Pinoy Pautang Online: PPOC

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label PPOC. Show all posts
Showing posts with label PPOC. Show all posts

Saturday, February 10, 2018

Walong MakapagLOAN sa PPOC

8:23 PM 0
Walong MakapagLOAN sa PPOC
Kasalukuyang meron tayong P5,350 na pundo sa ating PPO cooperative. We will test run our pautang sa halagang P500 muna. Dahil limited pa tayo sa pondo. Sa ngayon magre-release tayo ng tig P500 sa walong (8) qualified. Ang P500 ay magiging P535 after 15days. Strictly wala munang extension sa ngayon at lalong wala munang penalties kaya dapat bayaran talaga pagkatapos ng 15 days.
Lahat ng membro sa first batch ay pwede mag-apply sa test run. How it works? Lahat ng applicants ay gagawa ng inyong magandang rason kung bakit kayo uutang sa cooperative. Dapat makatutuhanan at galing sa puso. Bakit makatutuhan? Ito'y dahil, ang pipili para maging pre-qualified kayong makahiram ay ang kapwa membro ng PPOC. Ang ADMIN ay gagawa ng POST, at iko-COMMENT nyo ang inyong magandang rason bakit kayo uutang. PARAMIHAN sa pagbigay ng HEARTS. Hindi counted ang LIKES -ONLY HEARTS ang counted sa bilangan. Kung sino ang walong makakakuha ng napakaraming HEARTS, sila ang PRE-QUALIFIED para makakuha ng LOAN sa PPOC.
Kapag napili na ang walo (8) pre-qualified applicants, yong walo ang kailangang magsubmit ng mga requirements para tuluyang makuha ang pera. Kailangang ma comply lahat ng requirements para tuluyang ma-approved ang loan. Kapag hindi naka complete ang isang applicants sa walong nabanggit, papalitan ito sa naging pang siyam sa may pinakamaraming HEARTS.
Ang sumusunod ay ang mga requirements na dapat ihanda sa mga magiging PRE-QUALIFIED sa LOAN SCREENING.
First Cycle - TEST RUN PAUTANG from PPOC
REQUIREMENTS FOR PPOC LOAN APPLICATION 1. Valid ID (SSS, Driver's License, Passport, Postal, UMID, ETC?
2. Proof of Billing (preferred nakapangalan sayo -applicants) -same address with your Brgy Clearance.
3. Latest Brgy Clearance
4. Active Contact Number (called by the credit committee)
5. Promissory Note (signed by the applicant, co-borrower*, co-maker**)
7. Video call to verify your documents.

*co-borrower: husband or wife **co-maker: PPOC member Application form and promissory note signed, send and receive through our official email address: pinoypautangonline@gmail.com

Saturday, February 3, 2018

PPOC 2nd Batch -Kailan?

8:54 AM 1
PPOC 2nd Batch -Kailan?
Kailan nga ba mag-umpisa ang 2nd batch screening para magiging member ng Pinoy Pautang Online Cooperative? Araw-araw marami akong natatanggap na mensahe galing sa iba't-ibang group page kung saan regular akong nagpo-post ng aking blog. Karamihan sa kanila, galing mismo sa PPO group page kung saan ako ang namamahala o ADMIN.

Kasalukuyang tinatapos nalang namin ang pagbabayad ng mga share capital sa members ng first batch. Although maliit lang ang halaga bawat share pero meron pa ding nahihirapang hahanapin ito.  Hindi pareho ang nagiging status natin sa buhay, yong iba meron at ang iba naman wala pero hindi ibig sabihin na hindi na sila pwede sumali sa cooperative. Isa sa layunin ng samahan ay upang matulongan ang lahat ng membro na matugunan ang kanilang financial na pangangailangan. Kaya lahat ay welcome maging member basta makakapasa sa screening.


Kahit basta active sa social media, pwede na kayong sumali sa aming cooperative. Meron iba naman hindi active pero nakikibalita lang. Wala naman problema ang ganung sitwasyon basta siguraduhin nalang na hindi nahuhuli sa balita at laging makikibalita sa ibang membro. Gusto ko lang ding linawin na ang makakakuha ng loan sa cooperative ay priority yong active na laging nakikipag balitaan sa kapwa membro. 

