Ang pagiging membro ng Pinoy Pautang Online Cooperative ay may kaakibat din na responsibilidad. Isa na dito ang pagtulong sa kapwa member ng Pinoy Pautang Online Facebook Group. Lahat kayo dumaan sa pagiging baguhan. Kung inyong natandaan nong una kayong nakapasok sa group natin, nangangapa din kayo at tulad nila, nagpo-post din kayo at nagko-comment ng PAANO o HOW? Ako bilang ADMIN ay gumawa ng paraan para hindi mauubos ang lakas ko sa pagtuturo sa inyo, doon ko naisipan na gawin ang blog para magiging guide sa bawat isa na gustong matuto at gustong magpaturo paano mag-apply ng loan online or offline.
Dati nag-iisa lang ako na sumasagot sa halos lahat ng tanong nga mga members sa PPO. Kunti palang ang members noon kasi kakaumpisa palang. Kinalaunan, biglang dumami at dumami na rin ang aking natulongan sa kahit anong paraan. Yong iba nasagot ko ang mga tanong nila, at yong iba naman natulongan ko kung paano e CLAIM ang Pera Agad loan nila at ang iba paano bayaran ang mga Home Credit, Pera Agad at iba pang lending companies na meron aming shop.
Makalipas ang mga araw at naging buwawan, parami ng parami ang pumapasok sa PPO. Although kaya ko naman gampanan lahat ng trabaho pero minsan napapagod din naman ang katawang lupa ko. Hehehe.. Am just kidding. Meron din akong pinapatakbong cellphone shop kaya hindi lahat ng oras ay nasa online world ako kaya naisipan kung kumuha ng mga Moderators para tumulong sa akin, incase busy ako atleast merong nakakasagot sa mga tanong nga mga baguhan. Kami ay walang sawang sumagot at tumutulong sa mga baguhan sa ating pinakamamahal na FB group and PPO.
Dahil sa naglipanang mga manloloko sa paligid, hindi namin hinikayat ang mga private lenders na magpapautang dito. Ang PPO ang nag-iisang FB group na hindi nag recommend ng PRIVATE LENDERS para na rin sa kapakanan ng lahat naming members dito. Ayaw namin ng sisihan sa bandang huli at baka merong mapahamak tulad sa mga nangyari sa ibang group. Isa lang ang lagi naming sinasagot sa mga nagtatanong kung paano magLOAN o paano mangutang -ito'y BASAHIN ANG "USAPANG PERA AT IBA PA!" blog para ma-guide ang lahat. Nandon na ang mga tips at pati requirements ng bawat lending companies. Hindi namin ini-encourage sa PPO ang mga taong tamad magbasa. Ang pagiging mahilig magbasa ay isang sandata na magagamit hindi lang sa pangungutang kundi pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami kaming post na hindi lang tungkol sa pautang. At meron ding kapartner blog ang USAPANG PERA na pwede ring kapupulutan ng aral.
Hindi namin hinihingi na magpapasalamat kayo sa amin dahil sa ginawa naming pagtulong sa inyo. Pero atleast man lang ma appreciate ng lahat ang effort ng bawat isa na kasapi sa group na ito magiging bahagi din sa pagtulong sa IBA. Ugaliin natin ang GIVE AND TAKE attitude dito sa PPOC at sa PPO. Kailangan magtulongan tayo lalo na sa mga baguhan. Kailangan nating e guide para later on, hindi na rin sila tanong ng tanong kung ano ang gagawin.
KAYA SA UPDATE na ito, lahat ng members ng Pinoy Pautang Online Cooperative o PPOC, ay inatasan namin na makiisa sa pagtulong sa mga baguhan para ma guide din sila kung ano ang dapat gawin bilang bagong pasok sa samahan. Ang pag promote sa ating blog ay malaking tulong para sa bawat isa, dahil karamihan sa mga sagot ng mga baguhan ay nandon nakasulat sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Hindi maiiwasan na meron magreklamo dahil FREE DATA lang sila. Simple lang naman ang sagot natin jan, kunting EFFORT lang kung gusto talaga nilang mangutang. Kung mag-apply tayo ng loan sa community natin, gumagastos na tayo, sa pamasahi palang at sa pag comply ng mga documents na kailangan ng lending company. Kaya kailangan din natin gumasto para mabasa ang blog kahit sa maliit na halaga lang.
Nasubukan ko ng MAGLOAD ng GAANSURF10 at GOSURF10 dahil TNT at TM users ako. Sa sampung peso ko, isang araw ko ng nababasa ang blog. Kaya hindi malaking bagay ang sampung peso kung gustuhin mo talagang makautang. Dapat iwasan ang pagiging reklamador natin. Hindi pa nga natin nagawa ang guide para makautang, panay reklamo na ang lumalabas sa bunganga natin. Karamihan kasi sa atin mga tamad, nasasanay na susubuan. Hindi na uubra ang ganyang ugali sa ngayon. May kanya-kanya tayong buhay at responsibilidad sa pamilya kaya dapat sa simpleng paraan matuto din tayo magtiyaga at magsipag para sa makatulong sa pamilya natin.
AGAIN, lahat ng PPOC members ay inaanyayahang makiisa sa pagtulong sa mga BAGUHAN. Strekto naming ipinapatupad ito para sa mga succeeding LOAN CYCLE ninyo. Kung sino yong hindi namin nakikita sa PPO group na nagko-comment sa mga baguhan o kahit sino sa mga members na nagtatanong, maaaring ma disapproved ang inyong loan application. Ito ay hindi para sa amin lang, inyo para sa inyo lang, hindi para sa baguhan lang, kundi ito ay para sa lahat para maging magaan ang bawat experience natin dito sa PPO at PPOC group.
Ang PPOC members are also encourage to read our latest update na makikita sa ating official blog na https://pinoypautangonline.blogspot.com/ pasa mga PPOC members at https://malalamanmo.blogspot.com/ para naman sa lahat ng members sa PPO FB group. ITO'Y para laging updated tayo sa mga pangyayari sa ating samahan. Lahat ng updates ay mababa sa ating blog. Portion nito ay mababasa sa ating FB group pero ang buong detalye mababasa nyo lang sa blog kaya dapat tagalang sinusundan ninyo palagi ang ating blog.
No comments:
Post a Comment