Pinoy Pautang Online: Cooperative

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Cooperative. Show all posts
Showing posts with label Cooperative. Show all posts

Thursday, April 19, 2018

PPOC - Open for Loan Application

8:54 AM 5
PPOC - Open for Loan Application
April 5, 2018 ay ang last day natin para sa additional share capital upang makapagpatuloy tayo sa pagbigay ng reloan na may additional na P200.00 every loan cycle. Kunti lang ang nagbigay, karamihan sa nagbigay ay yong merong existing loan sa PPOC. Napansin ng pamunoan na hindi sapat ang pundo para ipagpatuloy ang additional P200 bawat cycle. Unless, magpapasok tayo ng mga bagong members para madagdagan ang ating pundo pero sa halagang P100 per share kulang pa din ito sa mga gustong mag reloan.

Ngayong linggo, April 22, 2018 meron tayong members meeting na gaganapin sa ating PPOC -GC para sa agenda na ito. Kailangan nating pag-aralan kung papano natin maibigay ang pangagailangan ng mga nag reloan at kung saan naman natin kukunin ang additional na pundo. Mas maganda siguro na hanggang P1,000 lang muna ang maximum na pwede natin ipautang sa mga membro habang nag-iipon tayo ng pundo. At maaari nating paliitan ang interest from 7% sa loob ng 15 days, baka pwede nating 5% nalang sa loob ng 15 days.

Inaanyayahan ang lahat na members na dumalo sa ating meeting sa linggo, 8pm ng gabi, Pilipinas Time. Kailangan naming marinig ang panig ng ibang membro kahit medyo busy ang karamihan sa ngayon dahil sa ibat-ibang activities during summer vacation. Layunin din nating pumili ng bagong set officers pagkatapos matanggal yong iba na hindi sumunod sa mga alituntunin ng ating samahan.

We are also happy to announce na sa Monday, April 23, 2018 ay bubuksan uli ang loan application para sa lahat, lalo na sa mga hindi pa nakapag loan. Bigyan natin ng chance ang ibang member na gusto ding mag loan sa ating cooperative. Sa ngayon, meron kunting pagbabago sa requirements sa mga gustong magloan. Pag-usapan natin ang tungkol dito during our meeting sa linggo.

Bubuksan narin natin ang pagtanggap ng new members pero dadaanan din sila sa screening committee ng ating cooperative. Isa din ito sa agenda natin sa ating meeting sa linggo. Hindi tulad dati na mag antay pa para ma completo ang isang batch, ngayon maari na itong mag-umpisa agad at kailangan makapasa sa screening at magbayad ng at least P100 para sa kanilang share capital.

Patuloy ang pagtulong ng PPOC sa mga members na nangangailangan ng tulong lalo na during emergencies. Inaanyayahan ang lahat na gustong sumali, magpa screen po kayo sa amin. Ang mabigat na requirements bukod sa nabanggit nong mga nakaraang post, ngayon hindi na pwede sumali ang bagong gawa na facebook account. Kailangan ang facebook account mo ay at least 1 year simula ngayon. Ibig sabihin kapag ang facebook account mo ay gawa after April 19, 2017 hindi namin ito tatanggapin. Dapat ang inyong facebook account ay active at hindi puro advertisement ng kung ano ang mga binibinta mo.

Sa lahat na gustong sumali, welcome po kayo sa PPOC. Seguraduhin lang na pasado kayo sa screening at evaluation. Dahil pera ang involve sa samahang ito, kaya hindi pwedeng hindi strikto pagdating sa mga alintuntunin ng buong gropo. Lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy nyong pagsubaybay sa amin. 

PPOC GROUP

Wednesday, January 10, 2018

Stay Tune -Wag Makulit!

9:23 AM 0
Stay Tune -Wag Makulit!
Naka-ilang beses na namin sinabi simula paman nong bago pa nag-umpisa ang screening na kailangan muna nating buohin ang 50 members na papasa sa screening bago magkaroon ng meeting para sa rules and guidelines at pati ang set of officers na mamumuno sa ating cooperative. Di paman tayo umabot sa 50 members, ang dami ng tanong nong mga pumasa na kung kelan mag-umpisa at kung anong status naba ng ating coop. 

