Pinoy Pautang Online: Screening

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Screening. Show all posts
Showing posts with label Screening. Show all posts

Saturday, May 12, 2018

Sino ang Qualified magloan sa PPOC?

12:26 AM 1
Sino ang Qualified magloan sa PPOC?
Araw-araw meron nag email at nagPM sa amin na gustong mag-apply ng loan sa PPOC. Gusto lang namin linawin na ang PPOC loan ay hindi open para sa lahat ng member sa PPO. Magkaiba ang PPO at ang PPOC. Ang PPO o Pinoy Pautang Online at ang PPOC ay Pinoy Pautang Online Cooperative. Hindi lahat ng taga PPO ay member ng PPOC pero lahat ng taga PPOC ay member ng PPO.

Ang PPOC ay nagmumula sa PPO. Nagsimula ang PPOC noon Enero sa taong kasalukuyan. Bago kayo maging member ng PPOC, dadaan muna kayo sa screening at evaluation. Hindi tulad dati na medyo maluwag ang pamimili namin ng magiging member ng PPOC. Dahil dumadami ang mapagsamantala at manloloko na walang ibang ginagawa kundi manlamang sa kapwa, ngayon hinigpitan namin ang requirements para maging isang member ng PPOC.

Mahirap magtiwala sa mga taong hindi mo kilala sa personal. Nakilala mo lang sila sa online world na pwede ang totoo ay gawing fake at ang fake pwedeng gawing totoo. Mahirap iasa sa kamay ng isang tao ang ang pera na hindi mo alam kung ibabalik ito pagkatapos sa napagkasunduang panahon. Kaya ang PPOC ay nag-iingat na sa ngayon kung sino ang karapat dapat na makasali. Nalusutan kami ng isang beses at ayaw na naming maulit pa iyon. 

Ngayon, tulad sa sinabi namin dapat makikipagtulongan na din ang kapwa member para hindi makakalusot ang mga manloloko. Bukod sa pumasa ang isang magiging membro, kailangan din nya na maging aktibo sa PPOC group at lalo na sa pagtulong sa PPO members. Dalawang paraan para makatulong tayo sa kapwa members ng PPO at PPOC. Una pwede nating e share sa kanila ang ating USAPANG PERA AT IBA PA! blog na meron na ngayong 45 different lending companies na pwede nilang aaplayan. Mababasa nila sa blog natin ang step by step process kung paano gagawin ang pagloan sa nabanggit na mga lending companies. Maari din ang isang PPOC member na makatulong sa pag comment sa mga post ng mga members na kailangan ng tulong.

Nasa online world tayo kaya kailangan kung hindi man araw-araw online tayo atleast sa tatlo o apat na araw sa isang linggo ay online tayo. Sa ganitong paraan magiging updated tayo sa mga pangyayari sa ating samahan. Hindi namin tinatanggap na magiging member ng cooperative ang mga hindi laging online at mga bagong bukas ang kanilang facebook account. Karamihan sa mga scammer at mga manloloko ay gumagawa ng mga bagong account para hindi mahuhuli.

Sa ngayon open ang PPOC na tumatanggap ng mga bagong member pero kailangan pumasa sa screening at evaluation. Siguraduhin na mababasa nyo ang nakasulat sa official blog ng PPOC para ma guide kayo paano maging member at para hindi paulit ulit ang pag submit ng mga requirements na minsan ito'y magiging dahil na kayo'y hindi papasa sa evaluation. Basahin nyo ang lahat na nakasulat sa blog na ito para may idea kayo ano ang gagawin ninyo.

Sunday, April 22, 2018

Paano Maka-LOAN sa PPO Cooperative?

6:11 PM 0
Paano Maka-LOAN sa PPO Cooperative?
Nakakatuwang malaman ang massive reaction ng nakakarami galing sa PPO facebook group na gustong-gusto mag apply ng loan sa PPO Cooperative. Ang aming cooperative ay nag-umpisa ngayon taon lamang 2018. Hindi pa marami ang mga members pero natutulongan na namin ang karamihan. Ang PPO Cooperative ay hindi tulad sa ordinaryong lending company na lahat ay pwedeng mag-apply ng loan. Dito sa PPOC, kailangan nyo muna maging member bago kayo makaka avail ng aming loan service.

