PPOC 2nd Batch Screening - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Wednesday, February 21, 2018

PPOC 2nd Batch Screening

Ito na uli ang pinakahihintay ng lahat para another batch na naman ang papasok bilang isang member ng ating PPOC or Pinoy Pautang Online Cooperative. Sa aming 1st batch medyo natagalan ang proseso dahil na rin sa first time maraming dapat baguhin at kailangan kilatisin ng mabuti ang mga taong karapatdapat na makapasok sa samahan. Hindi ito temporary group na gagawin ng Pinoy Pautang Online, na kapag ayaw na ay madaling burahin sa puso man o isipan. Kami sa PPOC, ay maraming plano para sa samahang ito in the future. Hindi ito tungkol sa UTANG lang, ito'y magiging sandigan natin pagdating ng araw lalo na kung tayo'y nangangailangan.

Mapalad sana ang lahat na nakapasa sa 1st batch screening pero unfortunately, sa 53 na pumasa ang naiwan nalang ngayon ay 20 nalang at kasama na ako at ang mga moderator ng PPO. Masakit isipin na tanggalin ang karamihan sa nakapasa pero kailangang gawin para malinis ang samahan sa umpisa palang upang hindi ito magiging anay na unti-unti kakainin ang pinaka foundation ng samahan. Marami ang natanggal dahil sa ugali na hindi maganda para sa lahat. Hindi namin kailangan ang magagaling sa samahan. Ang kailangan namin ang marunong sumunod kung ano ang patakaran at mga rules ng samahan. Isa lang naman ang dahilan kung bakit magkakagulo ang magkakaibigan, kapag ang totoong ugali ay lalabas na.


May kanya-kanya tayong ugali. Yon ang dahilan kung bakit tayo unique bukod sa panlabas na anyo natin. Hindi naman natin ipinagkaila ang pagiging magkaiba natin pero kung ano man yong kaibihan natin ay wag natin dahil sa isang group na ang common goal at para makatulong sa iba at matulongan din tayo. Hindi pwede sa isang samahan kapag merong makasarili. Dapat tinitingnan natin ang kapakanan ng karamihan hindi pansarili lamang. Iisipin din natin ang pangmatagalang samahan hindi ang panandalian lamang.

Transparency ay isang aspeto na tinitingnan namin sa PPOC. Dapat totoong tao ka na papasok sa saamahan at hindi pwede magtago sa likod na isang pangalan lang. Isa sa mga requirements namin ay ang real facebook account mo. Hindi pwede na gagawa ka ng isang account para lang sa PPOC dahil kung ano yong nakalagay sa valid ID mo, yon din dapat ang pangalan na nakalagay sa Facebook account mo. Kaya kung ready na kayong gawin ang mga requirements para makapasa sa aming 2nd batch screening, ito ay ang sumusunod.

Para sa lahat na interesadong sumali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Kailangan nyong ihanda ang inyong mga sarili. Paano? Tulad sa sinabi namin sa PASILIP POST nong nakaraan, PLEASE CLICK AND READ THIS LINK at  dapat ang inyong mga facebook account ay nakapangalan katulad sa pangalan na nakalagay sa inyong VALID ID. Kung iba ang pangalan nyo ngayon sa facebook, palitan nyo na sa pangalan na nakasulat sa inyong ID. 

Kung sakaling hindi nyo pa pwede palitan ang inyong facebook account dahil bago nyo palang ito pinalitan, maaari pa rin kayong sumali. Ihanda nyo pa rin ang inyong VALID ID para sa oras na kayo ang isusunod namin sa screening, agad nyo itong maibigay sa amin.

Please complete our first requirements para sa screening, bago kayo ipasok sa exclusive facebook group para lang sa mga approved members ng Pinoy Pautang Online Cooperative. Take a photo of your valid ID at isang selfie photo na hawak nyo ang inyong valid ID, dapat malinaw ang pagkakuha at madali naming mababasa. Kung meron kayo nito, at kapareho ng pangalan sa facebook account nyo pwede nyo na itong e send sa amin through email simula bukas February 22, 2018.  Meron ding karagdagang tanong at requirements na ipapagawa namin through our email chit-chat.


Again please email the clear copy of your valid ID, selfie with ID and your facebook account link sa aming email address na: pinoypautangonline@gmail.com Wag kayong mag email ng mga malabong kuha na picture kasi ito'y magpapatagal lamang sa ating screening at pwede naming e denied ang application nyo. 

Reminders: Screening palang po ito para maging member, hindi pa ito ang loan application. 

1 comment:

  1. Ang pangalan ko ay Gng. Amalia Amangkurat, isang biyuda at nawala ko ang asawa ko 4 taon na ang nakararaan at nagmamalasakit ako sa mga bata, ngayon ay gumawa ako ng pera upang magbayad ng upa at utang ngunit wala akong pera upang magbayad, kamakailan lamang, nakakita ako ng isang patotoo online tungkol sa isang kaibigan na nakuha ng isang hindi secure na utang mula sa Rika ina. Gumawa ako ng mga katanungan at ako ay sinabihan na siya ay isang matapat na ina, kaya nag-aplay ako para sa isang utang na $ 50 milyon kaya pagkatapos ng proseso ng pautang, ang aking pautang ay inilipat sa aking account sa bangko at ngayon, nagkaroon ako ng isang tindahan na pinapatakbo ko ang aking negosyo at ngayon ay nabayaran ko ang aking utang at lahat ng aking mga bayarin, lahat salamat sa Rika Anderson Loan Company ay isang mahusay at tapat na tagapagpahiram kaya pinangakuan kong magpatotoo at ibahagi ang aking mabuting balita din. makipag-ugnay sa kanyang email rikaandersonloancompany@gmail.com,
    Whatsapp: +19147057484 makakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng utang. Kung mayroon kang mga pagdududa o takot, maaari kang makipag-ugnay sa akin palagi sa pamamagitan ng amaliaamangkurat@gmail.com

    ReplyDelete