Sa mga pumasa, tatanungin ko kayo? Ano ang mensahe ko nong pamasa kayo sa screening? Diba ito: Congrats! You passed the screening. Antaying lamang ang next instruction. Salamat! Sadyang hindi talaga makakatiis ang tao, hindi mapigilan ang sarilin na mangulet. Pag sinabing mag-antay! mag-antay hu kayo kasi everyday naman halos merong update sa ating gagawing cooperative. Meron din nagtanong, kelan ba daw sila makakautang o kailangan mag-umpisa ang pautang ng group. Napaka presko, di pa nga nag-umpisa, utang na agad nasa isip. Hindi madali ang guidelines natin sa pautang. Mahirap ito compared sa nakasanayan na ninyo kaya wag kayo masyadong excited. Siguradong marami ang hindi matutuwa sa guidelines na gagawin natin.

Meron ding nagtatanon kung ilan na ang pumasa? Kahapon sa last update ko, kailangan nalang natin ng sampung papasa para makapag-umpisa na. Ngayon tatanungin nyo ako ilan na ang kulang para makompleto na ang first batch? Kasalukuyang kulang nalang ng siyam. Ibig sabihin, mula kahapon hanggang ngayon, isa lang ang pumasa. Karamihan sa kanila maraming kulang. Tatlo ang hiningi, pero ang binigay dalawa o isa lang. Sadyang hindi talaga nagbabasa sa mga post natin sa blog, na kung tutuusin nandon na lahat para lang kayo ay pumasa. Inihain na namin sa hapag, kumbaga at kulang nalang kayo ang kakainin pero gusto nyo pa ring susubuan. Ang lupet nyo talaga, minsan kailangan din nating mag effort para makuha natin ang isang bagay. 

Huwag kayong umaasa sa iba. May kanya-kanya tayong papel sa mundo, kaya wag gawing magpakabata kahit ikaw ay matanda na. Pakiramdam ko puro bata ang nasa loob ng ating group. Bakit ko nasabi ito? Dahil karamihan ay gustong susubuan lagi, at sino naman ang laging may gusto na ganito, di ba yong mga bata lang. 

Hindi rason na wala kayong connection kaya hindi nyo nababasa ang ating blog. Sa totoo lang, hindi kailangan gumastos ka ng malaki para lang mababasa mo ang laman ng ating blog na magagamit nyo sa inyong pang araw-araw na pamumuhay. Kaya again, ugaling magbasa sa ating official blog ang: https://pinoypautangonline.blogspot.com/

Kaya please wag kayong matigas ulo kung gusto nyong manatili sa group natin maaaring makakatulong sa inyo pagdating ng araw. Maaaring hindi nyo pa ramdam ang kahalagahan ng ating group at sa mga nasa unahan nito pero I knew meron tayong patutunguhan kon patuloy tayo suumusuporta sa ating group at sa ating blog. Kaya mag hintay lang kayo, wag muna maghanap ng mga bagay na imposible.

Tuesday, January 9, 2018

Sampu nalang ang Kulang!

8:28 AM 0
Sampu nalang ang Kulang!
Oo, sampu nalang ang kulang para tayo'g mag-uumpisa na sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Yong mga nagsubmit na ng kanila mga requirements para sa screening at hindi pumasa sa unang attempt, siguro maaari nyo pong bilisan para ma kompleto na natin ang 50 members para makapag umpisa na tayo at magawa na natin ang set of officers na sya magtulong-tulong sa pagma-manage ng ating gagawing cooperative. 

Marami ang pumasa ngayong araw na karamihan sa kanila first time nagsubmit pero sa palagay ko binabasa nila ang ating ginawang guide at tips na makikita sa ating official blog na PPO Cooperative. Yong mga hindi pa nakapasa kahit nakailangan ulit na, baka naman kulang nalang sa inyo ang guide at tips natin na mababasa sa ating blog.

