Pinoy Pautang Online: 2nd batch

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label 2nd batch. Show all posts
Showing posts with label 2nd batch. Show all posts

Monday, March 5, 2018

PPOC LOAN -APPLY NOW

7:11 AM 0
PPOC LOAN -APPLY NOW
ANG pinakahihintay ng lahat na buksan uli ang 2nd batch loan application sa PPOC. Dahil marami ang hindi nakahabol nong nakaraan, hinihintay nila ang pagkakataong ito. Tulad sa sinabi namin nong nakaraan linggo na bubuksan namin ang pinto sa loan application by Monday, at yon ay kahapon. Sa ngayon meron na tayong tatlong nag-apply para sa kanilang first loan sa PPOC.

Based sa previous post, ang Top 5 na makakuha ng may pinakamaraming PUSO sa kanilang comment ay siya ang mapapasama sa 2nd batch na mabibigyan ng chances para makapagloan sa PPOC. Inaanyayahan ang mga membro ng PPOC na gustong magloan ay mag comment na kayo sa inyong mga purpose kung bakit mag-apply kayo ng loan. Dapat ay valid ang reason at makukuha mo ang PUSO na ibang membro.

Hanggang sa Friday nalang po ang pagtanggap namin ng comments para sa gustong magloan. At 11:59PM ng gabi, we will turn off the comment features sa post na yon. Tuloy pa rin ang pagbibigay ng PUSO until Saturday. Pagka-Sunday, time para e submit ang lahat ng requirements na kailangan. Kailangan by Monday, March 12 approved na lahat na requirements para sa Tuesady, we will disburse all loans.

Paalaala para sa mga loan applicants, kailangan panoorin ninyo ang isang video para sa isang youtube channel ng USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Pagkatapos mapanood, please subscribe our channel at kailangan namin ang screenshots na nagpapatunay na naka subscribe na kayo. Soon....meron na rin tayong video presentation na magiging guide kung paano mag-apply ng loan sa iba't-ibang lending companies mapa offline man ito or online. Inaanyayahan namin kayo na e comply ang mga requirements para mapabilis ang pag-approved ng inyong loan sa PPOC.


Ang 2nd batch membership screening ay patuloy din. Tumatanggap na kami ng mga applicants para magpapa screen. Basahin nyo lang ang aming requirements sa link na ito: https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/02/ppoc-2nd-batch-screening.html Kailangan ninyong sundin kung ano ang binigay naming guide para mapabilis ang pag-approved namin sa screening application nyo. Please basahin ninyo ang iba pang mga post namin dito sa blog natin para malalaman nyo ang mga tips kung paano mapabilis ang inyong application.

Sa mga patuloy na bumibisita at nagbabasa sa ating official blog na PINOY PAUTANG ONLINE COOPERATIVE at ang USAPANG PERA AT IBA PA! blog, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Makakaasa kayong gagawin namin ang lahat para matulongan kayo sa kung ano ang hinahanap ninyo dito sa PPOC blog.

PLEASE WATCH AND SUBSCRIBE THIS VIDEO: https://youtu.be/W7AuL7eAUxA

Thursday, March 1, 2018

PPOC LOAN 2ND BATCH OPEN

11:15 PM 0
PPOC LOAN 2ND BATCH OPEN
Natapos na ang first batch at na disbursed na rin ang mga loan. Hawak na ng mga nakapasa ang pera na kanilang ni-LOAN sa PPOC. Sa mga nagloan at nakapasa -CONGRATULATIONS sa inyo. Gamitin nyo ng maayos ang pera na hiniram ninyo para babalik din yon sa iyo na do-doble pa kasi pang dagdag puhunan ninyo yon sa inyong munting negosyo. Lagi nating tandaan ang responsibilidad natin after 15 days, at huwag nag mag antay na magPM or mag email pa ako at ang buong team para maningil. Alam naman natin kung kelan ang due date dahil naka post yon sa ating PPOC exclusive group.

Sa Lunes, March 5, magbubukas uli ang pinto natin para sa 2nd batch na pauutangin ng ating cooperative. Lima lang ang pipiliin sa lahat na nag-apply. Ganun pa rin ang basihan natin ay paramihan ng PUSO. Kaya dapat valid ang reason nyo kung bakit kayo mag apply loan. Kailangan makuha ninyo ang puso ng inyong kapwa membro sa PPOC. Open to all, kahit ilan ang pwede mag-apply, wag lang yong tapos na at hindi pa nabayaran ang kanilang existing loan.

Abangan nyo sa Lunes ang aking POST sa PPOC group para doon nyo e COMMENT ang inyong mga reasons kung bakit kayo karapat dapat na mapasama sa 2nd batch. Huwag lang tayong makulit, mag-antay lang doon mismo sa group natin. Hindi na kailangan magPM sa akin kung anu-anong tanong. Ang lahat na kumunikasyon ay hindi dapat idaan sa FB messenger kundi sa ating official email at doon din ako sasagot sa mga concern ninyo. Ito'y para maging reference natin para sa mga hindi inaasahang circumstances. 