Ang aming samahan ay tugon sa pangangailangan ng financial assistance na hindi kailangan pa ng maraming requirements to sa ordinary lending companies. Kailangan lamang na pumasa ka sa screening at evaluation ng aming team. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang facebook account na atleast isang taon na NGAYON o mahigit pa mula ng ito'y iyong ginagamit at naging active, pwede na kayong magpa screen sa amin. Siguraduhin lamang na hindi dummy account it at marami kamag-anak mo ang nasa iyong friends list.

Bukod sa nabanggit na sa itaas, kailangan din ang magiging aplikante ay active sa facebook. Kung minsan ka lang nag-o-online, hindi pwede sayo ang PPOC. Kapag member kana sa samahan, meron ka ng responsibilidad na gagawin para manatiling active ang PPOC. Kailangan mo rin tumulong sa kapwa member lalo na sa PPO facebook group. Hinikayat namin ang lahat na sumali kung gusto nyo ng kita galing sa pera na hinirap nyo. Dahil ang interest na nalikom natin mula sa ating loan service ay ibabalik din sa lahat na nagiging bahagi ng ating samahan.

Ang dividend at iba pang patronage income na nalilikom sa ating cooperative ay ibabahagi sa mga membro every end of the year. Ito'y makakatulong din sa bawat membro na maibsan ang kanilang pangangailan sa buhay na dati kailangan pang uutangin sa kahit saan at kahit kanino. Sa mga interesadong maging membro, kailangan nyong basahin ang mga ibang post pa dito sa official blog ng PPOC para masundan nyo ang mga update mula sa pamunuan ng PPOC. Importanting basahin nyo rin ang post namin tungkol sa mga requirements kung paano magpapa screen sa aming team. Pakisundan lamang ang link na ito: https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/01/cooperative-member-how.html


Sunday, February 25, 2018

ISA LANG SA MAHIGIT 20 APPLICANTS

9:39 AM 0
ISA LANG SA MAHIGIT 20 APPLICANTS
Medyo na dismaya dahil sa daming nag-apply para sa screening ng ating 2nd batch PPOC membership ay isa lang ang pumasa. Matagal din nating inaantay na mabuksan ang pagkakataong ito kaya inisip ko na nabasa na ninyo ang ating screening guide na nandito sa ating official blog. Pero isang malaking pagkakamali ang pag assume na kabisado na ng lahat kung ano man ang nakasulat dito sa ating blog. Prankahin ko kayong mga aspirants na magiging members ng aming samaha, hindi po pwede dito ang rason na hindi ko nababasa dahil FREE DATA lang ako. Kinakailangan talaga nating magbasa sa mga updates na naka-post sa ating official blog na https://pinoypautangonline.blogspot.com/ at sa partner at main blog natin na: https://malalamanmo.blogspot.com/

Kung hindi kayo mahilig magbasa sa offline man o dito mismo sa ating blog, mas mabuti pong wag nyo ng ituloy ang pagpapa screen nyo para maging member. Dahil lahat ng mga information na galing sa mga officers at sa ADMIN ng cooperative ay ihahatid namin dito mismo sa ating blog. Kung hindi kayo mahilig magbasa or hate nyong magbasa, dito tuturuan at we encourage you na magbasa para marami kayong matutunan na pwede nyong gamitin sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.

Oo, advance na tayo ngayon pagdating sa latest technology pero mas lamang pa rin ang mga taong mahilig magbasa. Maraming advantage ang makukuha natin sa pagiging wide reader. Ang inaalala namin at layunin para e push kayong magbasa, dahil sa ating paligid nagkalat ang manloloko na nag-aantay lang nga tamang pagkakataon para makapangloko. Alam nyo ba kung sino ang kanilang No.1 target? Walang iba kundi yong mga hindi nagbabasa dahil FREE DATA kuno or yong mga may DATA pero tamad lang magbasa.

Hindi uso dito ang subuan. Meaning, yong taong palaging nagtatanong kung ano na ang nangyayari sa paligid. Dapat lagi tayong updated sa mga pangyayari sa ating paligid. Gusto namin kayong turuan na maging aware lagi sa mga pangyayari lalo na sa ating samahan o cooperative. Kung gusto nyong sumali, dapat sa ngayon palang, masanay na kayong magbasa sa ating mga partners blog para hindi kayo mahuhuli lalo na kung pera at utang ang pag-uusapan.