Pag na kompleto na ang 50 members, agad tayong bubuo ng isang GC para sa meeting natin para makapamili ng magiging officers natin sa samahan. Inaanyayahan namin ang lahat na mag reserve ng kanilang ideas kung sakaling meron man at iiponin natin ito during our open forum. Welcome ang lahat para sa ating gagawing cooperative at welcome din kayong mag share ng inyong mga opinion at ideas.

Sa mga pumasa, antayin nyo ang next email namin para sa link na magpapasok sa inyo sa ating GC para doon natin pag-usapan ang mga basic topic tungkol sa PPOC. Marami pa tayong gagawin kaya sana, mapaaga ang pagkompleto ng mga kinakailangang membro. Kung hindi pa kayo nakapasa, gawin nyo ng tama ang nakalagay sa ating blog para mas mapabilis ang screening natin para sa BATCH 1 ng ating coop members.

Yong mga nagpa-planong sumali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Mas mabuting basahin nyo ang officail blog ng PPOC para ma guide kayo at maaaring automatic ma-approved kayo sa screening. Ang ating blog ay completo sa paalaala, guide at mga tips para magabayan tayo sa ating pagsubmit ng mga kinakailangang requirements para sa ating cooperative.

Ang mga nakapasa na, we encourage you all to invite your friends na sumali sa ating group page PINOY PAUTANG ONLINE para pati sila matutulungan sa ating bubuing cooperative. Invite nyo rin ang iyong mga online friends at pati din sila mag undergo ng screening. Marami pa tayong gagawin sa ating cooperative. Kaya mas maganda kapag marami tayo para mas masaya.

Inaasahan namin na makompletona bukas January 10 ang ating 50 members na kailangan para makapag-umpisa na. Please basahin nyo ng mabuti at intindihin kung ano ang mga instruction sa ating blog. Para masundan ninyo ang official blog natin, e click nyo lang ang link na ito papunta sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative blog: https://pinoypautangonline.blogspot.com/

Monday, January 8, 2018

WALANG PUMASA NGAYON

11:41 AM 0
WALANG PUMASA NGAYON
Ang daming incomplete ang documents na hanggang sa ngayon hindi parin nagawa ng tama. Ano ang karaniwang problema? Una, sobrang tamad. Hindi gumagawa ng paraan para magawa ng tama ang pagkuha ng picture sa ID at sa selfie. Maramihan malinaw ang pagkuha ng ID pero pagdating sa selfie, doon laging sablay. Nagbigay na kami ng tips at guide paana gawin para makakuha ng malinaw na selfie pero dahil hindi nagbabasa, hanggang ngayon NGANGA pa rin sila. 

Kung tutuusin napaka simply lang talaga ang requirements kung nagbabasa lang kayo dito sa ating official blog. Binigay na namin ang lahat para magawa ito, pero karamihan failed pa rin. Bakit karamihan dito gustong laging sinusubuan? Hindi naman tayo mga bata para subuan lagi. Kung hirap kayo makapasa sa simpleng screening natin para maging member, paano na kaya kung nag-apply na kayo ng loan na mas medyo mahigpit na ito compared sa screening natin.

Pangalawa, walang effort maghanap ng paraan. Kung free data ka, ano ba dapat gawin para mabasa ang ating blog? Lagi naming sinasabi na kailangan ng data connection para mababasa nyo ito pero parang bingi at walang pakialam ang karamihan. Sinabi na namin na hindi naman kailangan gumastos ng malaki para mababasa ang ating blog. Kahit P15 ay pwede na kayong makabukas nito at makabasa sa mga laman ng ating blog.

