Pinoy Pautang Online: Loan Shark

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Loan Shark. Show all posts
Showing posts with label Loan Shark. Show all posts

Thursday, October 8, 2020

snapera-Fast Cash Loan Online, Utang Na! (Online Lending App)

10:20 PM 1
snapera-Fast Cash Loan Online, Utang Na! (Online Lending App)

 Hindi ito bagong Online Lending App. Sa katunayan pangalawang lending app ito ng "Kusog Pera Lending, Inc". Isang registered online lending platform ng SEC ang Kusog Lending pero gaya ng palagi naming sinasabi, hindi porket registered ng SEC ay matitino na ang isang OLA. Oo, sabihin na natin madali at mabilis lang silang mag-approved ng loan application pero hindi lang doon nagtatapos. Paano naman kapag sakaling na delayed ka or hindi mo nabayaran sa tamang oras at araw?

Always remember, hindi natin kontrolado at hawak ang panahon. Sa ayaw at sa gusto natin, mayron talagang panahon na hindi maiiwasang magka-abirya. Gustuhin mo mang bayaran pero may mas kailangan kang uunahin kay sa iyong utang kaya kailangan din nilang i-consider yon. Masasabi na nating kasalanan natin dahil hindi tayo sumunod sa napagkasunduan pero hindi yon dahilan na ipapahiya ka at pagsabihan ng hindi maganda. Pakiramdam nila sa iyo ay isa kana agad na magnanakaw.

Kaya paalala namin sa lahat, mag-ingat palagi sa pamimili ng mga online lending app na uutangan. Mayron naman mangilan-ngilan na matitino pero pili nalang po. Karamihan sa kanila lumalabas ang kasakiman kapag hindi mo nabayaran sa tamang panahon. Palagi nyo rin tingnan ang kanilang interest at ang processing fees dahil majority sa kanila, halos kalahati ang ibabawas sa inyong loan tapos magbabayad ka ng sobra-sobra. 

Minumungkaho naming basahin ang mga feedbacks ng kanilang mga client bago ituloy ang pag-avail ng kanilang loan services. Malalaman nyo sa mga reveiews and feedbacks kung matino ba sila. Napag-alaman din namin na isa din sila sa mga LOAN SHARK. Maliit kunwari na interest pero sobrang laki naman ng processing fees. 

Kadalasan sa mga nakasulat sa kanilang description sa Playstore ay hindi totoo at kung totoo man, hindi nila ito sinusunod. Pawang kasinungalingan at panlinlang lang nila ito para makakuha ng client at magiging biktima. Pakisuyong basahing mabuti ang description ng snapera -online lending app sa Playstore:



snapera-Fast Cash Loan Online, Utang Na!

Note:


Tenor: 91 days - 365days


Interest: 1% /Day


Max annual interest:36%



Example: 91-day loan; 16% service fee (on-time repayment)


Amount of Principal: PHP 5000


Amount of Service Fee: PHP 800


Amount of interest:PHP 700


Total: PHP 6500


snapera - better loan service to serve the better you


Be a wallet for the users, be a portable bank for Filipinos


snapera APP, provides expert loan service, provides loan anytime anywhere.



snapera, why choose us:


1. Easy and Convenient: No collateral and guarantor required, apply with your valid ID.


2. Quick Processing: Mobile loan application, fast processing


3. Reusable Loan Limit: One time processing, loan limit is reusable, reloan easily.


4. Convenient repayment: Banks, 7 Eleven, Cebuana


5. Security: protects borrower information



snapera believes that credit will provide a better future. Create a faster and more convenient loan service. Focuses and fulfills the needs of the borrowers.


SEC company name:Kusog Pera Lending INC.

SEC company registration NO.CS201916669

CERTIFICATE OF AUTHORITY NO.3118

SEC Address:29th Floor, Joy Nostalg Centre, ,17 ADB Avenue, Pasig City, 1600 Philippines.

