Pinoy Pautang Online: Share Capital

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Share Capital. Show all posts
Showing posts with label Share Capital. Show all posts

Monday, May 14, 2018

Share Capital For PPOC 2nd Batch

1:26 AM 1
Share Capital For PPOC 2nd Batch
Sa May 20, 2018 ang araw na tatanggapin na sa PPOC ang share capital sa mga pumasa sa screening ng aming 2nd batch. Na sent na namin ang mode of payment sa GC na ginawa para sa mga pumasa na magiging member ng PPOC. Maraming paraan para makapagbayad o makahulog ng kanilang share capital. 

Ang minimum amount para sa isang share capital ay P100. Depende na sa inyo kung saan doon sa way of payments ang pipiliin nyo. Once makapag hulog na kayo, papasok na kayo sa exclusive PPOC group para sa iba pang guidelines na dapat nyong malalaman. Sa mga  gustong humabol, tumatanggap na kami ngayon pa isa-isa at kapag pumasa kayo, pwede agad kayong magbayad ng share capital.

Sa mga gustong magpa screening, siguraduhin lamang nyo na binasa nyo ang lahat ng aming post sa official blog ng PPOC na makikita nyo sa link na ito: https://pinoypautangonline.blogspot.com/ Marami kayong dapat malaman kung paano maging member at ano ang dapat gawin para makapag umpisa at makasali sa screening. Siguraduhin nyo rin na pumasa kayo sa mga requirements bago kayo mag submit ng any documents sa amin.

Sa mga nagdaang screening nahihirapan kami sa paulit-ulit na pag reply sa mga email na lahat ng documents na pinadala ay sobrang labo. Ayaw na namin balikan ang ganung situation para makatipid tayo sa oras. Binigay na namin sa blog ang lahat pati ang guide paano kumuha ng malinaw na larawan sa inyong ID at pati sa selfie. Malaking trabaho at problema kung hindi nyo babasahin ang blog para ma guide kayo.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PPOC marami kaming post tungkol dito sa PPO group page na pwede nyong masundan. Ugaaliin lamang na palagi kayong online at palaging magbabasa sa aming mga latest update para masundan nyo ang pangyayari sa loob ng aming samahan.


Thursday, April 19, 2018

PPOC - Open for Loan Application

8:54 AM 5
PPOC - Open for Loan Application
April 5, 2018 ay ang last day natin para sa additional share capital upang makapagpatuloy tayo sa pagbigay ng reloan na may additional na P200.00 every loan cycle. Kunti lang ang nagbigay, karamihan sa nagbigay ay yong merong existing loan sa PPOC. Napansin ng pamunoan na hindi sapat ang pundo para ipagpatuloy ang additional P200 bawat cycle. Unless, magpapasok tayo ng mga bagong members para madagdagan ang ating pundo pero sa halagang P100 per share kulang pa din ito sa mga gustong mag reloan.

Ngayong linggo, April 22, 2018 meron tayong members meeting na gaganapin sa ating PPOC -GC para sa agenda na ito. Kailangan nating pag-aralan kung papano natin maibigay ang pangagailangan ng mga nag reloan at kung saan naman natin kukunin ang additional na pundo. Mas maganda siguro na hanggang P1,000 lang muna ang maximum na pwede natin ipautang sa mga membro habang nag-iipon tayo ng pundo. At maaari nating paliitan ang interest from 7% sa loob ng 15 days, baka pwede nating 5% nalang sa loob ng 15 days.

Inaanyayahan ang lahat na members na dumalo sa ating meeting sa linggo, 8pm ng gabi, Pilipinas Time. Kailangan naming marinig ang panig ng ibang membro kahit medyo busy ang karamihan sa ngayon dahil sa ibat-ibang activities during summer vacation. Layunin din nating pumili ng bagong set officers pagkatapos matanggal yong iba na hindi sumunod sa mga alituntunin ng ating samahan.

We are also happy to announce na sa Monday, April 23, 2018 ay bubuksan uli ang loan application para sa lahat, lalo na sa mga hindi pa nakapag loan. Bigyan natin ng chance ang ibang member na gusto ding mag loan sa ating cooperative. Sa ngayon, meron kunting pagbabago sa requirements sa mga gustong magloan. Pag-usapan natin ang tungkol dito during our meeting sa linggo.

Bubuksan narin natin ang pagtanggap ng new members pero dadaanan din sila sa screening committee ng ating cooperative. Isa din ito sa agenda natin sa ating meeting sa linggo. Hindi tulad dati na mag antay pa para ma completo ang isang batch, ngayon maari na itong mag-umpisa agad at kailangan makapasa sa screening at magbayad ng at least P100 para sa kanilang share capital.

