Pinoy Pautang Online: Test Run

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Test Run. Show all posts
Showing posts with label Test Run. Show all posts

Saturday, February 10, 2018

PPO Cooperative -Pautang Test Run

5:17 AM 7
PPO Cooperative -Pautang Test Run
For the first time in the history of Pinoy Pautang Online Cooperative, next week we will test run our pautang online exclusive to PPOC members only. Kasalukuyang meron lamang 26 members ang first batch ng PPOC. Sa umpisa marami ang pumasa sa screening pero in the long run, kalahati ay natanggal sa group. 

Hindi paramihan ang itinatayong cooperative ng gropo. Patibayan ito at dapat lahat ay gumagawa sa mga responsibilidad para tawaging legal na membro. Hindi pwede na patulog-tulog ka lang dahil maraming responsibilidad ang nakatuka sa bawat isa lalo na't ito'y first batch at ang lahat ay walang sahod. Umaasa lang sa dividend na hahatiin sa kataposan ng taon. Kaya lahat ng membro ay involve sa mga assignment para magiging smooth ang samahan.

Kakaiba ang basihan sa pag-approved ng loan ng bawat membro. Hindi ito gaya ng iba na kailangan pang mahirap para humagilap ng maraming requirements. Sa PPOC, magbigay ka lang ng rason sa kapwa membro kung bakit mag-apply kayo ng loan. Kailangan, galing sa puso para mararamdaman ng kapwa membro ang layunin mong magloan. Once nakuha mo ang puso ng kapwa membro, bibigyan ka nila ng HEART, ang may pinakamaraming heart ay sila ang makakautang sa batch na yon. Depende kasi yon sa available na funds at magkano ang iri-release. Dahil bago palang ang samahan, limited pa ang pundo para sa pautang. Unti-unti itong madagdagan every month dahil sa pledge donation galing sa official blog ng PPOC ang USAPANG PERA AT IBA PA! at ang PINOY PAUTANG ONLINE COOPERATIVE blog.

Malaki ang pasasalamat ng samahan sa blog natin dahil dito, marami ang pwedeng matutulongan para makautang sa susunod na mga buwan. At isa yon sa dahilan bakit kami sa PPO at PPOC ay humihikayat sa lahat na supportahan ang blog para sa purpose na ito. Gusto nyo bang maging bahagi sa susunod na batch ng PPOC? Kinakailangan lang patuloy kang magbabasa sa aming blog dahil dito mo malalaman ang mga NEW UPDATES ng samahan. Kaya patuloy nyong subaybayan ang PPOC at USAPANG PERA blog para sa pagbukas muli ng aming screening for our second batch. At malapit na itong bubuksan, hindi na magtatagal dahil mag-uumpisa na kaming magpapautang sa mga membro namin sa susunod na linggo.

Maghanda na kayo sa mga kinakailangang requirements para mapasama sa screening. Basahin nyo lang ang mga previous post namin dito sa PPOC blog para malalaman nyo ang mga kailanganin para mapasama sa listahan. Paalala: Huwag maging tamad sa pagbabasa dahil dito rin mabubuksan ang isip mo na malaki pala ang mundo at hindi lang ito umiikot sa iisang sulok lang. BE READY and STAY TUNE!