Kunting-kunti Nalang ang Kulang! - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Sunday, January 7, 2018

Kunting-kunti Nalang ang Kulang!

Kasalukuyang ginagawa namin ang screening sa lahat na gustong makasali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Isang linggo na simula ng ito'y inumpisahan naming tumanggap ng applicant. Ang daming nag-apply pero kalahit din ang sa ngayon ay patuloy na kino-comply ang mga requirements. Sigurado marami na ang natuwa dahil nakapasa na sila, pero alam namin na marami din ang nainis dahil hindi makakapasa ang mga documents na pinadala nila sa ating official email.

Tulad sa sinabi namin na paulit-ulit, madali lang pong e comply ang requirements kung sumusunod lang talaga tayo sa mga guide at tips. Karamihan kasi ang tatamad magbasa kaya pati guide at tips ay hindi nila alam. Ang problema lang kasi sa karamihan, hindi makuhang mag effort kahit sa simpleng bagay man lang para mabasa ang guide paano makapasa. Hindi naman kailangan gumastos ng malaki, kahit P15 pwede mo ng mabasa ang ating official blog kung saan lahat ng impormasyon tungkol sa Pinoy Pautang Cooperative ay nandoon. Binigay na namin ang lahat na kumbaga pagkain, ang kulang nalang ikaw, kailangan mong kumain para ikaw ay malusog at magkaroon ng lakas. Sa sandaling ito, para kayong mga sundalong walang baril na pupunta sa giyera. 

The reason why hindi kayo makakapasa kahit sa picture ng ID at selfie ay dahil hindi kayo sumusunod sa simpleng instruction. Ang rason hindi nababa ang blog dahil FREE DATA lang. Naintindihan namin kayo pero hindi ibig sabihin noon kung wala kang internet connection ay hanggang doon nalang, wala kang gagawing mga paraan para magkaroon ng connection. 

Sadyang minsan iniisip natin na mahirap ang buhay. Oo, aminado ako at tama naman talaga ang inisip mo. Pero alam mo kung bakit lalong naghihirap ang buhay? Ito'y dahil ikaw ay nagpakatamad sa iyong sarili. Walang problema na walang solution. Kaya nga naging problema yan dahil may solution. Ang kulang nalang IKAW, kung paano mo ito lutasin. Kung wala kang internet, magpaload ka kahit P15, maraming promo ngayon sa mga telco na kahit sa mababang halaga, makaka avail kana sa kanilang mga internet promos. 

Ganito lang yan, pag gusto mo ang isang bagay -maraming paraan. Pero kung ayaw mo ang isang bagay, napakaraming dahilan. Wala ng easy money sa ngayon, lahat ay paghihirapan lalo na kung ito'y legal. Minsan marunong din tayong sumuong sa paghihirap, kung ang kapalit naman nito'y kaginhawaan. Simula ng mag-isip sa sarili, gawin ang tama para sa ikaluluwag mo at ng inyong pamilya sa hinaharap.

Patuloy pa rin ang pagtanggap namin ng mga applicant. Sa ngayon, meron na tayong 33 ka tao na pumasa sa screening. Tulad sa sinabi namin, kailangan natin ng atleast 50 ka tao para makapag meeting tayo at maupisahan na ang ating cooperative sa lalong madaling panahon. Kaya inaasahan namin ang buong supporta ninyo para din ito sa ating lahat.

Marami pa din ang hindi pa nakapasa pero nagsubmit na ng kanilang requirements, sana naman po basahin ninyo ang guide at tips na mababasa nyo dito sa official blog natin ang: https://pinoypautangonline.blogspot.com/ 

Umaasa kami na ang lahat na bumuto sa 200 na magkaroon tayo ng cooperative ay magiging unang bahagi ng ating PPOC na gagawin 100% online. Kaya pakisabi sa mga kakilala at kaibigan nyo na pwede din sila sumali sa ating PPOC under sa PPO facebook group. 

Patuloy namin kayong ina-update sa mga pangyayari sa likod ng screening na naganap araw-araw. Inaasahan namin na makompleto na ang buong 50 ka tao para mag-umpisa na tayong magtulongan sa isa't-isa.

Meron tayong mahigit 50 ka tao na hindi pa pumasa pero nakapag submit na. Sana bilisan nyo ang pag comply ng tamang requirements. Gawin nyo lang ang mga guide namin para makapasa agad kayo. Kailangan lang malinaw lahat na requirements. Ang picture ng inyong ID ay malinaw, yong selfie nyo na may hawak na ID, ay dapat nababasa ang ID na hawak nyo. Higit sa lahat, wag nyo kalimutan ilagay ang inyong Facebook account link, kung iba ang pangalan nyo sa facebook compared sa inyong ID, sasabihin nyo rin sa amin para mas lalong mapabilis ang screening period natin. 


Best Regards,

PPOC

No comments:

Post a Comment