Voting for Officers -Now Open! - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Sunday, January 21, 2018

Voting for Officers -Now Open!

Kahit medyo naantala ng ilang minuto pero natuloy parin ang nomination ng magiging mga opisyales ng PPOC or Pinoy Pautang Online Cooperative. Kung nahihirapan ang lahat na mga cooperative sa umpisa, lalo na ang PPOC kasi virtual lang ang mga membro nito. Pag sinabing virtual, no physical appearance at ito ay sa internet lamang. Tulad sa sinabi ko, hindi lang ito manatiling virtual. I will try my best this year na mismo magkaroon ng meeting ang bawat membro nito na maaaring gaganapin sa iilang area na meron tayong mga membro.

Ako muna ang mag initiate nito while bago palang tayo at patuloy pang dumadami ang magiging member natin in the future. Kung lahat magkaisa, malayo ang mararating sa samahang ito. Promise ko yan sa lahat lalo na sa naging unang bahagi ng samahan. Umpisa ng mararamdaman ang mga magandang idudulot ng samahang ito sa mga membro. Malaman din ng lahat sa PPO kung gaano kaganda ang cooperative na itinayo natin.

Sa mga naging hindi actibo sa group sa mga nagdaang araw, dapat bumalik na kayo para makakasali din kayo sa tinakdang pag-umpisa ng 2nd batch na malapit na ring umpisahan pagkatapos maayos na ang lahat na pangangailangan ng First batch. Tuloy ang pagtanggap namin ng membro at hindi lamang limited sa isa o dalawang batch. Patuloy itong dadami ng dadami para maabot ang kahuli-hulihang tao na nangangailangan ng financial na tulong.

Ang pagbubuto ay inaasahang magtapos ngayong araw bandang 12midnight. Once may nanalo ng mga officials, umpisahan agad ang pagawa ng guidelines at isusunod na ang pangongolekta para sa kanya-kanyang share capital upang makakapag-umpisa na tayong magpahiram ng pera sa mga deserving applicants. Kung kayo'y hindi pa nakabuto, pumasok na kayo sa exclusive group page sa PPOC.

Inaasahan ng lahat ang cooperation ng bawat isa para sa ikakaganda ng takbo sa ating samahan. Iwasan nating maging pabigat sa iba. Lagi nating iisipin na mas malaki ang kaligahayan na tinatamasa ng isang tumulong kay sa tinutulongan. Kaya sana handa tayong tumulong sa iba in our simple way of doing it.

Target sa ating samahan na bago magtapos ang Enero 2018, nasa kamay na natin ang pondo at sa susunod na buwan, makapag-umpisa na tayong tumanggap ng mga loan applicants, kasama na din ang pagbibigay ng approval para mag-umpisa na tayo sa pagtulong sa nangangailangan. 

STAY TUNE!

No comments:

Post a Comment