Our Share Capital Meeting - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Friday, January 26, 2018

Our Share Capital Meeting

Noong nakaraang linggo, nagkaroon tayo ng Set of Officers meeting. Nag desisyon na ang buong samahan at nakapili na rin ng mga karapatdapat na italaga sa mga responsibilidad na maaaring magpapalago ng ating cooperative. Hindi lingid sa karamihang pumasa sa screening na merong nagback out dahil mali ang inaakala nila kung ano man ang pumasok sa isip nila bago paman ito nangyari. Sa totoo lang, inaasahan ko talaga na merong hindi makatiis lalo na yong may makasariling motibo kung bakit sasali ito sa samahan.

Maaaring hindi nyo pa makikita ang kagandahan ng samahan dahil itoy nag-uumpisa palang at alam ng karamihan na hindi pa perpekto ang sistemang pinapatupad sa ngayon. Alam ng lahat na bawat companya, talagang dadaanan sa ganitong sitwasyon. At alam ko na yong mga naiiwan ay may magandang pananaw sa hinaharap ng PPOC. Mahirap sa umpisa pero kung magtutulungan, siguradong ang lahat ay kayang lagpasan.

Ngayong linggo, another meeting ang naka schedule para sa PPOC para pag-usapan ang tungkol sa Share Capital na kailangang iambag sa samahan para makapag-umpisa ng mag offer tayo ng loan sa mga membro ng PPOC. Pag-usapan natin kung kelan ang deadline para mabuo ito at magkaroon na tayo ng pundo para magagamit na agad sa oras ng pangangailangan ng ating mga membro.


Bukod sa nabanggit na agenda, pag-usapan din natin ang mga guideliness kung paano e grant ang mga loans para mga nag-a-apply. Kung mahigpit ang patakaran sa mga lending companies kahit nakikita nila ang aplikant, mas lalo na tayo dahil online ang proseso ng ating pagpapautang. Inaasahan ang full support sa lahat ng mga kasapi sa PPOC.

Inaasahan na mag-umpisa na tayo bago paman matapos ang buwan ng Enero. Ang halag sa bawat share capital ay P100 based doon sa nanalo sa ating ginawang POLL sa PPO group page. Hindi limited sa isang share lang ang pwede iambag sa samahan, maaaring more than one o mas mahigit pa. Pero dapat meron din tayong limit sa maximum. Hindi pwede marami tayong pundo tapos hindi naman ito nagagamit.  Kailangan ang pundo ay laging naikot at nagagamit ng mga membro para madali itong lalaki at tayong mga membro din ang makikinabang.

Sa mga nag-aabang kung kailan mangyayari ang pagbibigay na ng share capital natin, ngayon na ang panahon para paghandaan. Sa mga wala pang budget, kailangan nyo nang maghanap ng paraan para sabay2x ang lahat makapaghulog para agad itong magagamit.  Inaasahan ang buong supporta ng lahat sa darating na Linggo, January 28, alas syiete ng gabi mag-umpisa ang meeting. See you all folks sa Sunday. Maraming Salamat!

No comments:

Post a Comment