Customer service: 09159544560

Customer Service Email:snapera@touchlend.com



Disclaimer:

Karamihan sa mga online lending app ay nanghaharas kapag hindi nyo nabayaran ang inyong utang sa tinakdang kasunduan. Kaya mag-isip ng mabuti bago papasok sa kasunduan para hindi problema ang aabutin nyo pagkatapos nyo makuha ang pera na inyong inutang. Hanap muna ng iba pang paraan bago papasok sa pangungutang.

Monday, October 5, 2020

Mag-ingat sa Cash24 (Not Recommended)

10:10 PM 2
Mag-ingat sa Cash24 (Not Recommended)
Marami na ata sa inyo ang nakakapansin sa lending platform na ito. Pero based sa nakasulat sa kanilang website:

"The website cash24.ph is an independent broker that provides consumers with free information on the special terms of a lender's loan agreement and other relevant information. cash24.ph does not issue loans and is not a lender. On the website, the peer-to-peer lenders have a special license to provide the consumer credit service."

Hindi sila mismo ang nagpapatutang kundi isa lamang silang independent broker. Ang mahirap dito, dalawa sa kanilang ino-offer na lending company at app ay parehong hindi maganda ang reputation pagdating sa kanilang clients feedback.

Kasalukuyang mayron silang apat na lending company na pino-promote sa website nila. Dalawa ay kilala ko at ang isa ay matagal akong nagiging client.

1. Robocash
Ang Lending company na ito na mayron din silan online app ay registered ng SEC mula pa noong Sepember 08, 2017. Makikita mo ang kanilang pangalan under sa listahan ng List of Financing Companies na rehistrado ng SEC, kaso nga lang naka PULA ito at may nakasaad na "with pending case".

Hindi po mabilang sa dami ng reklamo tungkol sa kanila. Kilala sila sa Metro Manila at Luzon dahil marami silang physical branches na makikita mo kahit sa babaan ng train. Araw-araw maraming nakakautang sa kanila pero dahil sa sobrang laki ng interest marami ang hindi nakapagbayad sa kanila sa tamang date based doon sa pinirmahang agreement. Isa ila sa mga tinaguriang "LOAN SHARK" kung tawagin ang mga lending company na sobrang laki ng interest at mga processing fees.


Huwag subukang umutang sa Robocash kung ayaw mo ng sakit ng ulo. Kahit subukan mong magbayad ng tama, darating talaga sa point na sumablay ka lalo na ngayon karamihan walang trabaho at kung mayron man maliit lang ang sahod, mawawalan ka talaga ng balansi sa iyong finances kaya maaring hindi mo mababayaran ang iyong utang. Kapag nagkataon, siguradong makakaranas ka ng pamamahiya at harassment.

More info here: https://robocash.ph/

2. Money Cat
Isa itong International loan company na rehistrado ng SEC dito sa ating bansa pero sa likod nito, di hamak na kasama din ito sa mga loan shark lending company sa Pilipinas. Walang masyadong bad reviews na kumakalat sa internet pero kung babasahin mo ang ratings nila sa kanila Playstore app, mawawalan kayo ng gana para mag-apply.


Sinasabing pwede kang mag-apply ng up to 20,000 pero ito'y pang brag lamang para mapilitang kang mag-apply lalo na kung malaki ang kinakailangan mong halaga. Karamihan sa mga nag-apply, nadismaya dahil hindi naman totoo ang pinangakong halaga.

Double check their site: https://moneycat.ph/

3. Kviku Lending
Medyo limited ang impormasyon na nakuha namin tungkol sa Lending na ito. Application made available sa kanila mismong website na https://kviku.ph/  . Pati sa kanilang website ay limited info lang din ang nakalagay. Loanable amount ay up to P25,000. Look promising pero huwag masyadong kampante dahil madali lang naman sabihin yan pero mahihirap gawin at ipapatupad. Wala silang online app sa ngayon kaya hindi natin mababasa ang mga bad or good reviews tungkol sa kanila.


4. Online Loans Pilipinas
Ang dating Dr. Cash na naging Moola Lending at kinalaunan nagiging Online Loans Pilipinas. Hindi rin mabilang ang nagiging reklamo sa kanila. Mahaba din ang panahon na nagiging client ako sa Lending company na ito. Nagkataon lang siguro na medyo alanganin ako sa financies ko noon taon na yon. 


