TOP 5 PLEASE SUBMIT YOUR REQUIREMENTS - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Sunday, March 11, 2018

TOP 5 PLEASE SUBMIT YOUR REQUIREMENTS

Natapos na din ang time period na binigay natin sa lahat ng PPOC members upang mag decide kung maglo-loan sila o hindi. Kung nasundan ninyo ang previous post namin tungkol sa opening ng loan application, sinabi namin doon na tanging ang TOP 5 lang ang makakapasok para sa next level yon at yong lima lamang ang magpatuloy para makapag SUBMIT ng kanilang loan requirements. At dahil lima lang din ang nag-apply, automatic na papasok yong limang nag-apply. Please read our previous post kung hindi nyo pa nababasa: https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/03/ppoc-loan-apply-now.html

Dahil lima lang sila, hindi na namin kailangan pang bilangin kung sino ang nakakuha ng pinakamaraming PUSO (HEART VOTES). Sila na ang PRE-QUALIFIED para sa next round, ang pagsa-submit ng mga requirements tulad ng:

1. Photo of their Valid ID
2. Selfie with ID na hinahawakan (Make sure mababasa kung ano ang nakasulat sa ID)

Ang requirements ay kailangan ipapadala through email sa ating official email address na: pinoypautangonline@gmail.com Kailangan, lagi tsinetsek ang inyong email para malalaman kung ano na ang status ng inyong loan application. Upang maiwasan ang pagka delayed ng inyong release, kailangan mag submit ng malinaw o clear copy of your documents at lahat ng kailangan addition requirements ay ma provide agad.

Inaasahan na bukas March 12, matatanggap na namin ang mga requirements para ma validate namin at maipadala agad namin ang addtional na mga detalye para sa loan release like MODE OF LOAN DISBURSEMENT at iba pa. Pinaalalahan namin kayo na palaging magbasa dito sa ating official blog para laging updated sa mga pangyayari ng ating online cooperative. Responsibilidad ng isang membro na malalaman ang lahat na updates through our blog or PPOC facebook group. Iwasan ang pagtatanong palagi kung ano na ang nangyayari sa samahan dahil ikaw ay dapat ang unang nakakaalam.


Sa lahat na gustong mag apply ng loan, kinakailangan magiging active kayo palagi sa ating facebook group. Bilang modelo, kailangan nating tulongan ang mga baguhan para ma guide sila kung ano ang dapat nilang gawin. Tulad din sila ninyo dati na tanong ng tanong kahit ang sagot ay nasa harap lang. Problema paano nyo sila matutulongan kung wala din kayong alam. Kaya kailangan mong malalaman ang lahat ng updates sa cooperative through our blog. Ibig sabihin nito kailangan nating magbasa palagi sa ating blog para matuto at meron tayong mai-share sa iba lalo na sa PPO group.


No comments:

Post a Comment