Napakahalat na karamihan dito sa group natin wala talagang effort magbasa kasi paulit-ulit pa ring ginagawa kahit sinabihan na nga ito gawin at wag ganyan, pero pagkabasa mo uli sa kanilang email, ganun pa rin ang laman. Ang hirap kausapin at bigyang instruction, hindi naman bata na dapat uulit-ulitin.  Sadya ba talagang ganun ka tigas at ayaw mapakiusapan. Kung tutuusin pwede kong e reject agad pero binigyan ko ang lahat ng chance para walang ma reject or declined sa screening pero kung nakalimang beses ko na inulit ang instruction, tapos ganun pa din. Siguro naman I have the right to reject at declined your application. Wag masama ang loob kasi kayo din naman ang may kasalanan. Ang dami naman pumasa, ibig sabihin madali lang sa mga nagbabasa pero yong mga hindi, ayong patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa na sila lang mismo ang nag-aakalang tama.

Sa last post ko, kunti nalang ang kulang para makapag-umpisa tayo pero karamihan sa mga nag submit ng kanilang  documents ay mukhang hindi nakikiisa sa amin. Please lang po, pakiusap, basahin nyo ang tips na matatagpuan sa ating blog para magawa nyo na ng tama ang kinakailangang requirements at magpatuloy na tayo sa next step.

Yong mga pumasa, antayin nyo nalang ang next email galing sa amin kung ano ang gagawin sa susunod para makapag meeting na ang lahat na pumasa. Maaari nyo ding e invite ang inyong mga kaibigan na sumama sa atin at mag JOIN sa ating PPO group para makasali sa ating cooperative. Padamihin natin ang ating group para marami din tayong matutulungan. Kung umabot tayo ng more than 5,000 ngayon...hindi imposible na aabot pa tayo sa 50,000 hanggang we can reach 100,000. 

Sa mga mag-a-apply pa, please submit the 3 simple requirements at siguraduhing ang ID nyo at selfie ay malinaw para makapasa agad kayo. Wag kalimutan, isama nyo sa email ang inyong facebook account link. Hindi kami humihingi ng SCREENSHOT ng inyong profile kaya, please STOP sending us the screenshots of your profile, hindi namin tinatanggap ang ganong proof.

STAY TUNE!

Tuesday, January 2, 2018

GAWING MALINAW ANG LAHAT

7:59 AM 7
GAWING MALINAW ANG LAHAT

Ngayon ang umpisa sa screening natin para maging ganap na qualified para maging member sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Meron akong natanggap na labintatlong (13) email sa ating official email address: pinoypautangonline@gmail.com Nagpapasalamat ako mula sa lahat na agarang naghanap ng paraan para makapag submit agad ng kanilang mga requirements. Alam namin na gustong-gusto nyo na mag-umpisa tayo sa ating cooperative. Naintindihan ko kayong lahat kaya kailangan lang talaga natin ang full cooperation para mapadali ang ating screening.

Sa labintatlong nag-submit ng kanilang mga requirements, wala ni isang pumasa. Hehehe. Tama naman ang sinabmit nila kaso pasensya na kung kailangan kong ibalik sa inyo yon dahil talagang ginamitan ko ng salamin at malabo pa rin. Nagpapasamat ako kahit hindi pa tama atleast you tried your best. Buti na rin ganun ang nangyari para may guide tayong gagawin paano makakuha ng malinaw na mga photos gamit ang ating mga cellphone hindi naman ito mamahalin. Hindi kailangan mahal ang cellphone para makakuha ng malinaw na kuha, depende pa rin ito sa iba't-ibang factors.

Tatlo lang ang hinihingi namin na requirements para sa screening. Ito ang mga sumusunod na kailangan nyong ipadala sa ating official email. 