Ang mga requirements ay sa email din natin ipapadala. Please wag nyong e PM sa akin sa messenger. Kailangan din, wag magpadala ng napakaraming email na isang SUBJECT lang pero paisa-isa ang documents na laman. E re-reject namin yon! Isang email lang ang ipadala nyo at sa email na yon, doon natin ilagay ang reply at mga attachment documents na kailangan. AGAIN FOR REFERENCE DIN ITO. Sobrang daming email ang dumadating sa email address na iyon kaya wag nyong dagdagan pa ang gulo.

Sa mga gustong magLOAN paki antay nalang sa Lunes at sa ngayon palang ihanda nyo na ang nakaka touch na kwento para makakuha kayo ng maraming PUSO mula sa kapwa membro ng PPOC. Hindi pa malaki ang pinapautang natin dahil kauumpisa palang pero alam ko, sa tulong at suporta ninyo -lalaki din ito at tayo din ang makikinabang nito pagdating ng araw. Kaya, harinaway nasa mabuti kayong kalagay sa ngayon. Happy weekend mga Ka-PPOC. God bless us all. TO God be all the glory!

Sunday, February 25, 2018

ISA LANG SA MAHIGIT 20 APPLICANTS

9:39 AM 0
ISA LANG SA MAHIGIT 20 APPLICANTS
Medyo na dismaya dahil sa daming nag-apply para sa screening ng ating 2nd batch PPOC membership ay isa lang ang pumasa. Matagal din nating inaantay na mabuksan ang pagkakataong ito kaya inisip ko na nabasa na ninyo ang ating screening guide na nandito sa ating official blog. Pero isang malaking pagkakamali ang pag assume na kabisado na ng lahat kung ano man ang nakasulat dito sa ating blog. Prankahin ko kayong mga aspirants na magiging members ng aming samaha, hindi po pwede dito ang rason na hindi ko nababasa dahil FREE DATA lang ako. Kinakailangan talaga nating magbasa sa mga updates na naka-post sa ating official blog na https://pinoypautangonline.blogspot.com/ at sa partner at main blog natin na: https://malalamanmo.blogspot.com/

Kung hindi kayo mahilig magbasa sa offline man o dito mismo sa ating blog, mas mabuti pong wag nyo ng ituloy ang pagpapa screen nyo para maging member. Dahil lahat ng mga information na galing sa mga officers at sa ADMIN ng cooperative ay ihahatid namin dito mismo sa ating blog. Kung hindi kayo mahilig magbasa or hate nyong magbasa, dito tuturuan at we encourage you na magbasa para marami kayong matutunan na pwede nyong gamitin sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.

Oo, advance na tayo ngayon pagdating sa latest technology pero mas lamang pa rin ang mga taong mahilig magbasa. Maraming advantage ang makukuha natin sa pagiging wide reader. Ang inaalala namin at layunin para e push kayong magbasa, dahil sa ating paligid nagkalat ang manloloko na nag-aantay lang nga tamang pagkakataon para makapangloko. Alam nyo ba kung sino ang kanilang No.1 target? Walang iba kundi yong mga hindi nagbabasa dahil FREE DATA kuno or yong mga may DATA pero tamad lang magbasa.

Hindi uso dito ang subuan. Meaning, yong taong palaging nagtatanong kung ano na ang nangyayari sa paligid. Dapat lagi tayong updated sa mga pangyayari sa ating paligid. Gusto namin kayong turuan na maging aware lagi sa mga pangyayari lalo na sa ating samahan o cooperative. Kung gusto nyong sumali, dapat sa ngayon palang, masanay na kayong magbasa sa ating mga partners blog para hindi kayo mahuhuli lalo na kung pera at utang ang pag-uusapan.

Inaanyayahan namin ang lahat na basahin ang tatlong link na nasa ibaba para ma guide kayo paano makapasa sa aming screening. 

Para ma-guide kayo sa ating membership screening, please basahin nyo ang link na ito para mahanda nyo ang mga kinakailangan sa screening. https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/02/ppoc-2nd-batch-screening.html

Kung hindi nyo alam paano hanapin ang Facebook link nyo gamit ang inyong cellphone or computer, itong link na ito ang magtuturo sa inyo para makuha ninyo ng tama at hindi na tayo paulit-ulit pa at mapabilis ang screening proces natin. https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/01/facebook-link-saan.html

Sa mga hindi kagandahan ang mga cellphone at malabo ang kuha ng inyong mga pictures, basahin nyo ang tips sa link na ito para makakuha kayo ng magandang selfie o mga litrato.
https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/01/gawing-malinaw-ang-lahat.html

Again, sa lahat na gustong sumali please please basahin at intindihin ninyo ang nakasulat sa post na ito para hindi kayo mahihirapan sa paulit-ulit naming panghihingi ng malinaw na documents. Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa request naming ito.