Sa unang pagkakataon, gaganapin ang isang pa contest para lamang ito sa mga membro ng PPOC o Pinoy Pautang Online Cooperative. Pumasok agad sa isip ko matapos kung mabasa ang mga short introduction ng bawat membro sa exclusive PPOC group page. Para magkakilala ang lahat, magkakaroon ng True to Life Story ang bawat isa sa pamamagitang ng pagsulat nito at ipo-post ito sa isang blog tungkol sa INSPIRATION and MOTIVATION.
Ang lahat na membro ay gagawa ng kanilang storya na pwedeng umakit sa mga mambabasa nito. Alam kung sa bawat isa ay may kanya-kanyang pinagdaanan sa buhay. Mahirap man ito o madali, kailangan ibahagi sa iba para maibsan ang hinanakit sa buhay kung mayron man. Maaari itong kapupulutan ng aral para sa mga kasamahan sa PPOC o sa iba man, kapag nabasa na ito at magbibigay inspiration sa lahat para mas lalong magsumikap para maiwasan ang maaaring iyo ding pagdadaanan kung sakaling gayahin mo ang kanilang ginagawa.
Merong tatlong manalo ng First, Second and Third. Ang basihan ay kukunin sa daming ng bumabasa nito plus buto galing sa bawat membro ng PPOC. Ang mananalo ay makakatanggap ng premyo galing mismo sa ADMIN ng PPO (Pinoy Pautang Onlline). Ina-aanyayahan ang lahat na membro na gumawa ng kanilang napakagandang storya sa buhay para makaka attract ito ng maraming readers na maaaring maging trending pa ito sa social media.
Ang premyo na matatanggap sa first place ay P3,000 cash, second place ay P2,000 cash at ang third place ay P1,000. At ang lahat na nagsubmit ng kanilang entry ay makakatanggap ng consolation prize na P300. Ang contest ay mag-uumpisa sa Lunes, January 22, 2018 oras sa Pilipinas at matatapos ito sa Februay 28, 2018. Ang mananalo ay malalaman sa March 02, 2018. At ang kanilang premyo ay makukuha sa March 25, 2018.
Kung excited ang first batch ng PPOC, alam kung excited din ang susunod na batch. Tulad ng sinabi namin, maraming palaro ang gaganapin sa PPOC at sa PPO sa susunod na mga araw. Ang PPO ay hindi puro utang at pautang ang pinag-uusapan, layunin ko rin na turuan kayong lahat kung paano kumita ng pera para ma minimize na natin yong pagka addict ng bawat Filipino sa utang. Inaanyayahan namin kayong lahat na makiisa at sumusuporta sa PPOC para tayong lahat ay matutulongan ng samahan.
Ang lahat na entry ay mababasa din ng lahat na membro ng PPO. Sa Pinoy Pautang Online group page ito unang masisilayan. Inaanyayahan namin ang lahat na basahin ito, dahil ito ay True Story na maaaring kapupulutan nyo ng aral. At kung sakaling makapasok kayo sa 2nd batch gagawa din kayo ng inyong sariling storya para ma share natin sa lahat. Stay tune para sa next update namin.
Best Regards,
ADMIN ON DUTY!
No comments:
Post a Comment