Sa May 20, 2018 ang araw na tatanggapin na sa PPOC ang share capital sa mga pumasa sa screening ng aming 2nd batch. Na sent na namin ang mode of payment sa GC na ginawa para sa mga pumasa na magiging member ng PPOC. Maraming paraan para makapagbayad o makahulog ng kanilang share capital.
Ang minimum amount para sa isang share capital ay P100. Depende na sa inyo kung saan doon sa way of payments ang pipiliin nyo. Once makapag hulog na kayo, papasok na kayo sa exclusive PPOC group para sa iba pang guidelines na dapat nyong malalaman. Sa mga gustong humabol, tumatanggap na kami ngayon pa isa-isa at kapag pumasa kayo, pwede agad kayong magbayad ng share capital.
Sa mga gustong magpa screening, siguraduhin lamang nyo na binasa nyo ang lahat ng aming post sa official blog ng PPOC na makikita nyo sa link na ito: https://pinoypautangonline.blogspot.com/ Marami kayong dapat malaman kung paano maging member at ano ang dapat gawin para makapag umpisa at makasali sa screening. Siguraduhin nyo rin na pumasa kayo sa mga requirements bago kayo mag submit ng any documents sa amin.
Sa mga nagdaang screening nahihirapan kami sa paulit-ulit na pag reply sa mga email na lahat ng documents na pinadala ay sobrang labo. Ayaw na namin balikan ang ganung situation para makatipid tayo sa oras. Binigay na namin sa blog ang lahat pati ang guide paano kumuha ng malinaw na larawan sa inyong ID at pati sa selfie. Malaking trabaho at problema kung hindi nyo babasahin ang blog para ma guide kayo.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PPOC marami kaming post tungkol dito sa PPO group page na pwede nyong masundan. Ugaaliin lamang na palagi kayong online at palaging magbabasa sa aming mga latest update para masundan nyo ang pangyayari sa loob ng aming samahan.