Pinoy Pautang Online: PPO GUIDE

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label PPO GUIDE. Show all posts
Showing posts with label PPO GUIDE. Show all posts

Wednesday, March 7, 2018

MAGTUTULUNGAN TAYO!

8:27 PM 0
MAGTUTULUNGAN TAYO!
Ang pagiging membro ng Pinoy Pautang Online Cooperative ay may kaakibat din na responsibilidad. Isa na dito ang pagtulong sa kapwa member ng Pinoy Pautang Online Facebook Group. Lahat kayo dumaan sa pagiging baguhan. Kung inyong natandaan nong una kayong nakapasok sa group natin, nangangapa din kayo at tulad nila, nagpo-post din kayo at nagko-comment ng PAANO o HOW? Ako bilang ADMIN ay gumawa ng paraan para hindi mauubos ang lakas ko sa pagtuturo sa inyo, doon ko naisipan na gawin ang blog para magiging guide sa bawat isa na gustong matuto at gustong magpaturo paano mag-apply ng loan online or offline.

Dati nag-iisa lang ako na sumasagot sa halos lahat ng tanong nga mga members sa PPO. Kunti palang ang members noon kasi kakaumpisa palang. Kinalaunan, biglang dumami at dumami na rin ang aking natulongan sa kahit anong paraan. Yong iba nasagot ko ang mga tanong nila, at yong iba naman natulongan ko kung paano e CLAIM ang Pera Agad loan nila at ang iba paano bayaran ang mga Home Credit, Pera Agad at iba pang lending companies na meron aming shop.

Makalipas ang mga araw at naging buwawan, parami ng parami ang pumapasok sa PPO. Although kaya ko naman gampanan lahat ng trabaho pero minsan napapagod din naman ang katawang lupa ko. Hehehe.. Am just kidding. Meron din akong pinapatakbong cellphone shop kaya hindi lahat ng oras ay nasa online world ako kaya naisipan kung kumuha ng mga Moderators para tumulong sa akin, incase busy ako atleast merong nakakasagot sa mga tanong nga mga baguhan. Kami ay walang sawang sumagot at tumutulong sa mga baguhan sa ating pinakamamahal na FB group and PPO.

Dahil sa naglipanang mga manloloko sa paligid, hindi namin hinikayat ang mga private lenders na magpapautang dito. Ang PPO ang nag-iisang FB group na hindi nag recommend ng PRIVATE LENDERS para na rin sa kapakanan ng lahat naming members dito. Ayaw namin ng sisihan sa bandang huli at baka merong mapahamak tulad sa mga nangyari sa ibang group. Isa lang ang lagi naming sinasagot sa mga nagtatanong kung paano magLOAN o paano mangutang -ito'y BASAHIN ANG "USAPANG PERA AT IBA PA!" blog para ma-guide ang lahat. Nandon na ang mga tips at pati requirements ng bawat lending companies. Hindi namin ini-encourage sa PPO ang mga taong tamad magbasa. Ang pagiging mahilig magbasa ay isang sandata na magagamit hindi lang sa pangungutang kundi pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami kaming post na hindi lang tungkol sa pautang. At meron ding kapartner blog ang USAPANG PERA na pwede ring kapupulutan ng aral.

Hindi namin hinihingi na magpapasalamat kayo sa amin dahil sa ginawa naming pagtulong sa inyo. Pero atleast man lang ma appreciate ng lahat ang effort ng bawat isa na kasapi sa group na ito magiging bahagi din sa pagtulong sa IBA. Ugaliin natin ang GIVE AND TAKE attitude dito sa PPOC at sa PPO. Kailangan magtulongan tayo lalo na sa mga baguhan. Kailangan nating e guide para later on, hindi na rin sila tanong ng tanong kung ano ang gagawin.

KAYA SA UPDATE na ito, lahat ng members ng Pinoy Pautang Online Cooperative o PPOC, ay inatasan namin na makiisa sa pagtulong sa mga baguhan para ma guide din sila kung ano ang dapat gawin bilang bagong pasok sa samahan. Ang pag promote sa ating blog ay malaking tulong para sa bawat isa, dahil karamihan sa mga sagot ng mga baguhan ay nandon nakasulat sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Hindi maiiwasan na meron magreklamo dahil FREE DATA lang sila. Simple lang naman ang sagot natin jan, kunting EFFORT lang kung gusto talaga nilang mangutang. Kung mag-apply tayo ng loan sa community natin, gumagastos na tayo, sa pamasahi palang at sa pag comply ng mga documents na kailangan ng lending company. Kaya kailangan din natin gumasto para mabasa ang blog kahit sa maliit na halaga lang.

