Simula nong binuksan natin ang ating loan service dito sa Pinoy Pautang Online Cooperative (PPOC) ay patuloy itong ini-enjoy na ngayon sa mga membro ng ating cooperative. Kakaiba ito sa mga nakasanayan natin kapag umutang tayo sa mga lending companies. Wala masyadong hinihingi na mga requirements, dahil ito'y pagmamay-ari mismo sa mga taong gustong umutang.
Napakadali lang ng release kapag na comply agad ang mga requirements. Kadalasan na problema ay hindi malinaw ang mga documents na binigay sa amin. Kung kaya naman sundin ang mga kakailangan, maaring makuha mo na ang iyong loan proceeds sa loob ng 3-5 hours. Lagi naming pinapaalala sa lahat na ugaliing magbasa dito sa ating official blog para mas lalong ma-familiar nyo ang lahat na kailangan. Ang kulang lang kasi sa atin ay ang effort na magbasa sa ating blog. Mas pipiliin pang magtanong sa kung saan-saan kay sa magbasa nalang at gawin ito na may buo ang loob na magiging successful. Nasa melenials na tayo pero palagi pa rin tayong nahuli sa pagbabago dahil sa ating katamaran.
Sa mga membro na merong more than one na facebook account, kailangan mo na itong e declare sa amin for reference. Hindi na rin tinatanggap ang sa PPOC ang facebook account na bagong gawa lang. Atleast ang facebook account mo ay umabot na ng isang taon at hindi baba sa 100 friends at meron kang mga kamag-anak sa iyong friends list. Upang maiiwasan ang dummy account na makakapasok sa ating online cooperative na magdudulot ng kaguluhan sa buong team.
Sa mga membro ng PPOC na gustong magloan, inanyayahan naming bumisita sa ating PPOC facebook exclusive group para sa karagdagang detalye. Open na ngayon post para e comment ang iyong pangalan para sa agarang release tapos nyong ma provide ang kinakailangang requirements. Ang loan amount pa rin natin ay mag-uumpisa sa P500 para sa first timer at ang term of payment ay 15 days pa rin. Madagdagan ito ng 5% para sa interest na sabay nyong bayaran sa panahon ng inyong due date.
Ang loan service ay open ito sa mga membro na active sa social media o facebook. Kung ikaw ay membro ng PPOC pero hindi ka laging naka online, inaanyayahan ka namin na maging madalas ang pagdalaw sa ating group page at magbasa ng ating blog. Isa sa pagbabago na gaganapin sa mga bagong members ng PPOC, hindi na pwedeng sumali ang mga minsan lang online dahil sa pangalan ng ating team malalaman na ito'y para sa mga laging online na mga tao ang Pinoy Pautang Online Cooperative.
Sa mga interested na aming readers na gustong maging bahagi ng PPOC, maaari kayong mag email sa amin sa: pinoypautangonline@gmail.com pero bago kayo mag email sa amin, mariing basahin muna ang halos lahat ng mga post dito sa aming blog para may idea kayo sa mga requirements at iba pang kailangan para magiging membro dito. https://pinoypautangonline.blogspot.com/
No comments:
Post a Comment