1. Picture ng inyong government issued ID
2. Selfie na hawak ang inyong valid ID
3. Link ng inyong facebook account.

Napansin ko sa mga natanggap kong email, halos lahat sa kanila ay kumuha ng larawan sa kanilang ID at selfie sa gabi. Ang kinalabasan ng ating mga kuhang larawan ay magdi-depende sa background  at sa ilaw na ginagamit plus gagamitan pa ninyo ng flash, ano kaya sa palagay nyo ang kinahihinatnan? Aaminin ko, wala talagang malinaw na kuha sa picture pag ginawa ito sa gawi, maliban nalang kung ang gamit mo ay mamahaling camera tulad ng DLSR. Pero kung cellphone, kahit Iphone mahihirapan pa din kumuha ng maganda at malinaw sa gabi. Kailangan kasi ng magandang mixing ang background, ilaw sa loob at yong flash ng inyong phone para makakuha ng maayos. Alam namin na karamihan sa atin ay mumurahing cellphone lang ang hawak kaya maghahanap tayo ng paraan para makakuha ng malinaw.

Kung malabo ang kuha sa gabi, bakit hindi natin gawin ito sa araw. Hindi mo na kailangan ng ilaw pati na rin ng flash sa inyong cellphone. Natural na liwanag ang gagamitin natin, liwanag na galing kay haring araw. Di nyo ba napansin na ang mga kuha nyong mga larawan sa araw hay halos lahat magaganda at malinaw? Kaya ang gawin nyo, sa open space kayo kukuha ng picture sa inyong ID at pati selfie. Mamili ka ng magandang pwesto sa labas ng inyong bahay at doon ka kumuha ng picture sa inyong ID at kasama na selfie. 

Kailangan ang inyong selfie na may hawak na ID ay dapat nababasa ang kung ano ang mga nakasulat. Wag yong mag-iimagine ka nalang kung ano yong mga letra doon. Kung sakaling malabo pa rin, wag nyong gamitin ang front camera ng inyong cellphone, gamitin nyo yong rear camera o yong nasa likuran. Kung sakaling mahihirapan kayo, makisuyo sa kasamahan nyo sa bahay na tingnan kung sakto na yong pagkakuha bago nyo e click para makakuha ng good result. Pwede rin habang hawak nyo ang ID, e closed up picture kayo ng kasamahan nyo sa bahay. Importante malinaw at mababasa kung ano ang nakasulat sa ID habang hawak mo ito.

Isa pa sa mga kulang ng mag nagsubmit ng kanilang requirements ay ang kanilang facebook link. Meron iba hindi alam saan mahanap ang profile link nila. Para ma sulosyonan natin lahat ng mga problema ng nakakarami, gagawa ako ng guide paano ito gawin para madali nyong makita ang inyong profile link. We hope na mabasa ito ng lahat bago kayo mag submit ng inyong mga requirements para hindi na tayo paulit-ulit sa paghingi ng mga malinaw na kuha ng ID at ng selfie. 

Please please follow intructions para mas mabilis nating matapos ang lahat at makapag-umpisa agad tayo this month. Inaasahan namin ang inyong cooperation sa concern na ito. Maraming salamat!

Monday, January 1, 2018

Cooperative Member -HOW?

1:28 AM 0
Cooperative Member -HOW?
Ang pinakahihintay nating lahat na ang Pinoy Pautang Online Cooperative ay mag-uumpisa na sa taong 2018. Saktong sakto dahil January at nasa bagong taon na tayo. Bagong taon na may bagong pag-asa ang bawat isa. Kung marami tayong pinagdaanan nong nakaraang taon, ipagdarasal natin na maiba na sana ang taong 2018. Maghanda na at mag-uumpisa na tayo ilang araw simula ngayon.

Para sa lahat na interesadong sumali sa Pinoy Pautang Online Cooperative. Kailangan nyong ihanda ang inyong mga sarili. Paano? Tulad sa sinabi namin sa PASILIP POST nong nakaraan, dapat ang inyong mga facebook account ay nakapangalan katulad sa pangalan na nakalagay sa inyong VALID ID. Kung iba ang pangalan nyo ngayon sa facebook, palitan nyo na sa pangalan na nakasulat sa inyong ID. 

Kung sakaling hindi nyo pa pwede palitan ang inyong facebook account dahil bago nyo palang ito pinalitan, maaari pa rin kayong sumali. Ihanda nyo pa rin ang inyong VALID ID para sa oras na kayo ang isusunod namin sa screening, agad nyo itong maibigay sa amin.

