Naka-dalawang batch na ang PPOC sa pag release ng aming loan service sa mga members nito, nakikita namin na kinukulang ang aming pundo. Nakapagbayad na rin ang First Batch pero dahil mas marami ang nag avail ng loan sa Second Batch kaya napagpasyahan na kailangan na talagang magdagdag ng additional SHARE CAPITAL every month. Naitanong na ito nong bago pa lang nag-umpisa ang Cooperative pero dahil under observation pa ang takbo ng funds kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin dahil busy din ang lahat kung paano patatakbuhin ang samahan.
Hindi inaasahan nong una na marami ang mag avail ng loan. Pero dahil karamihan sa mga members ay short sa monthly budget, mainam na sa PPOC na lang mang hiram kay sa mga lending companies na napakalaking interest ang maaaring babayaran pagkatapos ng due date. Kasalukuyang nasa 7% ang interest rate na ibinigay sa mga membro ng PPOC sa bawat approved loan nila, sa terms na 15 days. Kung meron ng enough na pundo ang samahan, maaaring ibaba namin ang interest from 7% to 5% sa loob ng 30 days at hindi na 15 days. Sa ngayon, we are releasing loans by batch para hindi masagad ang pundo at pagkatapos bayaran ang exisiting loan, pwede agad makapag reloan kahit bagong bayad palang sila sa kanilang loan.
Leading pa rin ang YES pabor para sa pagdagdag ng SHARE CAPITAL. Wala pang bumuto sa NO. Gusto din naman ng lahat na makapagloan, at dahil kulang ang pundo kaya hindi makakasingit. Kung sino lang yong nauna at nakakuha ng maraming PUSO. Sa ngayon, yon ang basehan para sa pag apply at pag-approved ng loan pero later, babaguhin din ito. Gagawin nating formal para fair sa lahat. Mahirapan kasi tayong gumawa ng CI sa mga bahay-bahay kasi napakalayo ang pagitan ng bawat isa. Kapag, lumaki na ang samahan at maging legal na tayo, gagawin natin ang proseso sa legal din na paraan pero mas stricto compared sa ngayon.
Inaasahang mag umpisa sa susunod na buwan ang paglikom ng additional na pundo para magagamit sa pa-Loan services ng PPOC. Inaasahang ma accomodate natin ang 10 members per batch na nag-apply ng loan. Tapos nilang bayaran ang kanilang mga loan, dapat maaari agad silang mag reloan na hindi kinakapos ng pundo. Target ng samahan na sa June 2018, ibaba na ang interest rate natin para hindi mabigay sa mga nanghihiram. Layunin natin na maiwasan na ang pangungutang sa 5-6 at sa ibang lending companies na napakalaki ang interest.
Kung kayo ang tatanungin namin, payag ba kayo sa additonal share capital na P100 per month para makalikom ng enough na pundo para maparami ang bilang sa mga manghihiram? Ang P100 ay hindi ito nakaka apekto sa budget nyo pero maaari itong makakatulong sa pamumuhay ng mga membro sa susunod na taon. Inanyayahan namin na makiisa ang lahat ng membro sa ngayon para makukuha tayo ng pundo para sa 3rd batch natin next month. KAYA KUNG PAYAG KA, VOTE YES!