Kung hindi active sa social media, mas lalong mahihirapan ang committee na maniningil sa kanila kung hindi nakikita ang kanilang activities sa social media. Wala pa tayong pwersa para maningil sa kabahayan. Umaasa lang tayo sa mga gadget natin para maabot ang mga taong kailangan kausapin lalo na't ito'y tungkol sa utang. Lahat ng update sa cooperative ay mababasa dito sa blog, sa GC at sa PPOC group page. 

Inaanyayahan namin ang lahat na membro na laging makibalita sa pamamagitan ng pagbabasa, sa GC, sa group page o sa text man ito. Hindi pwede na ang isang membro ay papasok lang isang beses sa isang buwan. Hangga't maari ay araw-araw itong nakikita sa GC at sa group page.

Sa mga gustong sumali, antayin nyo lang ang susunod na mga update galing sa akin at sa BOD ng PPOC. Meron na tayong napiling mga officers sa cooperative kaya pagkatapos ng bayaran, mag-uumpisa na agad ang PPOC sa pautang sa mga members. Kung gusto nyong maging kasama namin, ihanda nyo lang ang mga kinakailangang requirements. Dapat ang FB account mo ay nakapangalan katulad sa VALID ID mo, dapat palagi kang nagbabasa ng USAPANG PERA AT IBA PA! at PINOY PAUTANG ONLINE COOPERATIVE blogs. Simple lang naman ang requirements, kaya alam naming marami ang makakapasa sa 2nd batch compared sa 1st batch. See you soon sa PPOC!

Sunday, January 21, 2018

Voting for Officers -Now Open!

11:06 AM 0
Voting for Officers -Now Open!
Kahit medyo naantala ng ilang minuto pero natuloy parin ang nomination ng magiging mga opisyales ng PPOC or Pinoy Pautang Online Cooperative. Kung nahihirapan ang lahat na mga cooperative sa umpisa, lalo na ang PPOC kasi virtual lang ang mga membro nito. Pag sinabing virtual, no physical appearance at ito ay sa internet lamang. Tulad sa sinabi ko, hindi lang ito manatiling virtual. I will try my best this year na mismo magkaroon ng meeting ang bawat membro nito na maaaring gaganapin sa iilang area na meron tayong mga membro.

Ako muna ang mag initiate nito while bago palang tayo at patuloy pang dumadami ang magiging member natin in the future. Kung lahat magkaisa, malayo ang mararating sa samahang ito. Promise ko yan sa lahat lalo na sa naging unang bahagi ng samahan. Umpisa ng mararamdaman ang mga magandang idudulot ng samahang ito sa mga membro. Malaman din ng lahat sa PPO kung gaano kaganda ang cooperative na itinayo natin.

Sa mga naging hindi actibo sa group sa mga nagdaang araw, dapat bumalik na kayo para makakasali din kayo sa tinakdang pag-umpisa ng 2nd batch na malapit na ring umpisahan pagkatapos maayos na ang lahat na pangangailangan ng First batch. Tuloy ang pagtanggap namin ng membro at hindi lamang limited sa isa o dalawang batch. Patuloy itong dadami ng dadami para maabot ang kahuli-hulihang tao na nangangailangan ng financial na tulong.

Ang pagbubuto ay inaasahang magtapos ngayong araw bandang 12midnight. Once may nanalo ng mga officials, umpisahan agad ang pagawa ng guidelines at isusunod na ang pangongolekta para sa kanya-kanyang share capital upang makakapag-umpisa na tayong magpahiram ng pera sa mga deserving applicants. Kung kayo'y hindi pa nakabuto, pumasok na kayo sa exclusive group page sa PPOC.

Inaasahan ng lahat ang cooperation ng bawat isa para sa ikakaganda ng takbo sa ating samahan. Iwasan nating maging pabigat sa iba. Lagi nating iisipin na mas malaki ang kaligahayan na tinatamasa ng isang tumulong kay sa tinutulongan. Kaya sana handa tayong tumulong sa iba in our simple way of doing it.

Target sa ating samahan na bago magtapos ang Enero 2018, nasa kamay na natin ang pondo at sa susunod na buwan, makapag-umpisa na tayong tumanggap ng mga loan applicants, kasama na din ang pagbibigay ng approval para mag-umpisa na tayo sa pagtulong sa nangangailangan. 

STAY TUNE!

