Online General Meeting - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Thursday, January 18, 2018

Online General Meeting

Sa wakas gaganapin na rin ngayong linggo ang kauna-unahang General Meeting sa Pinoy Pautang Online Cooperative o PPOC. Ito'y dadaluhan ng 53 individuals na pumasa sa screening na ginanap online. Ang halat ay magiging First Batch ng PPOC, ibig sabihin nito marami pang batch ang susunod. Excited na ang lahat para sa araw na iyon. Ito'y gaganapin sa loob ng isang exclusive GC o Group Chat dahil imposible pa sa atin na gaganapin ito sa isang venue sa isang lugar dahil lahat ay nagmumula sa iba't-ibang sulok na Pilipinas. Isa sa magiging plano ay magkaroon na nito sa susunod na taon or most probably January of 2018.

Ang main agenda sa gaganapin na meeting ay ang pagpili ng mga opisyan na mag manage at supervise ng sahaman. Kasama na rin dito ang mga rules and guideliness na ipapatupad para isang membro at kung ano ang mga incentives ang pwede ma-avail nito sa samahan. Inaanyayahan ang lahat na maging presente sa ating GC at around 5:30pm based doon sa napagkasunduan na dahil marami ang merong pasok sa araw na yon. Kung sakaling merong mga mga instances na hindi inaasahan, maaaring magbigay alam sa mga moderator o sa admin ng gropo.

Lahat ng PPOC members ay papasok sa exclusive PPOC group page at doon makikita at mababasa ang lahat na updates tungkol sa PPOC. Hindi ito pwede papasakon ng ibang tao maliban sa membro ng PPOC. Ang lahat ng member ay inaanyayahan na pumasok sa group page na iyon para makapagpakilala na sa ibang membro. Ang PPOC GC ay laging nagbibigay ng bagong updates para sa mga members nito. Ugaliin lang magbasa dito sa ating official blog at mag BACK READ sa PPOC GC.

Lahat ng member ay pinapaalalahanan na magbasa sa ating blog para laging updated tayo. Kung dati nasasanay tayo na lagit sinusubuan, meaning dumedepende sa iba para makakuha ng impormasyon, ngayon ay babagohin na natin ito. Obligasyon sa bawat membro na basahin ang blog kasi nandon lahat ang mga balita galing sa mga namumuno nito at mas lalong wag magtanong sa iba tao na hindi naman membro ng gropo. 

Sa mga laging late at mukhang wala pang balita, sana sa mga panahong ito makikisabay na tayo sa lahat at wag ng magpaiwan pa. Kasama sa guideliness ang pagiging inactive ay hindi pwedeng payagang makahiram ng pera sa samahan. Ito'y maging dahilan din na pwede kang paalisin kung kinakailangan. Ugaliing bumisita lagi sa ating blog o magbasa sa PPOC GC. 


Please to hear you all on Sunday. 


God bless us everyone!

No comments:

Post a Comment