Patuloy ang pagtulong ng PPOC sa mga members na nangangailangan ng tulong lalo na during emergencies. Inaanyayahan ang lahat na gustong sumali, magpa screen po kayo sa amin. Ang mabigat na requirements bukod sa nabanggit nong mga nakaraang post, ngayon hindi na pwede sumali ang bagong gawa na facebook account. Kailangan ang facebook account mo ay at least 1 year simula ngayon. Ibig sabihin kapag ang facebook account mo ay gawa after April 19, 2017 hindi namin ito tatanggapin. Dapat ang inyong facebook account ay active at hindi puro advertisement ng kung ano ang mga binibinta mo.

Sa lahat na gustong sumali, welcome po kayo sa PPOC. Seguraduhin lang na pasado kayo sa screening at evaluation. Dahil pera ang involve sa samahang ito, kaya hindi pwedeng hindi strikto pagdating sa mga alintuntunin ng buong gropo. Lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy nyong pagsubaybay sa amin. 

PPOC GROUP

Monday, March 19, 2018

DAGDAG SHARE CAPITAL FOR PPOC

5:27 PM 0
DAGDAG SHARE CAPITAL FOR PPOC
Nabanggit namin sa dating post na kinakailangan ng magdagdag ng share capital para mabigyan din ng changce ang ibang member para makapag loan at patuloy na ma enjoy ang additional P200 every loan cycle. Naintindihan namin na dumadami ang gustong mag loan, yon naman talaga ang MAIN REASON kung bakit sumali tayo sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Sa sobrang dami, hindi lahat mapagbigyan dahil limitido lang ang pundo natin. Sa halagang P100, pwede ka ng maging member, para sa karamihan hindi ito kalakihan at napakagaan sa bulsa. 

Sa April 05, 2018 mag-umpisa ang pangongolekta natin ng additional caital of ATLEAST P100 every month. Ibig sabihin pwede magdagdag ng P200 good for 2 shares up 5 shares kung may kakayahan kayong magdagdag ng mas malaki. Mas malaking share ang idagdag, mas makakabuti sa samahan pero we are not encouraging na maglagay ng malaki. Meron tayong limit lamang na P500 ang idagdag. 

Termporary lang po ito habang kulang pa ang ating pundo. Maaari itong ihinto pag nakalikom na tayo ng enough na pundo para sa loan at reloan ng mga PPOC members.  Bukod sa pang loan at reloan ng ating mga membro, kailangan din nating mga reserve na funds para sa mga emergency cases ng sino mang membro na maaaring makapag reloan kahit hindi pa tapos ang kanyang existing loan. Ibig sabihin pwede nating e restruct ang kanyang existing loan para ma refresh ito ang maging bagong loan.

Marami na rin ang nakapag-avail ng ating loan service. Kahit nagsimula sa maliit na halaga pero alam naming nakakatulong ito sa mga nag-avail ng loan. Sa maliit na interest natin layunin ng PPOC na matutulongan ang lahat na hindi na kailangang umutang pa ng 5-6 o sa mga online lending companies na medyo malaki ang interest. Kapag meron na ding enough na pundo, gagawin na rin nating 30 days o mas mahigit pa ang terms ng ating pautang sa mga members natin.

Ikinagagalak ng bawat isa na malasap ang pinaghihirapan natin simula pa nong itayo natin itong ating samahan. Kahit maraming mga challenges pero ito ngayon, umpisa ng kinikilala sa mga tao ang PPOC, di magtatagal meron na tayong mga membro sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Layunin natin na magkaroon ng mga representative sa bawat region para mapadali ang pag process ng mga loans at mga bayad. Kung magtulungan ang lahat, siguradong mararating natin ang minimithi ng buong samahan para makakatalong sa nakakarami. 

Wednesday, March 14, 2018

Monthly Share Capital

8:22 AM 2
Monthly Share Capital
Naka-dalawang batch na ang PPOC sa pag release ng aming loan service sa mga members nito, nakikita namin na kinukulang ang aming pundo. Nakapagbayad na rin ang First Batch pero dahil mas marami ang nag avail ng loan sa Second Batch kaya napagpasyahan na kailangan na talagang magdagdag ng additional SHARE CAPITAL every month. Naitanong na ito nong bago pa lang nag-umpisa ang Cooperative pero dahil under observation pa ang takbo ng funds kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin dahil busy din ang lahat kung paano patatakbuhin ang samahan.

Hindi inaasahan nong una na marami ang mag avail ng loan. Pero dahil karamihan sa mga members ay short sa monthly budget, mainam na sa PPOC na lang mang hiram kay sa mga lending companies na napakalaking interest ang maaaring babayaran pagkatapos ng due date. Kasalukuyang nasa 7% ang interest rate na ibinigay sa mga membro ng PPOC sa bawat approved loan nila, sa terms na 15 days. Kung meron ng enough na pundo ang samahan, maaaring ibaba namin ang interest from 7% to 5% sa loob ng 30 days at hindi na 15 days. Sa ngayon, we are releasing loans by batch para hindi masagad ang pundo at pagkatapos bayaran ang exisiting loan, pwede agad makapag reloan kahit bagong bayad palang sila sa kanilang loan.