Nasubukan ko ng MAGLOAD ng GAANSURF10 at GOSURF10 dahil TNT at TM users ako. Sa sampung peso ko, isang araw ko ng nababasa ang blog. Kaya hindi malaking bagay ang sampung peso kung gustuhin mo talagang makautang. Dapat iwasan ang pagiging reklamador natin. Hindi pa nga natin nagawa ang guide para makautang, panay reklamo na ang lumalabas sa bunganga natin. Karamihan kasi sa atin mga tamad, nasasanay na susubuan. Hindi na uubra ang ganyang ugali sa ngayon. May kanya-kanya tayong buhay at responsibilidad sa pamilya kaya dapat sa simpleng paraan matuto din tayo magtiyaga at magsipag para sa makatulong sa pamilya natin.

AGAIN, lahat ng PPOC members ay inaanyayahang makiisa sa pagtulong sa mga BAGUHAN. Strekto naming ipinapatupad ito para sa mga succeeding LOAN CYCLE ninyo. Kung sino yong hindi namin nakikita sa PPO group na nagko-comment sa mga baguhan o kahit sino sa mga members na nagtatanong, maaaring ma disapproved ang inyong loan application. Ito ay hindi para sa amin lang, inyo para sa inyo lang, hindi para sa baguhan lang, kundi ito ay para sa lahat para maging magaan ang bawat experience natin dito sa PPO at PPOC group.

Ang PPOC members are also encourage to read our latest update na makikita sa ating official blog na https://pinoypautangonline.blogspot.com/ pasa mga PPOC members at https://malalamanmo.blogspot.com/ para naman sa lahat ng members sa PPO FB group. ITO'Y para laging updated tayo sa mga pangyayari sa ating samahan. Lahat ng updates ay mababa sa ating blog. Portion nito ay mababasa sa ating FB group pero ang buong detalye mababasa nyo lang sa blog kaya dapat tagalang sinusundan ninyo palagi ang ating blog.

Tuesday, March 6, 2018

IISANG EMAIL LANG PO!

11:30 AM 0
IISANG EMAIL LANG PO!
Ikinatutuwa namin na maraming gustong sumali sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Basi doon sa mga naraang post namin dito sa PPOC blog, binanggit ang lahat na mga requirements para maging qualified kayo during our membership screening. Malinaw naman ang lahat na nakasulat doon sa aming previous post. Meron lang akong hindi nabanggit doon sa pagpapadala ng mga documents sa ating official email address. Alam namin na hindi lahat dito magaling pagdating sa usaping teknolohiya lalo na sa pagpapadala ng email. Although, marami naman ang sumusunod sa gusto sana naming mangyari pero hindi talaga maiiwasan na meron ding mga hindi alam kung ano dapat ang gagawin.

Karamihan, nagpapadala ng isang email sa amin na nakapaloob na sa kanilang email ang mga hinihingi naming mga documents at iba pa. Yon talaga ang TAMA, iisang email pero nandon na lahat para hindi magkakagulo sa paghahanap kung saan ang iba pang documents. Pero marami din ang gumagawa ng kakaibang estelo. Nag send sila ng kanilang valid id photo sa isang email, pagkatapos another email para sa selfie and another email para sa facebook link. Hindi tama kapag yon ang ginagawa nyo sa pagpapadala nyo ng email sa amin. Para sa future references, kailangan namin ang IISANG EMAIL na nandon na lahat ng kinakailangan e submit para sa amin. Same POLICY din kung nag apply kayo ng LOAN sa PPOC. Pasensya na pero hindi talaga namin bibigyang pansin ang mga email na magkahiwalay. 