Tuesday, January 2, 2018

GAWING MALINAW ANG LAHAT

7:59 AM 7
GAWING MALINAW ANG LAHAT

Ngayon ang umpisa sa screening natin para maging ganap na qualified para maging member sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Meron akong natanggap na labintatlong (13) email sa ating official email address: pinoypautangonline@gmail.com Nagpapasalamat ako mula sa lahat na agarang naghanap ng paraan para makapag submit agad ng kanilang mga requirements. Alam namin na gustong-gusto nyo na mag-umpisa tayo sa ating cooperative. Naintindihan ko kayong lahat kaya kailangan lang talaga natin ang full cooperation para mapadali ang ating screening.

Sa labintatlong nag-submit ng kanilang mga requirements, wala ni isang pumasa. Hehehe. Tama naman ang sinabmit nila kaso pasensya na kung kailangan kong ibalik sa inyo yon dahil talagang ginamitan ko ng salamin at malabo pa rin. Nagpapasamat ako kahit hindi pa tama atleast you tried your best. Buti na rin ganun ang nangyari para may guide tayong gagawin paano makakuha ng malinaw na mga photos gamit ang ating mga cellphone hindi naman ito mamahalin. Hindi kailangan mahal ang cellphone para makakuha ng malinaw na kuha, depende pa rin ito sa iba't-ibang factors.

Tatlo lang ang hinihingi namin na requirements para sa screening. Ito ang mga sumusunod na kailangan nyong ipadala sa ating official email. 

1. Picture ng inyong government issued ID
2. Selfie na hawak ang inyong valid ID
3. Link ng inyong facebook account.

Napansin ko sa mga natanggap kong email, halos lahat sa kanila ay kumuha ng larawan sa kanilang ID at selfie sa gabi. Ang kinalabasan ng ating mga kuhang larawan ay magdi-depende sa background  at sa ilaw na ginagamit plus gagamitan pa ninyo ng flash, ano kaya sa palagay nyo ang kinahihinatnan? Aaminin ko, wala talagang malinaw na kuha sa picture pag ginawa ito sa gawi, maliban nalang kung ang gamit mo ay mamahaling camera tulad ng DLSR. Pero kung cellphone, kahit Iphone mahihirapan pa din kumuha ng maganda at malinaw sa gabi. Kailangan kasi ng magandang mixing ang background, ilaw sa loob at yong flash ng inyong phone para makakuha ng maayos. Alam namin na karamihan sa atin ay mumurahing cellphone lang ang hawak kaya maghahanap tayo ng paraan para makakuha ng malinaw.

Kung malabo ang kuha sa gabi, bakit hindi natin gawin ito sa araw. Hindi mo na kailangan ng ilaw pati na rin ng flash sa inyong cellphone. Natural na liwanag ang gagamitin natin, liwanag na galing kay haring araw. Di nyo ba napansin na ang mga kuha nyong mga larawan sa araw hay halos lahat magaganda at malinaw? Kaya ang gawin nyo, sa open space kayo kukuha ng picture sa inyong ID at pati selfie. Mamili ka ng magandang pwesto sa labas ng inyong bahay at doon ka kumuha ng picture sa inyong ID at kasama na selfie. 

Kailangan ang inyong selfie na may hawak na ID ay dapat nababasa ang kung ano ang mga nakasulat. Wag yong mag-iimagine ka nalang kung ano yong mga letra doon. Kung sakaling malabo pa rin, wag nyong gamitin ang front camera ng inyong cellphone, gamitin nyo yong rear camera o yong nasa likuran. Kung sakaling mahihirapan kayo, makisuyo sa kasamahan nyo sa bahay na tingnan kung sakto na yong pagkakuha bago nyo e click para makakuha ng good result. Pwede rin habang hawak nyo ang ID, e closed up picture kayo ng kasamahan nyo sa bahay. Importante malinaw at mababasa kung ano ang nakasulat sa ID habang hawak mo ito.

Isa pa sa mga kulang ng mag nagsubmit ng kanilang requirements ay ang kanilang facebook link. Meron iba hindi alam saan mahanap ang profile link nila. Para ma sulosyonan natin lahat ng mga problema ng nakakarami, gagawa ako ng guide paano ito gawin para madali nyong makita ang inyong profile link. We hope na mabasa ito ng lahat bago kayo mag submit ng inyong mga requirements para hindi na tayo paulit-ulit sa paghingi ng mga malinaw na kuha ng ID at ng selfie. 

Please please follow intructions para mas mabilis nating matapos ang lahat at makapag-umpisa agad tayo this month. Inaasahan namin ang inyong cooperation sa concern na ito. Maraming salamat!