Sa halagang P20,000 umabot ng P108,200 ang kinita nila sa akin kaya masasabi kung not recommended sila dahil sa sobrang laki ng kinita nila mula sa akin. Buti at malaki din kinita ko sa online job ko kaya hindi ako masyadong nahihirapan bayaran ang aking utang sa kanila.

Check out their website here: https://olp.ph/

For more information tungkol sa karanasan ko with Moola Lending until nagiging Online Loans Pilipinas, paki-sundan lamang ang link na ito: https://www.usapangpera.ph/2019/01/online-loans-pilipinas-moola-lending.html

Mag-ingat sa mapanglinglang mga lending company na maaaring magpapahamak o manggulo sa buhay nyo kapag hindi nyo nagawa ang ipinangako nyo sa kanila.

Tuesday, September 29, 2020

Juanhand - Fast online cash loan App (Legit or Hindi?)

6:55 PM 3
Juanhand - Fast online cash loan App (Legit or Hindi?)

 Madalas lumalabas sa mga ads din ngayon sa Google ang Juanhand. Napapansin nyo rin ba sila sa mga ads na lumalabas jan sa inyong mga computer at cellphone? Hindi ko sila nakita sa FB pero sa Google, madalas ko sila nakikita at pati din sa Google Playstore. Ang Juanhand ay registered ng SEC bilang isang lending company under ito sa WEFUND LENDING CORPORATION. Pero ang kanilang app ay hindi kasama sa SEC registered Online Platform. 

Hindi ibig sabihin na registered ng SEC ay maganda na ang serbisyo ng isang lending app dahil karamihan sa kanila, kung hindi man lahat -hindi sinusunod ang panuntunan ng SEC at ng lending act of the Philippines. Isa sa common fraud na ginagawa nila ay yong LOW INTEREST rate nila pero pagdating naman sa processing fess sobrang dami at iyon ang dahil kung bakit ang laki agad ng binawas sa iyong inutang. Halos kalahati ng inyong inutang ay mababawas, yon daw ay processig fees.




Hati ang publiko pagdating sa ratings ng Juanhand. Kung pupuntahan nyo sa kanila Playstore reviews, marami ang nagsasabing maganda kasi mabilis lang ang proseso. Lagi nating tandaan, the more faster ang proseso sa isang loan -the higher interest ang ipapatong o malaki ang processing fees na ibibigay nila. Huwag maging kampanti sa ganitong mga panloloko dahil sa bandang huli kayo din ang magrereklamo.

Kung ayaw nyo talaga ng sakit ng ulo much better na huwag ng subukan ang ganiton lending platform. Bilang isang matagal ding tumatangkilik sa ganitong loan services, masasabi ko talaga na hindi nakakatulong ang OLA sa mga Pinoy. Bagkus, ito'y mas lalong nagpapahirap at nagbibigay ng sobrang sakit ng ulo. Kung in need ka talaga, pwede mong subukan para mayron ka ding lesson to learn pagdating sa mga OLA pero ang maipapayo, huwag gawing habit dahil ibabaon ka talaga nila sa utang.



Para sa iba pang impormasyon tungkol sa OLA na ito, pakisuyong basahin nyo ang buong description ng kanilang Playstore app:

JUANHAND FASH ONLINE CASH LOAN APP

🏷️ Juanhand Product introduction:

Cash loan amount: ₱ 8,000.00 - ₱ 10,000.00

Cash loan term: 91 days (shortest, including renewal time) - 180 days (longest, including renewal time)

Maximum APR: 20%

Transaction Fee: 0

Other fees: we will charge one time sign fee, service fee(per transaction). Minimum 10%, Maximum 20%


Cash loan Interest calculation:

Example:91-day loan with interest rate of 12%,and principal amount is 10000, total payment is 10299.17(10000*12%/365*91+10000)


🏆️ Our SEC Registration No. CS201825672, Certificate of Authority No. 2844


❓️Why use Juanhand cash loan app??


Juanhand is your partner for cash loan. It is one of the unique Fintech platforms in the Philippine to provide you 24-hour approval cash loan service online whenever and whatever.


