Magkano Madagdag Every Loan Cycle? - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Saturday, March 10, 2018

Magkano Madagdag Every Loan Cycle?

Parang kailan lang, mag 15 days na pala yong unang narelesan natin ng PPOC loan. Ang bilis ng panahon, minsan hindi mo namamalayan due date mo na pala. Dahil sa sobrang bilis ng takbo sa araw natin, marami ang nakakalimot na bayaran na pala. Kaya yong mga hindi alam kung saan kukunin ang pambayad nila nong umutang pa ito, siguradong pagdating ng bayaran wala talagang paraan para makabayad kaya karamihan nagtatago at ang iba naman lumipat ng ibang lugar na walang paalam. Kaya dapat maging seryoso tayo sa pangungutang natin para hindi masira ang reputasyon mo at ng buong pamilya natin.

However, hindi naman lahat tumatakbo ng utang. Dito sa PPOC bawal ang tumakbo at magtatago sa utang. Sa maliit na halaga sisirain mo ang buong pagkatao mo? Mahirap mamuhay sa mundo na wala tayong mukhang ikaharap sa mga kakilala natin na alam ang pinaggagawa natin lalo na sa usaping utang. Kaya iwasan talaga natin na ma delayed ang ating bayad sa mga pera na hiniram natin, sa PPOC man o sa ibang lending companies. Kasi kapag sira ka sa ibang lending companies, mas lalong masisira ka ka dito sa samahan natin.

Nakakatuwa ang mga mag nagloan sa first released. Di pa dumating ang due date pero nagtatanong na kung magkano ang 2nd cycle nila at agad ba silang marerelisan kung mag reloan sila. Oo nga naman, pare mahanda na nila ang kanilang sarili incase ma deny. Hehehe. Wala naman sa atin ang mag DENY sa RELOAN basta maganda lang ang credit records mo. Tinitingnan din namin ang tract records mo pagdating sa pagbabayad. Don't worry, marerelisan agad kayo basta ang mode of disbursement ay available lagi tulad sa coins wallet at SmartPadala. Walang problema basta coins ang disbursement, pwede akong mag released kahit hating gabi.

Pero kung ang pipiliin nyong mode of disbursement ay Palawan or Cebuana, syempre may oras yan kung kelan sila magbukas at kelan din sila magsara. Pwede din BDO or BPI depende din sa funds kung available sa account ko. Maaari din kayong mag request ng loan disbursement through SMARTLOAD WALLET. Nakaka-load ako ng SmartLoad kahit saan sa Pilipinas at pwede rin regular load kung gusto nyong mag register ng internet isang buwan.

Sa ngayon nag-uumpisa palang tayo at limited talaga ang pundo natin. Hindi naman kalakihan ang share capital ng bawat isa kaya kulang talaga ito para mapagbigyan ang lahat na gustong umutang o gustong mag reloan. Kaya naiisip ko na mas mabuting patuloy tayong mag SHARE every month ng P100 para mabigyan natin ang bawat isa na gustong umutang lalo na kung emergency. Problema kasi, kung sakaling may emergency ang isang membro tapos kailangan ng pera, paano natin mabigyan kung nasa kamay pa ng ibang membro ang pundo natin. Kailangan nating pagbubutuhan ito kung papayag ang majority para din naman ito sa lahat.

Tulad ng sinabi ko kulang ang ating pundo para mapagbigyan ang mga gustong umutang at gustong mag reloan. Kaya, pansamantalang ang madagdag sa bawat LOAN CYCLE ay P200 at of this time. Antayin natin kung meron na tayong enough na pundo para pataasan pa natin ng kunti o mas malaki-laki pa. Sa mga 2nd Cycle, ang matanggap nyo ay P700 kasi P500 ang first loan nyo dati. AGAIN, P200 EVERY LOAN CYCLE ang MADAGDAG.

Manatiling 7% pa rin ang interest natin sa loob ng 15 days. Sa P700 loan mo, ang interest nito ay P49, pero dahil mahirap magbilang ng may butal, gagawin itong P50. Kapag meron na tayong enough na pundo magbabago ito. Pwede natin dagdagan ng araw o dagdagan ang interest. Antay ang susunod pang mga update. STAY TUNE!!!

No comments:

Post a Comment