Leading pa rin ang YES pabor para sa pagdagdag ng SHARE CAPITAL. Wala pang bumuto sa NO. Gusto din naman ng lahat na makapagloan, at dahil kulang ang pundo kaya hindi makakasingit. Kung sino lang yong nauna at nakakuha ng maraming PUSO. Sa ngayon, yon ang basehan para sa pag apply at pag-approved ng loan pero later, babaguhin din ito. Gagawin nating formal para fair sa lahat. Mahirapan kasi tayong gumawa ng CI sa mga bahay-bahay kasi napakalayo ang pagitan ng bawat isa. Kapag, lumaki na ang samahan at maging legal na tayo, gagawin natin ang proseso sa legal din na paraan pero mas stricto compared sa ngayon.

Inaasahang mag umpisa sa susunod na buwan ang paglikom ng additional na pundo para magagamit sa pa-Loan services ng PPOC. Inaasahang ma accomodate natin ang 10 members per batch na nag-apply ng loan. Tapos nilang bayaran ang kanilang mga loan, dapat maaari agad silang mag reloan na hindi kinakapos ng pundo. Target ng samahan na sa June 2018, ibaba na ang interest rate natin para hindi mabigay sa mga nanghihiram. Layunin natin na maiwasan na ang pangungutang sa 5-6 at sa ibang lending companies na napakalaki ang interest.

Kung kayo ang tatanungin namin, payag ba kayo sa additonal share capital na P100 per month para makalikom ng enough na pundo para maparami ang bilang sa mga manghihiram? Ang P100 ay hindi ito nakaka apekto sa budget nyo pero maaari itong makakatulong sa pamumuhay ng mga membro sa susunod na taon. Inanyayahan namin na makiisa ang lahat ng membro sa ngayon para makukuha tayo ng pundo para sa 3rd batch natin next month. KAYA KUNG PAYAG KA, VOTE YES!


Friday, January 26, 2018

Our Share Capital Meeting

10:41 AM 0
Our Share Capital Meeting
Noong nakaraang linggo, nagkaroon tayo ng Set of Officers meeting. Nag desisyon na ang buong samahan at nakapili na rin ng mga karapatdapat na italaga sa mga responsibilidad na maaaring magpapalago ng ating cooperative. Hindi lingid sa karamihang pumasa sa screening na merong nagback out dahil mali ang inaakala nila kung ano man ang pumasok sa isip nila bago paman ito nangyari. Sa totoo lang, inaasahan ko talaga na merong hindi makatiis lalo na yong may makasariling motibo kung bakit sasali ito sa samahan.

Maaaring hindi nyo pa makikita ang kagandahan ng samahan dahil itoy nag-uumpisa palang at alam ng karamihan na hindi pa perpekto ang sistemang pinapatupad sa ngayon. Alam ng lahat na bawat companya, talagang dadaanan sa ganitong sitwasyon. At alam ko na yong mga naiiwan ay may magandang pananaw sa hinaharap ng PPOC. Mahirap sa umpisa pero kung magtutulungan, siguradong ang lahat ay kayang lagpasan.

Ngayong linggo, another meeting ang naka schedule para sa PPOC para pag-usapan ang tungkol sa Share Capital na kailangang iambag sa samahan para makapag-umpisa ng mag offer tayo ng loan sa mga membro ng PPOC. Pag-usapan natin kung kelan ang deadline para mabuo ito at magkaroon na tayo ng pundo para magagamit na agad sa oras ng pangangailangan ng ating mga membro.


Bukod sa nabanggit na agenda, pag-usapan din natin ang mga guideliness kung paano e grant ang mga loans para mga nag-a-apply. Kung mahigpit ang patakaran sa mga lending companies kahit nakikita nila ang aplikant, mas lalo na tayo dahil online ang proseso ng ating pagpapautang. Inaasahan ang full support sa lahat ng mga kasapi sa PPOC.

Inaasahan na mag-umpisa na tayo bago paman matapos ang buwan ng Enero. Ang halag sa bawat share capital ay P100 based doon sa nanalo sa ating ginawang POLL sa PPO group page. Hindi limited sa isang share lang ang pwede iambag sa samahan, maaaring more than one o mas mahigit pa. Pero dapat meron din tayong limit sa maximum. Hindi pwede marami tayong pundo tapos hindi naman ito nagagamit.  Kailangan ang pundo ay laging naikot at nagagamit ng mga membro para madali itong lalaki at tayong mga membro din ang makikinabang.

Sa mga nag-aabang kung kailan mangyayari ang pagbibigay na ng share capital natin, ngayon na ang panahon para paghandaan. Sa mga wala pang budget, kailangan nyo nang maghanap ng paraan para sabay2x ang lahat makapaghulog para agad itong magagamit.  Inaasahan ang buong supporta ng lahat sa darating na Linggo, January 28, alas syiete ng gabi mag-umpisa ang meeting. See you all folks sa Sunday. Maraming Salamat!