Sa mga gumagawa ng ganito, pakiulit sa pagpadala ng email sa amin upang ito'y aming ma-aksyona at maverify para makapag patuloy na kayo sa susunod na steps. Napakasimple lang ang hinihingi namin pero kayo mismo ang nagpapahirap sa sarili nyo at pati nadadamay na din. Pakiusap lang para sa mga gustong sumali, paki sundin ang lahat ng mga intructions para hindi kayo matatagalan sa pag-aantay sa approval ng inyong application.

Ugaliing magbasa dito mismo sa ating official blog para ma guide kayo at pati na rin sa mga latest update tungkol sa mga latest happening ng Pinoy Pautang Online Cooperative. Kung lagi nyo itong binibisita araw-araw, hindi kayo mapag-iwanan sa mga balita ng ating cooperative. Kasama din ang pagbabasa ng ating blog sa mga requirements para maging member ng PPOC. Bukod doon, kailangan ding makikipagtulongan tayo sa kapwa membro ng Pinoy Pautang Online facebook group na e guide ang lahat ng mga baguhan para sila din ay matutulongan sa kanilang pangangailan lalo na sa USAPING Pautang at iba pa.


Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at makipagtulongan sa amin para maging matiwasay at smooth ang takbo ng ating online cooperative. Para sa mga katanungan, wag kayong mag-atubiling mag email sa amin through our official email address: pinoypautangonline@gmail.com.

Monday, February 26, 2018

ONLINE KABA LAGI?

6:48 PM 0
ONLINE KABA LAGI?
Hindi naman pahirapan ang pagiging member ng ating cooperative. Hindi tulad sa ibang coop na maraming hinihingi para lang makasali at syempre makakautang. Dito sa PPOC, ang pinaka mabigat naming requirements ay ang pagiging ONLINE LAGI. Hindi namin kailangan ang LULUBOG LILITAW na mga members. Kailangan kahit isang beses sa isang araw nakikipag biruan ka sa mga kapwa members mo sa GC o makakita man lang ng comments or LIKES mo sa mga post natin sa PPOC exclusive group.


Sinadya namin na kailangan lagi kayong online, dahil gusto namin updated kayo lagi kung ano ang mga pangyayari sa ating cooperative. Para walang sisihan sa bandang huli dahil na rin sa inyong kapabayaan. Araw-araw dapat nasilip ninyo ang official blog natin kung merong bagong post mula sa amin. Minsan pwede naman magtanong sa kasamahan pero dapat wag ugaliin na bawat pasok mo sa GC ay magtatanong ka kung anong mga pangyayari ang hindi mo nasundan.

Bukod sa official blog natin na ito sa Pinoy Pautang Online Cooperative, may mga ka-partner din tayong iba blog na makakatulong sa atin para makahanap ng pwedeng mautangan. Ang USAPANG PERA AT IBA PA! blog ay laging nagbibigay update sa atin tungkol sa iba't-ibang Legit Lending Companies dito sa Pilipinas. Kami ay hindi nag re-recommend ng mga FOREIGN LENDING COMPANIES na kunwari nagpapautang sa mga Filipino. Wala pong katutuhan yong mga nakikita nyo sa iba't-ibang group sa facebook. Hindi totoo na nagpapautang sila kasi dito sa Pilipinas, lahat ng APPROVED LOAN, ang PROCESSING FEE ay ibabawas sa loan mo, HINDI YONG PABABAYARIN KA NG PROCESSING FEE o kahit anong FEES nalang sinasabi para lang makuha ang loob saka DAW NILA IPAPADALA ang pera. Napakalaking KALOKOHAN YAN AT WAG KAYONG MANIWALA.

Layunin din namin na lagi kayong ONLINE at nagbabasa sa aming blog para updated kayo sa mga estelo ng mga SCAMMER. Kung nag LEVEL UP tayo sa maraming bagay ngayong 2018, mas lalong NAG LEVEL UP din ang mga SCAMMER. Iba't-ibang paraan ang ginagawa nila para lang makapangloko. Inaanyayahan namin kayo na magpost muna ng transaction nyo sa Pinoy Pautang Online group at magtanong bago kayo gumawa ng action lalo na kung involve ito sa PERA na ipapadala o ihuhulog para sa kanila. 

Kailangan mag-isip muna kayo bago gumawa ng aksyon para hindi kayo magiging talo sa bandang huli. Ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya huwag nyong hayaan na mangyari sa inyo yon. Ugaliing mapagmatyag at laging magbabasa sa ating blog at makikiramdam sa ating group para hindi kayo maging biktima nila. Huwag maging greedy  sa kahit anong bagay kasi dito tayo nadadali ng mga manloloko. 