Inaanyayahan namin ang lahat na basahin ang tatlong link na nasa ibaba para ma guide kayo paano makapasa sa aming screening. 

Para ma-guide kayo sa ating membership screening, please basahin nyo ang link na ito para mahanda nyo ang mga kinakailangan sa screening. https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/02/ppoc-2nd-batch-screening.html

Kung hindi nyo alam paano hanapin ang Facebook link nyo gamit ang inyong cellphone or computer, itong link na ito ang magtuturo sa inyo para makuha ninyo ng tama at hindi na tayo paulit-ulit pa at mapabilis ang screening proces natin. https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/01/facebook-link-saan.html

Sa mga hindi kagandahan ang mga cellphone at malabo ang kuha ng inyong mga pictures, basahin nyo ang tips sa link na ito para makakuha kayo ng magandang selfie o mga litrato.
https://pinoypautangonline.blogspot.com/2018/01/gawing-malinaw-ang-lahat.html

Again, sa lahat na gustong sumali please please basahin at intindihin ninyo ang nakasulat sa post na ito para hindi kayo mahihirapan sa paulit-ulit naming panghihingi ng malinaw na documents. Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa request naming ito.

Wednesday, February 21, 2018

PPOC 2nd Batch Screening

9:29 AM 1
PPOC 2nd Batch Screening
Ito na uli ang pinakahihintay ng lahat para another batch na naman ang papasok bilang isang member ng ating PPOC or Pinoy Pautang Online Cooperative. Sa aming 1st batch medyo natagalan ang proseso dahil na rin sa first time maraming dapat baguhin at kailangan kilatisin ng mabuti ang mga taong karapatdapat na makapasok sa samahan. Hindi ito temporary group na gagawin ng Pinoy Pautang Online, na kapag ayaw na ay madaling burahin sa puso man o isipan. Kami sa PPOC, ay maraming plano para sa samahang ito in the future. Hindi ito tungkol sa UTANG lang, ito'y magiging sandigan natin pagdating ng araw lalo na kung tayo'y nangangailangan.

Mapalad sana ang lahat na nakapasa sa 1st batch screening pero unfortunately, sa 53 na pumasa ang naiwan nalang ngayon ay 20 nalang at kasama na ako at ang mga moderator ng PPO. Masakit isipin na tanggalin ang karamihan sa nakapasa pero kailangang gawin para malinis ang samahan sa umpisa palang upang hindi ito magiging anay na unti-unti kakainin ang pinaka foundation ng samahan. Marami ang natanggal dahil sa ugali na hindi maganda para sa lahat. Hindi namin kailangan ang magagaling sa samahan. Ang kailangan namin ang marunong sumunod kung ano ang patakaran at mga rules ng samahan. Isa lang naman ang dahilan kung bakit magkakagulo ang magkakaibigan, kapag ang totoong ugali ay lalabas na.


May kanya-kanya tayong ugali. Yon ang dahilan kung bakit tayo unique bukod sa panlabas na anyo natin. Hindi naman natin ipinagkaila ang pagiging magkaiba natin pero kung ano man yong kaibihan natin ay wag natin dahil sa isang group na ang common goal at para makatulong sa iba at matulongan din tayo. Hindi pwede sa isang samahan kapag merong makasarili. Dapat tinitingnan natin ang kapakanan ng karamihan hindi pansarili lamang. Iisipin din natin ang pangmatagalang samahan hindi ang panandalian lamang.

Transparency ay isang aspeto na tinitingnan namin sa PPOC. Dapat totoong tao ka na papasok sa saamahan at hindi pwede magtago sa likod na isang pangalan lang. Isa sa mga requirements namin ay ang real facebook account mo. Hindi pwede na gagawa ka ng isang account para lang sa PPOC dahil kung ano yong nakalagay sa valid ID mo, yon din dapat ang pangalan na nakalagay sa Facebook account mo. Kaya kung ready na kayong gawin ang mga requirements para makapasa sa aming 2nd batch screening, ito ay ang sumusunod.