👨👩Cash loan application requirements:

20-60 years old

Filipino citizen

Have 1 government-issued ID

Have a stable income


➡️ How simple is the cash loan process?

• Download the Juanhand online loan app

• Fill out our quick loan application in the Juanhand loan lending app

• Wait for evaluation

• Get peso cash sent directly to your bank account/Gcash/Coins ph/ MLhuillier o RD pawnshop.



✔ Juanhand advantage:

🔎Convenient online app

⏰24-hour approval Cash Loan

👍️Simple peso loan Process

😋Easy Approval

❤️JuanHand : We lend our hand to save another Juan.

✉Contact us:

For any questions, feedback, or hesitations, please contact us via the following methods:

Facebook: @JuanHandOfficial

Address: Address:Trade and Financial Tower, 32nd St. Cor. 7th Ave., BGC Taguig, Philippines 1630

Email:cs@juanhand.com


Ito din ang ginawa naming guide and review na uploaded sa Youtube noong December 25, 2019. Pakisuyong panoorin nyo rin ang video na ito bago kayo mag-apply sakaling ituloy nyo ang inyong balak sa panghihiram.


Tingnan at basahin nyo rin ang kanilang mga reviews and ratings sa Playstore pinduting lamang ito: JUANHAND APP SA PLAYSTORE

Friday, September 18, 2020

ROBOCASH! Tuloy Parin Sila sa Pagpapautang Kahit May Pending Case

2:46 PM 2
ROBOCASH! Tuloy Parin Sila sa Pagpapautang Kahit May Pending Case

Lumalakas pa rin ang pwersa ng Robocash Lending ngayon kahit mayron na silang pending case sa SEC. Sinasamantala na naman nila ang matinding pangangailangan ng mga tao ngayon sa panahon ng COVID-19 Pandemic. Walang pera ang mga tao at napipilitang kumapit sa patalim. Dahil walang alam sa laki ng interest, akala ng iba ay makakatulog na sila ng mahimbing dahil mayron na silang nautang na pera mula sa Robocash at maaaring nabili na nila ang kanilang basic needs na buwang ito. Hindi nila alam na maaaring bangongot ang aabutin nila kapag hindi sila nakapagbayad dahil napakalupit ng mga ito pagdating sa paniningil. Hindi ka lang ipapahiya kundi haharasin kapa ng kanilang mga collectors.

Kaya mag-ingat ng mabuti sa pamimili ng mga Online Lending Apps. Hindi ibig sabihin registered sa SEC ay matino na ito. Majority sa mga LOAN SHARK ngayon ay registered sa SEC pero hindi nila sinusunod kung ano yong mga isinumite nila sa SEC. Yong interest sa isang taon na isinulat nila at isinumite sa SEC ay ginawa nilang per month kaya lulunurin kayo sa laki ng interest at processing fees. Tingnan ang mga OLA na registered ng SEC sa link na ito: https://www.usapangpera.ph/2020/09/alamin-ang-mga-online-lending-apps-na.html

Sa ngayon mayrong 72 Lending Companies ang registered sa SEC. Yong ibang companies mayrong mahigit dalawang Online Lending Apps. Kung sino pa yong hindi matino, sila pa yong maraming apps para makapaglinlang at makapanloko ng tao. Nagtataka yong iba, umutang sila Lending 2, bakit ang sumingil sa kanila si Lending 1. Hindi nila alam na iisang company lang pala ang dalawa.

Isa lang naman ang Lending app ng ROBOCASH kaya makikilala nyo talaga sa ila agad. Marami silang mga branches within Metro Manila at Luzon. Marami na rin silang na serve na mga client at marami na rin ang nagrereklamo sa kanila dahil sa laki ng tubo at sa estelo ng paniningil ng kanila mga collectors. Isa din po sila sa mga naghaharas ng mga client kaya mag-ingat po kayo sa mga gustong subukan ang ROBOCASH.



Ito yong nakasulat sa DESCRIPTION ng kanilang Online Lending App sa Playstore:

Borrow money with our online loan app!

