pa ng samahan. Layunin nito na matulungan ang lahat lalo na sa oras ng pangangailangan. Lahat na pumasa sa screening ay nasa loob na ng exclusive GC. Nagkalituhan din sa umpisa pero sa pagkakataong ito, karamihan ay nalinawan na sa rules and guidelines na pinapatupad ng ADMIN. Lahat ng bahay ay mapag-usapan, depende lang ito kung ano ang tugon mo sa pakikipag-usap sa tao. Maraming taong sobrang bilib sa sarili at ayaw mapagsabihan. Kaya kung ganun ugali mo, please wag kana sumubok pang sumali kasi hindi ka rin magtatagal.

Natutuwa ako sa mga reaction ng bawat isa bawat kaalaman na nai-share ko sa inyo. Hindi ako humihintong mag-isip ng kahit anong bagay para matutulungan ko ang lahat na kasapi ng ating ginawang cooperatiba. Marami na rin akong napagdaanan, kaya may sangkap na akong pwedeng ibahagi sa lahat kapag kinakailangan. Nandito lang ako lagi ang inyong ADMIN ON DUTY, nagbabantay at nagmamanman sa inyong lahat.


Ilang araw nalang mag-uumpisa na tayo. Alam ko, hindi lang ako ang excited tungkol dito. Tayong lahat na nakapasok na ay nag-aabang sa mga pangyayari na ikakatuwa ng lahat. Ang kailangan lang ay ang 100% na cooperation para sa ikakatagumpay ng lahat. At nakita ko sa inyong lahat na handa kayong tumulong sa isat isa lalo na sa samahan natin. Lagi nating tandaan na hindi rin tayo magtatagumpay kung wala ang tulong ng ating partners, at yon ay ang ating pinakamamahal na USAPANG PERA AT IBA PA! blog pati na rin ang PINOY PAUTANG ONLINE COOPERATIVE blog. 

Taos puso ang aking pasasalaman sa inyong lahat mga mababait na membro ng PPOC first batch. Pinapangako ko sa inyo, tutulungan ko kayong makahanap ng mga pwede pagkakikitaan at lalo na mahihiraman sa oras ng pangangailangan at ito na ang una, ang ating PPO cooperative. Marami tayong mga palaro na gaganapin sa group para sa inyo mga membro at pati na din para sa members ng Pinoy Pautang Online group page.

Magtulungan tayong lahat at lalong-lalo na sa pagma manman sa mga mapagsamantala. Kaya nating linisin ang group kung lahat ay nagtutulungan. Tayong lahat ay may pakialam sa ating kapwa membro ng PPO. Kung sakaling meron kayong napansing hindi magandang ginagawa ng isang membro natin sa PPO, wag kayong mag-atubiling magsumbong sa AKIN o sa isa sa mga moderators ng PPO. Mabuhay tayong lahat!

Monday, January 15, 2018

Oras Na Para Umpisahan!

12:49 AM 0
Oras Na Para Umpisahan!
Marami ang nag-aantay kelan mag-uumpisa ang ating PPOC or Pinoy Pautang Online Cooperative. Hindi ganun kadali para mag-umpisa lalo na ang involved ay lahat hindi magkakakilala dahil ito ay sa online world lamang. Tulad sa sinabi namin, kailangan muna natin ang screening para malalaman na ang sumasali ay hindi mga fake na tao na pwedeng magpahamak sa isa o sa buong samahan. Ang kailangan para makapag meeting tayo ay atleast 50 individuals na pumasa sa screening. Ngayon, kasalukuyang nasa mahigit 54 na ka tao kasama na ang limang PPO moderator at ang inyong lingkod ang ADMIN ng PPO. Ito ang unang batch na papasok sa ating cooperative. Walang limit sa pag-accept natin na maging member. Ang screening ay gagawin by batch, ang unang batch ay closed na at we are accepting now the second batch.

Bago tayo magpatuloy, kailangan natin ang set of officers para sila ang mamahala sa samahan para ito'y magiging maayos para sa PPOC at sa lahat na membro nito. Lahat na pumasa sa screening ay pinadalhan ng link para group chat na gaganapin natin pagkatapos makapasok ang kahuli-hulihang member natin. Ang link na iyon ay exclusive lamang sa mga pumasa at hindi ito binigay kahit kanino na wala sa listahan ng mga pumasa sa screening. Kaya, inaasahan namin ang inyong cooperation at makikiisa sa ating gaganaping open forum. Nais naming makuha ang mga opinion ng lahat para sa ikakaganda ng ating cooperative.

Sa ngayon maaring maliit lamang ito pero kung lahat tayo ay magtutulongan, lalaki din ito at ito'y makakatulong sa lahat na membro ng ating cooperative. Mag-umpisa tayo na wala pang legal na permits, pero aasahan ninyo na gawin natin itong legal kapag may pundo na tayo para pangbayad natin sa gobyerno. Ang interest rate natin ay gawin nating mababa compared sa mga private lending company. Dahil wala pa naman tayong babayaran na taxes kaya maaasahan ninyo na mababa lamang ang interest rate natin.