Para sa lahat na interesadong sumali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Kailangan nyong ihanda ang inyong mga sarili. Paano? Tulad sa sinabi namin sa PASILIP POST nong nakaraan, PLEASE CLICK AND READ THIS LINK at  dapat ang inyong mga facebook account ay nakapangalan katulad sa pangalan na nakalagay sa inyong VALID ID. Kung iba ang pangalan nyo ngayon sa facebook, palitan nyo na sa pangalan na nakasulat sa inyong ID. 

Kung sakaling hindi nyo pa pwede palitan ang inyong facebook account dahil bago nyo palang ito pinalitan, maaari pa rin kayong sumali. Ihanda nyo pa rin ang inyong VALID ID para sa oras na kayo ang isusunod namin sa screening, agad nyo itong maibigay sa amin.

Please complete our first requirements para sa screening, bago kayo ipasok sa exclusive facebook group para lang sa mga approved members ng Pinoy Pautang Online Cooperative. Take a photo of your valid ID at isang selfie photo na hawak nyo ang inyong valid ID, dapat malinaw ang pagkakuha at madali naming mababasa. Kung meron kayo nito, at kapareho ng pangalan sa facebook account nyo pwede nyo na itong e send sa amin through email simula bukas February 22, 2018.  Meron ding karagdagang tanong at requirements na ipapagawa namin through our email chit-chat.


Again please email the clear copy of your valid ID, selfie with ID and your facebook account link sa aming email address na: pinoypautangonline@gmail.com Wag kayong mag email ng mga malabong kuha na picture kasi ito'y magpapatagal lamang sa ating screening at pwede naming e denied ang application nyo. 

Reminders: Screening palang po ito para maging member, hindi pa ito ang loan application. 

Saturday, February 3, 2018

PPOC 2nd Batch -Kailan?

8:54 AM 1
PPOC 2nd Batch -Kailan?
Kailan nga ba mag-umpisa ang 2nd batch screening para magiging member ng Pinoy Pautang Online Cooperative? Araw-araw marami akong natatanggap na mensahe galing sa iba't-ibang group page kung saan regular akong nagpo-post ng aking blog. Karamihan sa kanila, galing mismo sa PPO group page kung saan ako ang namamahala o ADMIN.

Kasalukuyang tinatapos nalang namin ang pagbabayad ng mga share capital sa members ng first batch. Although maliit lang ang halaga bawat share pero meron pa ding nahihirapang hahanapin ito.  Hindi pareho ang nagiging status natin sa buhay, yong iba meron at ang iba naman wala pero hindi ibig sabihin na hindi na sila pwede sumali sa cooperative. Isa sa layunin ng samahan ay upang matulongan ang lahat ng membro na matugunan ang kanilang financial na pangangailangan. Kaya lahat ay welcome maging member basta makakapasa sa screening.


Kahit basta active sa social media, pwede na kayong sumali sa aming cooperative. Meron iba naman hindi active pero nakikibalita lang. Wala naman problema ang ganung sitwasyon basta siguraduhin nalang na hindi nahuhuli sa balita at laging makikibalita sa ibang membro. Gusto ko lang ding linawin na ang makakakuha ng loan sa cooperative ay priority yong active na laging nakikipag balitaan sa kapwa membro. 

Kung hindi active sa social media, mas lalong mahihirapan ang committee na maniningil sa kanila kung hindi nakikita ang kanilang activities sa social media. Wala pa tayong pwersa para maningil sa kabahayan. Umaasa lang tayo sa mga gadget natin para maabot ang mga taong kailangan kausapin lalo na't ito'y tungkol sa utang. Lahat ng update sa cooperative ay mababasa dito sa blog, sa GC at sa PPOC group page. 

Inaanyayahan namin ang lahat na membro na laging makibalita sa pamamagitan ng pagbabasa, sa GC, sa group page o sa text man ito. Hindi pwede na ang isang membro ay papasok lang isang beses sa isang buwan. Hangga't maari ay araw-araw itong nakikita sa GC at sa group page.

Sa mga gustong sumali, antayin nyo lang ang susunod na mga update galing sa akin at sa BOD ng PPOC. Meron na tayong napiling mga officers sa cooperative kaya pagkatapos ng bayaran, mag-uumpisa na agad ang PPOC sa pautang sa mga members. Kung gusto nyong maging kasama namin, ihanda nyo lang ang mga kinakailangang requirements. Dapat ang FB account mo ay nakapangalan katulad sa VALID ID mo, dapat palagi kang nagbabasa ng USAPANG PERA AT IBA PA! at PINOY PAUTANG ONLINE COOPERATIVE blogs. Simple lang naman ang requirements, kaya alam naming marami ang makakapasa sa 2nd batch compared sa 1st batch. See you soon sa PPOC!