Our cash app applying loan time - only 15 minutes! You need only a valid ID to get a personal loan! Fully automated loans online! The modern way of cash lending - all operations are performed online! Quick loans approval for Philippines residents!

Fully automated cash app!

Fast online cash lending on any day of the week! Our repeat clients can loan money online up to PHP 25,000 and repayment term can be stretched up to 180 Days.

Fully automated cash loans online! Fast loans at any day of the week, regardless of time, holidays, or non-working days! Loan money online with Robocash application! Same day loans for your needs!

A representative loan example:

You apply for PHP 20,000 and choose repayment over 6 months, your monthly payment will be only PHP 5,000 per month, your total cost of the loan will be PHP 2,383 per month (APR = 143%).

Maximum APR: 143%

ROBOCASH FINANCE CORP.SEC Registration No. CS201730459. Certificate of Authority No. 1150Level 7 Cyberpark Tower 1, 60 General Aguinaldo Ave., Cubao, Quezon City.



Dahil sa PENDING CASE nila sa SEC, hindi isinama ang ROBOCASH sa Listahan ng mga Registered Online Lending Platforms sa Pilipinas. 

Monday, September 14, 2020

ALAMIN ANG MGA ONLINE LENDING APPS NA REHISTRADO NG SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC)

1:08 PM 2
ALAMIN ANG MGA ONLINE LENDING APPS NA REHISTRADO NG SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC)
Ang SEC o Securities and Exchange Commission ang inatasan para gawing legal ang iba't-ibang financial institution sa Pilipinas lalo na ang mga lending companies. Kaya para maging legal ang isang lending institution, kailangan mo itong irehistro sa kanila.

Ang daming lumalabas na mga Online Lending Apps ngayon sa Playstore. Sa dami nila, mahihirapan kanang alamin kung sino sa kanila ang legit at totoo. Yong iba naman, kini-claim nila na rehistrado sila ng SEC pero sa totoo ay hindi ay hindi naman pala. Para kayo ay magabayan, kindly check sa ibaba ang lending company o online lending app na gusto nyong aplayan kung rehistrado ba ito o hindi.


LIST OF REGISTERED ONLINE LENDING PLATFORMS
As of June 30, 2020

1. 9F Lending Philippines Incorporated
Reg#: CS201904471
CA: 2916
OLA: Pesoclick, Quickpeso, Amihan

2. Aeon Credit Service (Philippines) Inc
Reg#: CS201724897
CA#: 1140
OLA: Aeon Credit Service Mobile App

3. Armorak Lending Inc
Reg#: CS201908271
CA#: 2988
OLA: Ayudas, Weloan

4. And Financing Corporation
Reg#: CS201840930
CA#: 1187
OLA: Lendpinoy

5. Asialink Finance Corporation
Reg#: A199711768
CA#: 570
OLA: Asialink Mobile CRM App

6. Asiasource Financial Inc
Reg#: CS201412567
CA#: 1085
OLA: MotorcycleLoan, QuickCash, UtangOnline

7. Cash Mart Asia Lending Inc.
Reg#: CS201610084
CA#: 1849
OLA: Cash Mart mobile app

8. Codeblock Lending Inc.
Reg#: CS201913681
CA#: 3059
OLA: Kpeso, Opeso, OKpeso

9. Creditable Lending Corporation
Reg#: CS201817516
CA#: 2749
OLA: EasyPeso

10. Dolphin Lending Investor, inc.
Reg#: CS201911897
CA#: 3037
OLA: PesoGO, Microloan

11. Easycash Lending Company, Inc
Reg#: CS20101882
CA#: 640
OLA: Easycash

12. Elending Lending Inc.
Reg#: CS201912383
CA#: 3044
OLA: Pocketcash

13. Excellent Era Lending Service Corp
Reg#: CS201913044
CA#: 3056
OLA: Support

14. Fcash Global Lending Inc
Reg#: CS201803813
CA#: 2653
OLA: Fast Cash/Fast Loan/Good Loan/Loan Wallet/Peso Cash/First Lending/Peso Loan
NOTE: with Pending Case