Please complete our first requirements para sa screening, bago kayo ipasok sa exclusive facebook group para lang sa mga approved members ng Pinoy Pautang Online Cooperative. Take a photo of your valid ID at isang selfie photo na hawak nyo ang inyong valid ID, dapat malinaw ang pagkakuha at madali naming mababasa. Kung meron kayo nito, at kapareho ng pangalan sa facebook account nyo pwede nyo na itong e send sa amin through email simula bukas January 02, 2018. 

Again please email the clear copy of your valid ID, selfie with ID and your facebook account link sa aming email address na: pinoypautangonline@gmail.com Wag kayong mag email ng mga malabong kuha na picture kasi ito'y magpapatagal lamang sa ating screening at pwede naming e denied ang application nyo. 

Reminders: Screening palang po ito para maging member, hindi pa ito ang loan application. Pag umabot na tayo ng 50 members, agad-agad mag me-meeting tayo sa isang Group Chat para pag-usapan ang mga kailangang gawin at lahat ay pwedeng mag suggest ng mga magagandang bagay para sa ikakaayos ng ating cooperative. Kasama sa pag-uusapan ang SET OF OFFICERS para sa smooth operation ng ating grupo.

Pag nabuo na natin ang lahat na kailangan, saka pa tayo mag-umpisa sa pangongolekta ng share capital galing sa mga qualified members. Sa ngayon, wag muna kayong magtanong about sa kung paano mag LOAN kasi uunahain muna natin buohin ang cooperative saka isusunod ang financial agreement natin sa cooperative. Kaya, oras na para umpisahang mag submit ng inyong pre-requirements para maging member. Tanging ang requirements lang na naipadala sa ating official email ang aming asikasuhin. 



Maraming salamat!


PPO
PPOC
USAPANG PERA AT IBA PA


Tuesday, December 26, 2017

Pasilip sa PPO Cooperative

7:23 AM 0
Pasilip sa PPO Cooperative
Nagpasya na ang karamihan na cooperative system ang gagawin nating pautang sa PPO, kaya ngayon nakatuon na tayo sa coop system na gagawin natin few days from now. Halos kasabay nito, napagpasyahan na rin natin na P200 ang halaga sa bawat share capital na ilagay natin sa ating cooperative. Hindi madali gawin ang cooperative lalo pa't ito'y online.

Isa sa pinaka mabigat na requirements sa bawat aspiring members ay ang pagiging totoo natin sa bawat isa. Paano natin maibigay ang 100% trust kung isa sa atin ay nagkukubli sa hindi totoong pangalan o account sa Facebook. Ang ibig sabihin nito, lahat na sasali ay kailangang totoong pangalan ang ginagamit sa facebook. Ang facebook name ay pareho sa iyong valid ID. Kung anong nakalagay sa ID yon din dapat ang pangalan sa facebook account mo.

Mahigpit na pinagbabawal ang DUMMY ACCOUNT na sasali sa cooperative. Kung sakaling, bago nyo lang na re-name ang iyong account at sa terms and condition ni facebook ay kailangan mo pa mag-antay ng 1 month para mapalitan ito, ibigay alam nyo lang po sa screening committee para ito'y malagay sa kanilang record at ma follow-up kayo if sakaling hindi nyo papalitan ang inyong pangalan after sa binigay na palugit, hindi namin kayo pasasalihin sa cooperative. Kung nagbayad na kayo, ibabalik namin sa inyo ang binayad nyo para sa inyong share capital.

Yong mga hindi pa totoong pangalan, hindi pa namin ipapasok sa exclusive PPO cooperative group kahit nakapagbayad na sila ng kanilang share. Itong rules na ito ay applicable sa mga hindi makapagpalit ng pangalan dahil sa rules ni facebook na pwede magpalit uli after 30 days.