Tuesday, January 16, 2018

Dapat Lang Linisin

9:42 AM 0
Dapat Lang Linisin
Hindi talaga maiiwasan na maraming nagkalat na debris sa bahay kapag ito'y bagong nilipatan ng may-ari at ng kanyang pamilya. Siguro napapansin nyo ito kung naranasan nyo ng lumipat sa inyong bagong gawang bahay. Ang daming dapat asikasuhin para makakatulog at makakakilos kayo ng matiwasay. Hindi lang ito nangyayari sa tinitirhang bahay, mangyayari din ito sa online world. Kasalukuyang inihanda ang isang samahan para manirahan sa isang exclusibong bahay na pagmamay-ari ni KUYA. Sa madaling salita, gumagawa ngayon ng isang bahay ang PPO para sa natatanging individual upang silang manirahan sa bahay ni KUYA.

Dahil first time ng lahat na makapasok sa isang natatanging bahay? Hindi maiiwasan na ang iba nagkakalat pa. Dahil hindi pa nagawa ang mga rules kaya free pa ang lahat na magkalat pero ngayon oras na para maglinis ang lahat. Bago paman mangyari yan, dapat ako muna ang magwawalis sa isang kwarto para pagdausan ng meeting para sa lahat. Nagkagulo ng kunti kasi lahat hindi magkakakilala at merong nakapasok na hindi sinasadya ang iba.

May mangilan-ngilan kasi na more than one ang account sa social media kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, yong hindi dapat makapasok ay yon ang gamit pang log-in sa GC o group chat. Sa mga sumusubay-bay sa mga actions ng admin sa loob ng GC, nagtataka bakit maraming na remove at marami din nadagdag. LINAWIN KO LANG na yong mga na removed ay mga dummy account at walang record sa screening process sa mga pangalang iyon. Dapat gagamitin nila yong totoong account na pinasa nila during screening. 

Naalis na ang lahat na mga pangalan na hindi kasama sa pumasa screening. Lahat ay verified na totoong account at totoong tao. Kaso merong tatlong pumasa na wala pa sa GC kasi hindi ko sila ma-add. Kahit binigyan ko na sila ng exclusibong link para makapasok, ang iba naman hindi alam paano makapasok gamit ang link na binigay ko sa kanila. Kaya makapasok ang lahat, ako na mismo ang nag-add sa mga pumasa na lumilitaw ang pangalan nila nong nag search ako. Yong tatlo na ayaw, antayin ko nalang hanggang bukas na mag reply sila sa aking email para magawan ng paraan.


S susunod na batch ako na mismo ang mag-add sa bawat pumasa sa GC para hindi na mauulit yong mga pangyayari na nagkalituhan ng kunti pero alam ko sulit ang paghihintay nyo. Malaki ang maitutulong ng PPOC sa bawat membro nito. Magiging huwaran ito sa mga nagbabalak na gumawa din ng ganito pero atleast tayo ang PIONEERING sa ganitong samahan sa facebook.

Kaya kayong mga gustong sumali sa second batch, maghanda na kayo kasi sa susunod na araw bubuksan na namin ang pinto para sa screening. Meron lang kunting nadagdag sa requirements pero napakadali lang itong gawin. Ituturo naman namin sa inyo kung papaano ito gagawin para hindi kayo mahihirapan. Sa ngayon, mag-antay lang muna kayo para sa mga susunod na updates mula sa pamunuan ng PPOC. STAY TUNE!

Sunday, January 7, 2018

Kunting-kunti Nalang ang Kulang!

9:12 AM 0
Kunting-kunti Nalang ang Kulang!
Kasalukuyang ginagawa namin ang screening sa lahat na gustong makasali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Isang linggo na simula ng ito'y inumpisahan naming tumanggap ng applicant. Ang daming nag-apply pero kalahit din ang sa ngayon ay patuloy na kino-comply ang mga requirements. Sigurado marami na ang natuwa dahil nakapasa na sila, pero alam namin na marami din ang nainis dahil hindi makakapasa ang mga documents na pinadala nila sa ating official email.

