Capital Share Payment - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Wednesday, January 31, 2018

Capital Share Payment

Matapos ang mahabang paghihintay, napagdesisyonan nong nakaraang members meeting na ang pagbabayad ng Share Capital or Capital Share ay sa araw na ito February 01, 2018. Pero simula pa kahapon, meron nang naghuhulog ng kanilang mga bayad sa iba't-ibang mode of payment natin.

Sa napag-usapan na, hindi limitido ang pag-ambag ng inyong share. Pwede itong 5 shares, 10 shares or soon basta ang minimum shares natin ay 1 share sa halagang P100.00. Kung hindi nyo natandaan o hindi nyo nabasa sa exclusive group page natin, ang mga sumusunod ay pwede nyong ihuhulog ang inyong mga bayad.

1. Cebuana
2. MLhuillier
3. RD Pawnshop
4. Palawan
6. Truemoney
7. Western Union
8. Smart Padala
9. BPI
10. BDO
11. GCASH
12. PAYMAYA
13. COINS.PH
14. LOADWALLET
15. PAYPAL
16. PAYZA
17. SKRILL


Na post ko na ang mga detalye sa ating GC at sa group page.  Doon nyo nalang kunin ang mga detalye sa papadalhan. Dahil sa inyo ko lang yong binibigay. Kung napansin nyo sa itaas, meron tayong 17 ways paano makapaghulog ng inyong bayad para sa share capital. Walang rason na hindi tayo makapagbayad dahil halos lahat at malapit lang sa bawat isa sa atin. Depende nalang sayong mamili kung saan sa kanila ang may pinaka murang charge or di kaya'y libre ang charge sa paghulog.


Kapag nakapagbayad na ang lahat, mag-umpisa na tayong tatanggap ng mga loan application. Ang guideliness ay mababasa nyo na rin sa susunod na araw sa ating group page. Ugaliing laging pumapasok doon para palagi tayong updated sa mga pangyayari sa ating cooperative. Once matapos ko na ang guidelines at makapag disburse na din ng loan, bubuksan natin ang another batch sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative.

Kasalukuyang tinatapos ko lang ang mga recordings at ang mga guideliness para may basihan tayo kung paano ma-approved ang isang member na nangungutang sa cooperative. Salamat sa lahat na patuloy na sumusuporta sa ating cooperative. Dito natin masusukat ang bawat isa kung gaano sila ka interesado lalo na sa pagdating ng bayaran.

Inaasahan namin kasama ng mga PPOC Officers na mabuo agad this week ang pundo natin para makapag umpisa na tayo sa pagpapautang para sa mga membro na gustong humiram ng pera sa samahan. Sa mga hindi pa nakapagabayad, please send your payment today. Maraming salamat!



5 comments:

  1. details po para sa huhulugan . tia

    ReplyDelete
    Replies
    1. BASAHIN NYO LAHAT NG POST NAMIN DITO PARA MALAMAN NYO NA HINDI LANG HULUGAN ANG BASEHAN PARA MAGING MEMBER NG COOPERATIVE.

      Delete
  2. pwede pa po ba aq mkasali sa cooperative na ito?willing po aq mgbyad ng capital share.. sna po may mgresponse sa ktanungan q,thanks po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paki basa sa mga naunang post para malaman kung anong mga kailangan.

      Delete
  3. Samsung Autopatch Firmware

    I really like reading through a post that can make people think. Also, many thanks for permitting me to comment!

    ReplyDelete