Lahat ng screening at mga proseso ay gagawin online at ang main office natin ay ang facebook. Sa facebook natin gagawin ang lahat na screening, application at iba pa. Bukod sa facebook, kailangan din natin ang contact numbers at email address ng bawat isa para sa mga important messages galing sa pamunuan ng PPO.

Ang set of officers at BOD or Board of Directors ay pipiliin galing sa mga pumasa sa screening at qualified magiging member. Para makakuha ng mga officers from the members, syempre meron tayong gagawing election. Ito'y mangyayari sa loob ng PPO Cooperative exclusive group. Ito'y upang makakaiwas tayo sa mga scammer na naglipana nga sa ating paligid.



Meron tayong mga guidelines na susundin kung paano natin e approved ang isang member na nag apply ng loan. First come first serve pa rin ang ipapatupad natin sa mga applicants pero ito'y iba sa nakasanayan na. Bakit iba? Kasi ngayon lahat ng members ay may malaking part para ma approved ang isang applicant. Bukod sa pasado ang isang applicant sa screening at requirements, kailangan din ang vote ng mga members para sa final approval. Bakit ginawa ang ganito? 

Dahil nasa online world tayo, hindi kaya nang isa o dalawa lang ang mag screen sa isang member, para maraming mata ang involve at mag verify sa pagkato ng isang applicant kailangan natin ang pwersa ng lahat ng members. Kung may katanungan ang mga members sa applicant kailangan nya itong sagutin ng maaayos. Hindi naman kailangan 100% ang bubuto sa applicant, kung nakakuha sya ng 75% of of the total members, papasa na ang application nya at ihanda na ang pundo para ma disburse ito sa pinili nyang mode of payment.

Mode of Payment
Ang paghuhulog ng share ay pwede sa kahit anong paraan. Maaari kayong magpadala sa Cebuana Lhuillier, MLhuillier, RD Pawnshop, Palawan Pawnshop, Western Union, Smart Padala, Paymaya, Gcash, Coins.ph at Postal Money Order. Pwede din kayong mag deposit sa BDO at BPI. Pwede rin kayong mag transfer ng Funds sa Paypal, Payza, Skrill and 

Ang pagbabayad ng loan naman ay napakadali, pwede nyong gagamitin ang nabanggit na mode of payment sa itaas pero meron pa tayong ibang way para magbayad. Para hindi mahihirapan, pwede kayong magbyad through Smart Loadwallet, Smart and Globre Regular Load. Pwede nyo itong gawin araw-araw kung mabigat ang lingguhan.

Sa disbursement of loans, bukod sa nabanggit sa mode of payment, pwede rin kayong pumili ng Smart Loadwallet, Globe and Smart Regular load, Payza, Skrill and Paypal. Gusto namin hindi kayo mahihirapan, we find the best way para makapagbayad at wala rason para ma-delay.

INTEREST
Ang PPO Cooperative ay magiging isa sa pinaka may mababang interest sa lahat na lending companies na gagawin online. Ang isang membro ay papayagang makapag apply ng loan sa halagang P500 at interest na 5% sa loob ng 15 days. Ito ay para mabuo ang credit score ng bawat applicant. Dito malalaman ang ability at capacity ng isang applicant upang bayaran ang kanyang utang sa tamang panahon na pinagkasunduan. Kung tumaas ang kanyang credit score, 2nd cycle ay papayagan na itong makapag loan ng P1,000 sa interest na 8% within 30 days. Weekly ang pagbabayad nito sa cooperative.

USAPANG PERA AT IBA PA blog will colaborate with PPO Cooperative. Part of USAPANG PERA blog ay mapupunta sa cooperative at ito'y magiging pundo nang cooperative. Monthly itong magbibigay kaya there's a chance na ibabalik ang binayad ng lahat sa kanilang shares or isama sa paghahatian na interest after the closing year. We will decide it later during members meeting. Please support USAPANG PERA AT IBA PA blog.

Marami pang idagdag nito during our members meeting. STAY TUNE!