Tuesday, January 2, 2018

GAWING MALINAW ANG LAHAT

7:59 AM 7
GAWING MALINAW ANG LAHAT

Ngayon ang umpisa sa screening natin para maging ganap na qualified para maging member sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Meron akong natanggap na labintatlong (13) email sa ating official email address: pinoypautangonline@gmail.com Nagpapasalamat ako mula sa lahat na agarang naghanap ng paraan para makapag submit agad ng kanilang mga requirements. Alam namin na gustong-gusto nyo na mag-umpisa tayo sa ating cooperative. Naintindihan ko kayong lahat kaya kailangan lang talaga natin ang full cooperation para mapadali ang ating screening.

Sa labintatlong nag-submit ng kanilang mga requirements, wala ni isang pumasa. Hehehe. Tama naman ang sinabmit nila kaso pasensya na kung kailangan kong ibalik sa inyo yon dahil talagang ginamitan ko ng salamin at malabo pa rin. Nagpapasamat ako kahit hindi pa tama atleast you tried your best. Buti na rin ganun ang nangyari para may guide tayong gagawin paano makakuha ng malinaw na mga photos gamit ang ating mga cellphone hindi naman ito mamahalin. Hindi kailangan mahal ang cellphone para makakuha ng malinaw na kuha, depende pa rin ito sa iba't-ibang factors.

Tatlo lang ang hinihingi namin na requirements para sa screening. Ito ang mga sumusunod na kailangan nyong ipadala sa ating official email. 

1. Picture ng inyong government issued ID
2. Selfie na hawak ang inyong valid ID
3. Link ng inyong facebook account.

Napansin ko sa mga natanggap kong email, halos lahat sa kanila ay kumuha ng larawan sa kanilang ID at selfie sa gabi. Ang kinalabasan ng ating mga kuhang larawan ay magdi-depende sa background  at sa ilaw na ginagamit plus gagamitan pa ninyo ng flash, ano kaya sa palagay nyo ang kinahihinatnan? Aaminin ko, wala talagang malinaw na kuha sa picture pag ginawa ito sa gawi, maliban nalang kung ang gamit mo ay mamahaling camera tulad ng DLSR. Pero kung cellphone, kahit Iphone mahihirapan pa din kumuha ng maganda at malinaw sa gabi. Kailangan kasi ng magandang mixing ang background, ilaw sa loob at yong flash ng inyong phone para makakuha ng maayos. Alam namin na karamihan sa atin ay mumurahing cellphone lang ang hawak kaya maghahanap tayo ng paraan para makakuha ng malinaw.

Kung malabo ang kuha sa gabi, bakit hindi natin gawin ito sa araw. Hindi mo na kailangan ng ilaw pati na rin ng flash sa inyong cellphone. Natural na liwanag ang gagamitin natin, liwanag na galing kay haring araw. Di nyo ba napansin na ang mga kuha nyong mga larawan sa araw hay halos lahat magaganda at malinaw? Kaya ang gawin nyo, sa open space kayo kukuha ng picture sa inyong ID at pati selfie. Mamili ka ng magandang pwesto sa labas ng inyong bahay at doon ka kumuha ng picture sa inyong ID at kasama na selfie. 

Kailangan ang inyong selfie na may hawak na ID ay dapat nababasa ang kung ano ang mga nakasulat. Wag yong mag-iimagine ka nalang kung ano yong mga letra doon. Kung sakaling malabo pa rin, wag nyong gamitin ang front camera ng inyong cellphone, gamitin nyo yong rear camera o yong nasa likuran. Kung sakaling mahihirapan kayo, makisuyo sa kasamahan nyo sa bahay na tingnan kung sakto na yong pagkakuha bago nyo e click para makakuha ng good result. Pwede rin habang hawak nyo ang ID, e closed up picture kayo ng kasamahan nyo sa bahay. Importante malinaw at mababasa kung ano ang nakasulat sa ID habang hawak mo ito.

