Mula nong nagpost kami sa PPO tungkol sa loan service ng PPOC, nakakatanggap kami ng maraming email tungkol dito. Akala ng karamihan, kapag membro sila ng Pinoy Pautang Online facebook group ay pwede na silang umutang sa PPOC. Gusto lang naming linawin na magkahiwalay ang dalawa. Lahat ng member sa PPOC ay member ng PPO pero hindi lahat ng member ng PPO ay member ng PPOC. Sa kasalukuyan, mayrong 17 members ang PPOC.
Ano ba ang PPOC?
Para sa kaalaman ng lahat, ito'y isang samahan ng mga membro ng PPO. Dahil sa pangangailangan natin ngayon, hindi lahat ng pagkakataon ay naibibigay sa mga financial institution tulad ng bangko at mga lending companies. Kung mayron man, lulunurin ka naman sa laki ng interest na pinapatong nila sa principal amount na hihiramin mo. Nagkasundo ang isang gropo ng PPO members na magtayo ng isang cooperative. Kahalintulad ito sa mga cooperative na tinatayo sa mga company na may maraming empleyado.
Para maging member at mapabilang sa PPOC, kailangan pumasa sa screening at evaluation ang isang member. Tutukuyin ang real identity ng isang individual dahil naglipana na rin ang mga mapagsamantala ngayong araw. Hindi agad-agad maibigay kung ano ang gusto mo, kailangan dumaan ka muna sa isang proseso para maging member at dapat palagi kang andyan during meeting kung magpapatawag ang mga opisyal ng samahan.
Nagulat kami sa preskong tugon ng mga magbabasa ng aming blog, buong akala nila ay pwede na silang mag apply ng loan sa amin. HINDI PA PO pwede magloan ang isang member ng PPO kung hindi siya member ng PPOC. Kaya kung gusto nyong maging member ng PPOC, basahin ang mga nakaraang post namin sa blog kung saan nakita nyo ang post na ito. Lahat ng tanong nyo ay masasagot kung basahin nyo official blog ng PPOC.
Lahat ng requirements na ipapasa nyo sa amin through email ay dapat malinaw. Hindi kayo papasa sa screening at evaluation kung ang mga dokumento na pinasa nyo ay malabo. Kaya siguraduhin nyong malinaw ang pagkakuha ng inyong mga pictures at selfies. Meron kaming guide sa aming blog kung paano makakuha ng malinaw na larawan ng inyong ID at inyong selfie.
Kun maaari lang sana, iwasan ang paulit-ulit na pagpadala ng mga documents na hindi malinaw para hindi mauubos ang ating oras sa kaka check tapos hindi naman makakapasa. Inaanyayahan namin na makiisa ang mga gustong sumali sa PPOC at basahin ang buong blog namin para makuha nyo ang mga kailangan para sa agarang pagpasa sa aming screening.
ANTAYIN NAMIN ANG INYONG MALINAW NA APLIKASYON!