15. First Digital Finance Corporation
Reg#: CS201516347
CA#: 1101
OLA: Balikbayad, Loan Ranger , Billease,

16. First Quantum Financing Corporation
Reg#: CS201825674
CA#: 1195
OLA: Peso Lending

17. Flash Cash 101 Lending Corp.
Reg#: CS201915317
CA#: 3083
OLA: Lemon Loan/Valley loan

18. Fuse Lending Inc.
Reg#: CS201617622
CA#: 1897
OLA: Gcash mobile app

19. Fynamics Lending, Inc.
Reg#: CS201821621
CA#: 2781
OLA: Pondopeso

20. Got-IT Lending Inc.
Reg#: CS201909840
CA#: 3006
OLA: Eagle Wallet, Pera Bag, Pera U bag

21. Green Money Tree Lending Inc
Reg#: CS201718196
CA#: 2343
OLA: Cashwagon

22. HC Consumer Finance Philippines
Reg#: CS201301354
CA#: 1071
OLA: My Home Credit

23. Hi-fin Lending inc.
Reg#: CS201910995
CA#: 3027
OLA: Peso Wallet, Credit Cash

24. HT Financial Lending Services (PH) Corp.
Reg#: CS201905455
CA#: 2930
OLA: HICASH, FAST CREDIT, CASH LOAN ONLINE ON-DEMAND

25. Hupan Lending Technology Inc.
Reg#: CS201901197
CA#: 2879
OLA: Cashme, Cashwow

26. Inclusive Credit Lending Inc.
Reg#: CS201909928
CA#: 3007
OLA: Pinoy Peso

27. Joywin Lending Investor, Inc.
Reg#: CS201826247
CA#: 2859
OLA: Lemon Loan

28. Kingabc Lending Corporation
Reg#: CS201951228
CA#: 2919
OLA: Pondoloan, Startloan

29. Kusog Pera Lending Inc.
Reg#: CS201916669
CA#: 3118
OLA: Kusog Pera, SnaPera

30. Leapgen Lending Inc.
Reg#: CS201915717
CA#: 3089
OLA: Pesohaus

31. LHL Online Lending, Inc.
Reg#: CS201916699
CA#: 3119
OLA: Pautang online, Pautang Peso

32. Link Credit Lending Investors Inc
Reg#: CS201914644
CA#: 3072
OLA: Ipeso, Pesoln

33. Magician of Money Lending Corp.
Reg#: CS201918391
CA#: 3157
OLA: PeraMoo

34. Makati Loan, Inc.
Reg#: CS201917209
CA#: 3130
OLA: Peso Cash Loan

35. Mali Lending Corp
Reg#: CS201907662
CA#: 2968
OLA: Mabilis Cash

36. Microdot Lending Corporation
Reg#: CS201951287
CA#: 2921
OLA: MF cash, Credit Cash, Credit Peso, Peso loan mart, Cash Baka, Cash Mabilis, Go Peso,Instant Loan, Timely Loan, Pautang Peso

37. Mycash Lending Investors Inc.
Reg#: CS201840987
CA#: 2814
OLA: Paghiram, Peso Online, PHPocket

38. Myloan Lending Investor Inc.
Reg#: CS201900197
CA#: 2866
OLA: PesoCash

39. Neuroncredit Financing Company Inc.
Reg#: CS201816338
CA#: 1178
OLA: Atome PH

40. Online Loans Pilipinas Financing, Inc.
Reg#: CS201726430
CA#: 1181
OLA: Online Loans Pilipinas

41. Paloo Financing Inc
Reg#: CS201800209
CA#: 1162
OLA: Cashalo

42. Pera247 Lending Corporation
Reg#: CS201734339
CA#: 2582
OLA: Pera247

43. Peso Redee Financing Co. Inc.
Reg#: CS201804564
CA#: 1165
OLA: Peso Redee

44. PHILIPPINE CASHTROUT LENDING CORPORATION
Reg#: CS201910407
CA#: 3015
OLA: PESOMIO, Mocasa, cashoyo

45. Philippine Microdot Financing Corp.
Reg#: CS201907350
CA#: 1214
OLA: Pautang Peso, Borrow Peso, King Loan, Loan peso, Lendpeso Market, Loan Quick, Cash Cloud, Cash Star, Free Peso, Going Loans, Peso Network, Red Cash