Dahil kakaumpisa palang natin, aasahan nyo rin na hindi lahat pwede agad makahiram sa cooperative natin. Meron tayong mga guideliness at another screening para sa manghihiram. Kung pumasa kayo sa screening, hindi ibig sabihin non ay pasado na kayo sa loan application ninyo. Mas mahigpit ang screening sa mga nag-apply ng loan kaya aasahan nyo na mas maraming requirements ang kailangan para pumasa kayo.



Antayin muna natin makapasok ang lahat para makapag umpisa tayo sa ating gaganaping open forum. Tapos sa open forum, papasok tayong 54 individuals sa isang exclusive na facebook group. Walang pwede mag add doon except ako, ang inyong ADMIN para hindi makakapasok ang mga mapagsamantala. Lahat na papasok dapat ang pangalan ay pareho sa nasa listahan ng mga pumasa. Kaya bawal ang magpalit ng pangalan kahit kailan hangga't member pa kayo ng cooperative natin. Laging minomonitor ang lahat ng membro kung ang mga pangalan ay hindi nagbago, once nagbago kayo maaaring ito dahilan na mapaalis kayo sa samahan at ibabalik namin sa inyo ang pera na binayad sa cooperative. STAY TUNE PARA SA MGA MALAKING PASABOG NATIN!


Saturday, January 13, 2018

Meeting Soon!

7:21 AM 0
Meeting Soon!
Ito na ang pinakahinihintay ng lahat, malapit ng makompleto ang 50 members na kailangan natin para mag-umpisa na ang ating meeting para sa set of officers. Yong mga naka pending pa dahil sa kakulangan ng kanilang requirements, e completo nyo na para mag-umpisa na tayo. Napakadali lang gawin ang tatlong requirements, kung marunong lang talaga magbasa ang lahat, sigurado akong matagal na tayong nag-umpisa. Ang dami na rin naming pinagsabihan na ganito ang gawin pero hindi pa rin sumusunod. Mayron silang sariling mundo, basta ang nasa isip nila kung ano yong pumasok sa utak yon na sinusunod nila.

Nakailang advised na ako na gawin ng husto ang pagkukuha ng selfie, pag picture ng kanilang ID at yong link ng kanilang facebook pero marami pa ring paulit-ulit nag submit pero hanggang sa ngayon hindi pa rin makapasa. Mga karamihang problema, ang mga kuha sa ID kung hindi putol, ang labo kasi kinunan sa gabi tapos hindi masyadong maliwanag ang ilaw. Yong selfie naman, ang mukha sobrang linaw pero ang hawak na ID wala kang mababsa. Kailangan ang ID ay mababasa kahit hawak mo ito sa iyong selfie. Kung hindi malinaw sa loob ng bahay, lumabas ng bahay at mag selfie. SIguraduhin lang walang nakakita sayo baka mapagkamalan kang selfie addict. Ang masaklap ang gumawa ng ganito na nahuli at 50-60 years old, baka pagtawanan kayo.




Sa ngayon, tatlong nalang ang kulang para ma kompleto na tayo. Ang umpisa na ang coop natin kasi alam ko ang daming excited na para sa layunin nito. Sa pamamagitan ng ating coop, maaaring maraming makakatulong at marami ding matutulongan. Yong mga nangungutang sa napakataas na interest, pwede na natin kilalanin dito sa ating coop at syempre kinalaunan, lilipat na sila dito. 

Layunin talaga ng ating cooperative ay maiwasan ang mataas na interest at tayong mga membro ay siya mismo ang makaka benefits sa binabayad natin sa ating loan. Kung sa private company tayo uutang, ang interest na makukuha nila sa atin, sa kanila na yon at wala tayong matatanggap na dividend. Babalik lang sa bawat membro ang part ng interest na binabayad natin sa atin loan.


Sa ngayon, pinagplanohan na magkakaroon tayo ng mga leader sa bawat provinces or cities para ma extend natin ang ating mga tulong sa mga lugar na imposibleng maabot natin. Sa ngayon purely online pa ang operation natin pero sooner after ng meeting namin ng mga moderator sa PPOC sa middle of this year, e pursue natin ang pag process ng legalities ng ating cooperative. Sa panahong yon meron na tayong pundo na magagamit para magiging legal ang operation natin. Sa ngayon wala pa kasi tayong pundo para panggastos sa pag process ng ating permit and license.

Inaasahan namin ang buong supporta ng lahat na gustong sumali sa ating cooperative. Kung magkaisa tayo, alam kong malayo ang mararating ng ating coop. Lahat ay welcome na sumali, pero kailangan dumaan sa screening para maging official ang inyong pagiging membro. Kailangan nating sumunod sa mga guides na sa ngayon pinapatupad sa screening committee.


STAY TUNE SA AMING NEXT UPDATE!