WALANG PUMASA NGAYON - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Monday, January 8, 2018

WALANG PUMASA NGAYON

Ang daming incomplete ang documents na hanggang sa ngayon hindi parin nagawa ng tama. Ano ang karaniwang problema? Una, sobrang tamad. Hindi gumagawa ng paraan para magawa ng tama ang pagkuha ng picture sa ID at sa selfie. Maramihan malinaw ang pagkuha ng ID pero pagdating sa selfie, doon laging sablay. Nagbigay na kami ng tips at guide paana gawin para makakuha ng malinaw na selfie pero dahil hindi nagbabasa, hanggang ngayon NGANGA pa rin sila. 

Kung tutuusin napaka simply lang talaga ang requirements kung nagbabasa lang kayo dito sa ating official blog. Binigay na namin ang lahat para magawa ito, pero karamihan failed pa rin. Bakit karamihan dito gustong laging sinusubuan? Hindi naman tayo mga bata para subuan lagi. Kung hirap kayo makapasa sa simpleng screening natin para maging member, paano na kaya kung nag-apply na kayo ng loan na mas medyo mahigpit na ito compared sa screening natin.

Pangalawa, walang effort maghanap ng paraan. Kung free data ka, ano ba dapat gawin para mabasa ang ating blog? Lagi naming sinasabi na kailangan ng data connection para mababasa nyo ito pero parang bingi at walang pakialam ang karamihan. Sinabi na namin na hindi naman kailangan gumastos ng malaki para mababasa ang ating blog. Kahit P15 ay pwede na kayong makabukas nito at makabasa sa mga laman ng ating blog.

Napakahalat na karamihan dito sa group natin wala talagang effort magbasa kasi paulit-ulit pa ring ginagawa kahit sinabihan na nga ito gawin at wag ganyan, pero pagkabasa mo uli sa kanilang email, ganun pa rin ang laman. Ang hirap kausapin at bigyang instruction, hindi naman bata na dapat uulit-ulitin.  Sadya ba talagang ganun ka tigas at ayaw mapakiusapan. Kung tutuusin pwede kong e reject agad pero binigyan ko ang lahat ng chance para walang ma reject or declined sa screening pero kung nakalimang beses ko na inulit ang instruction, tapos ganun pa din. Siguro naman I have the right to reject at declined your application. Wag masama ang loob kasi kayo din naman ang may kasalanan. Ang dami naman pumasa, ibig sabihin madali lang sa mga nagbabasa pero yong mga hindi, ayong patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa na sila lang mismo ang nag-aakalang tama.

Sa last post ko, kunti nalang ang kulang para makapag-umpisa tayo pero karamihan sa mga nag submit ng kanilang  documents ay mukhang hindi nakikiisa sa amin. Please lang po, pakiusap, basahin nyo ang tips na matatagpuan sa ating blog para magawa nyo na ng tama ang kinakailangang requirements at magpatuloy na tayo sa next step.

Yong mga pumasa, antayin nyo nalang ang next email galing sa amin kung ano ang gagawin sa susunod para makapag meeting na ang lahat na pumasa. Maaari nyo ding e invite ang inyong mga kaibigan na sumama sa atin at mag JOIN sa ating PPO group para makasali sa ating cooperative. Padamihin natin ang ating group para marami din tayong matutulungan. Kung umabot tayo ng more than 5,000 ngayon...hindi imposible na aabot pa tayo sa 50,000 hanggang we can reach 100,000. 

Sa mga mag-a-apply pa, please submit the 3 simple requirements at siguraduhing ang ID nyo at selfie ay malinaw para makapasa agad kayo. Wag kalimutan, isama nyo sa email ang inyong facebook account link. Hindi kami humihingi ng SCREENSHOT ng inyong profile kaya, please STOP sending us the screenshots of your profile, hindi namin tinatanggap ang ganong proof.

STAY TUNE!

No comments:

Post a Comment