46. Philippine RUP Financing Corporation
Reg#: CS201909023
CA#: 1218
OLA: Pesos.ph

47. Philippine Vastness Lending Corporation
Reg#: CS201918401
CA#: 3158
OLA: Vplus

48. Populus Lending Corporation
Reg#: CS201914390
CA#: 3066
OLA: Pesopop, PesoCow, NewCash, Luckyloan

49. Putu Novi Financing Corporation
Reg#: CS201913599
CA#: 1230
OLA: Dami Credit

50. Qcash Finance Corporation
Reg#: CS201918916
CA#: 1253
OLA: Logicash, Pesoflash, Pesobox

51. Royal Yohoo Lending Investors Corporation
Reg#: CS201906145
CA#: 2940
OLA: Happypera2, Happypera pro

52. Second Pay Financing, Inc
Reg#: CS201908038
CA#: 1217
OLA: MMloan

53. Snapcash Lending Inc.
Reg#: CS201804836
CA#: 2658
OLA: MASAYACASH, PESO2YOU, CashniJuan, Peso2go, Jetpeso

54. SUMISHO MOTOR FINANCE
Reg#: CS200917691
CA#: 1007
OLA: SUMISHO

55. Summerset Lending Incorporation
Reg#: CS201903733
CA#: 2906
OLA: Easy Pera

56. Sumulong Financing, Inc
Reg#: CS201915712
CA#: 1238
OLA: Gopeso, Grabpeso, Fastpeso

57. SunCash Lending Investor Corp.
Reg#: CS201825707
CA#: 2846
OLA: Suncash

58. Sunloan Lending Investors Corporation
Reg#: CS201900565
CA#: 2872
OLA: Cashola, Peso Plus

59. Sunprime Finance Inc.
Reg#: CS201916698
CA#: 1241
OLA: LoanQuickCash, LoanOnline, CashCash, OnlineUtang, CarFinance

60. Super Cash Lending Corp
Reg#: CS201821927
CA#: 2789
OLA: Loan Bee, Cash Porter

61. Surity Cash Lending Investors Corp
Reg#: CS201910185
CA#: 3013
OLA: Surity Cash

62. Tala Financing Philippines Inc
Reg#: CS201710582
CA#: 1132
OLA: Tala

63. Tekwang Lending Corp.
Reg#: CS201911369
CA#: 3032
OLA: Tekcash

64. Temple Tech Finance Corp.
Reg#: CS201820732
CA#: 1228
OLA: Tendopay

65. Transnational Financial Services Inc
Reg#: 138629
CA#: 1017
OLA: TRANSNATIONAL FINANCIAL SERVICES, INC.

66. Umbrella Lending Investor Inc
Reg#: CS201914303
CA#: 3068
OLA: Umbrella Lending Investor/ Umbrella

67. Unipeso Lending Company, Inc
Reg#: CS201800172
CA#: 2641
OLA: ThuderCash, FindCash, cashlending, handyloan

68. U-Peso Lending Investors Corp.
Reg#: CS201816691
CA#: 2739
OLA: PesoQ

69. U-Peso.PH Lending Corp
Reg#: CS201814908
CA#: 2718
OLA: Upeso, Pera4u, Peralending, Loanmoto

70. WeFund Lending Corp.
Reg#: CS201825672
CA#: 2844
OLA: Cashmore

71. Y Finance Inc.
Reg#: CS201800494
CA#: 1163
OLA: LoanChamp

72. Yinshan Lending Inc
Reg#: CS201900108
CA#: 2860
OLA: Happycash

Source: Securities and Exchange Commission website

Desclaimer: 
Not all registered Online Lending Apps ay sumunod sa Philippines Lending ACT. Karamihan sa kanila ay iba ang pinapatupad sa kanilang operation lalo na pagdating sa interest rate at processing fees kaya sundan din ang aming mga reviews sa mga OLA na nakalista sa itaas.