Tulad sa sinabi namin na paulit-ulit, madali lang pong e comply ang requirements kung sumusunod lang talaga tayo sa mga guide at tips. Karamihan kasi ang tatamad magbasa kaya pati guide at tips ay hindi nila alam. Ang problema lang kasi sa karamihan, hindi makuhang mag effort kahit sa simpleng bagay man lang para mabasa ang guide paano makapasa. Hindi naman kailangan gumastos ng malaki, kahit P15 pwede mo ng mabasa ang ating official blog kung saan lahat ng impormasyon tungkol sa Pinoy Pautang Cooperative ay nandoon. Binigay na namin ang lahat na kumbaga pagkain, ang kulang nalang ikaw, kailangan mong kumain para ikaw ay malusog at magkaroon ng lakas. Sa sandaling ito, para kayong mga sundalong walang baril na pupunta sa giyera. 

The reason why hindi kayo makakapasa kahit sa picture ng ID at selfie ay dahil hindi kayo sumusunod sa simpleng instruction. Ang rason hindi nababa ang blog dahil FREE DATA lang. Naintindihan namin kayo pero hindi ibig sabihin noon kung wala kang internet connection ay hanggang doon nalang, wala kang gagawing mga paraan para magkaroon ng connection. 

Sadyang minsan iniisip natin na mahirap ang buhay. Oo, aminado ako at tama naman talaga ang inisip mo. Pero alam mo kung bakit lalong naghihirap ang buhay? Ito'y dahil ikaw ay nagpakatamad sa iyong sarili. Walang problema na walang solution. Kaya nga naging problema yan dahil may solution. Ang kulang nalang IKAW, kung paano mo ito lutasin. Kung wala kang internet, magpaload ka kahit P15, maraming promo ngayon sa mga telco na kahit sa mababang halaga, makaka avail kana sa kanilang mga internet promos. 

Ganito lang yan, pag gusto mo ang isang bagay -maraming paraan. Pero kung ayaw mo ang isang bagay, napakaraming dahilan. Wala ng easy money sa ngayon, lahat ay paghihirapan lalo na kung ito'y legal. Minsan marunong din tayong sumuong sa paghihirap, kung ang kapalit naman nito'y kaginhawaan. Simula ng mag-isip sa sarili, gawin ang tama para sa ikaluluwag mo at ng inyong pamilya sa hinaharap.

Patuloy pa rin ang pagtanggap namin ng mga applicant. Sa ngayon, meron na tayong 33 ka tao na pumasa sa screening. Tulad sa sinabi namin, kailangan natin ng atleast 50 ka tao para makapag meeting tayo at maupisahan na ang ating cooperative sa lalong madaling panahon. Kaya inaasahan namin ang buong supporta ninyo para din ito sa ating lahat.

Marami pa din ang hindi pa nakapasa pero nagsubmit na ng kanilang requirements, sana naman po basahin ninyo ang guide at tips na mababasa nyo dito sa official blog natin ang: https://pinoypautangonline.blogspot.com/ 

Umaasa kami na ang lahat na bumuto sa 200 na magkaroon tayo ng cooperative ay magiging unang bahagi ng ating PPOC na gagawin 100% online. Kaya pakisabi sa mga kakilala at kaibigan nyo na pwede din sila sumali sa ating PPOC under sa PPO facebook group. 

Patuloy namin kayong ina-update sa mga pangyayari sa likod ng screening na naganap araw-araw. Inaasahan namin na makompleto na ang buong 50 ka tao para mag-umpisa na tayong magtulongan sa isa't-isa.

Meron tayong mahigit 50 ka tao na hindi pa pumasa pero nakapag submit na. Sana bilisan nyo ang pag comply ng tamang requirements. Gawin nyo lang ang mga guide namin para makapasa agad kayo. Kailangan lang malinaw lahat na requirements. Ang picture ng inyong ID ay malinaw, yong selfie nyo na may hawak na ID, ay dapat nababasa ang ID na hawak nyo. Higit sa lahat, wag nyo kalimutan ilagay ang inyong Facebook account link, kung iba ang pangalan nyo sa facebook compared sa inyong ID, sasabihin nyo rin sa amin para mas lalong mapabilis ang screening period natin. 


Best Regards,

PPOC