Isa pa sa mga kulang ng mag nagsubmit ng kanilang requirements ay ang kanilang facebook link. Meron iba hindi alam saan mahanap ang profile link nila. Para ma sulosyonan natin lahat ng mga problema ng nakakarami, gagawa ako ng guide paano ito gawin para madali nyong makita ang inyong profile link. We hope na mabasa ito ng lahat bago kayo mag submit ng inyong mga requirements para hindi na tayo paulit-ulit sa paghingi ng mga malinaw na kuha ng ID at ng selfie. 

Please please follow intructions para mas mabilis nating matapos ang lahat at makapag-umpisa agad tayo this month. Inaasahan namin ang inyong cooperation sa concern na ito. Maraming salamat!

Saturday, December 23, 2017

Pinoy Pautang Online PINNED POST!

2:56 PM 34
Pinoy Pautang Online PINNED POST!

LAHAT NG KATANUNGAN AY HALOS MASASAGOT SA PAGBABASA NG USAPANG PERA AT IBA PA BLOG. 

Inanyayahan namin kayo na basahin ang blog na ito para ma guide at matulongan kayo paano mag apply ng loan online. Mababasa nyo rin ang mga karanasan ng Admin at ibang membro sa kanilang mga paboritong lending company. Hindi na kailangan ng maraming requirements at hindi ka na rin mag-aantay ng mahabang panahon sa approval ng inyong LOAN APPLICATION. Ang ADMIN at Moderators tutulong sa mga membro sa pamamagitan ng pagsagot ng inyong mga katanungan tungol sa pautang. Cooperation lang ang kinakailangan para maging maayos ang ating group. 

We Recommend sa Legit Lending Company kayo Umutang wag sa Private Individual. Kung sakaling hindi maiiwasan at may legit na private person na nagpapautang, hindi po responsibility namin na sagutin kung na SCAM kayo. 

Minumungkahi namin na wag makikipag deal sa kanila lalo na pag meron PROCESSING FEE. Pag nanghingi ng PF, 101% SCAM ang transaction. Transact with them at YOUR OWN RISK hindi namin sagot kung ma SCAM kayo. Bago kayo magpapadala ng PERA sa kahit sino na nakakatransact nyo dito. PLEASE POST MUNA para ma check ng mga ka CO-MEMBERS nyo kung legit ang taong naka deal nyo. Kung legit siya, handa syang sumagot ng mga tanong ng kapwa members at handa ding magpapakita ng PROOF of PREVIOUS TRANSACTION. 

BAWAL ANG KAHIT ANONG URI NG PROMOTION like networking program and selling of different products. EXCLUSIVE for LOANS TOPIC ONLY. 

RESPECT OTHERS AS YOU RESPECT YOURSELF. WAG MAKIPAGTALO SA KAPWA MEMBER DITO. KUNG MERON HINDI PAGKAKAINTINDIHAN, MAG-USAP NG MAAYOS, to resolve the ISSUE. 

LAHAT NG LUMALABAG AY TATANGGALIN DITO WITHOUT ANY ADVISE OR PRIOR NOTICE KAYA BEHAVE KAYO DITO. 

The Following are ONLINE LEGIT LENDING COMPANY WE RECOMMEND 

1. 99HEL LENDING: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/99Help%20Lending

2. ASA FOUNDATION: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Asa%20Foundation

3. ASIALINK: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Asialink

4. ASTERIA LENDING: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Asteria%20Lending

5. BALIBAYAD: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Balikbayad

6. BANKO: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/BanKo

7. BENJU FASTLEND: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/BENJU%20FastLend

8. BILLEASE: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Billease

9. CARD MRI: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/CARD%20BANK









20. HAPPY LOAN: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Happy%20Loan 

21. HOME CREDIT: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/HOME%20CREDIT 

22. KABAYAN LOAN: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Kabayan%20Loans

23. LENDR: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Lendr 

24. LOAN RANGER: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Loan%20Ranger

25. MICROMONEY: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/micromoney

26. MOOLA: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Moola%20Lending 

27. MSU-IIT COOP: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/MSU-IIT%20Coop

28. MYCASH: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/MYCASH

29. ONE PUHUNAN: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/One%20Puhunan

30. PAG-IBIG: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Pag-ibig

31. PAGASA: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/PAGASA 

32. PAWNHERO: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/PawnHero



MORE LENDING WILL BE FEATURE SOON....