CONGRATS YOU PASSED! - Pinoy Pautang Online

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Friday, January 5, 2018

CONGRATS YOU PASSED!

CONGRATS YOU PASSED THE SCREENING. ANTAYIN ANG NEXT INSTRUCTION. 

Nakatanggap kana ba ng ganong mensahe sa iyong email na galing sa official email natin na: pinoypautangonline@gmail.com? Kung wala pa, ibig sabihin hindi pa kayo pumasa sa iyong isinumite na mga requirements. Hindi po mahirap gawin ang mga kinakailangan namin kung marunong lang tayong sumunod sa mga instructions. Tatlo lang naman ang kailangan namin para pumasa sa screening, ito ay ang picture ng inyong ID, selfie mo na hawak ang inyong valid ID at ang iyong facebook profile link na dapat nakapangalan katulad nong nasa ID mo. 

Merong mga nagsumite na hindi magkapareho ang pangalan nila sa ID at ang kanilang facebook profile pero ito'y isang conditional, kapag ang rason mo ay hindi ka makapagpalit dahil bago nyo palang napalitan, pwede ka naming ipasa pero nakalagay ka sa PASSED with CONDITION, kailangan mong magawang palitan after a month. Minomonitor din namin kung talagang tinupad mo ang inyong sinasabi. Yong mga hindi pwede magpalit dahil sa isang validon rason, papayagan din namin pero you are closely monitored at kung lumabag ka sa rules ng ating cooperative pwede kang tanggalin at ibalik sayo kung ano man yong ibinayad nyo sa ating cooperative.

Kung marunong lang talagang mag effort ang karamihan hindi sana kami mahihirapan mag screen sa lahat na gustong sumali. Nagbibigay na kami ng tips kung paano gawin ang malinaw na kuha sa inyong ID at pati na rin sa selfie pero matigas pa rin ang karamihan. Sinabihan na gawin ang pag picture sa araw at wag gawin sa gabi, ang dami pa rin nagsubmit ng kuha sa gabi. Binigyan ng chances para magawa ng tama pero ayon pa ulit-ulit paring isinumite ang hindi malinaw na kuha sa kanilang ID at selfie. Hindi na tayo bata para pagsabihan lagi, marunong na tayong umintindi ng kung ang tama at kung ano ang mali. Problema lang kasi natin, tamad tayong gumawa ng paraan para magawa ng tama ang gusto naming gagawin ng karamihan.

Hindi rason na hindi nyo mababasa ang blog dahil free data lang kayo or keypad lang ang gamit nyo. Pagkatapos ng screening na ito, kinakailangan nyong magka data kasi merong mga instruction na sa blog nyo lang mababasa. Doon namin malalaman kung gaano kayo ka supportive sa gagawin nating cooperative. Doon din namin malalaman kung ang main purpose nyo para sumali ay para makakautang kayo at mang scam sa amin. Lahat ng members ay kailangan nagbabasa sa ating official blog everyday para masundan ang mga latest news about sa ating cooperative. Malalaman nyo rin kung bakit gagawin natin ito araw-araw. 

Sa kasalukuyan, meron na tayong 21 na pumasa sa screening. Kinakailangan natin umabot ito ng 50 para magkaroon ng exclusive meeting at makapag-umpisa na tayo sa ating cooperative. Mas mabilis ang screening process kung nagsusumite kayo ng tama at malinaw na dokumento. Basahin nyo ng mabuti ang mga latest update natin dito sa atong blog para may alam kayo ano ang mga dapat gawin. Alam kung sa halagang P15 pwede na kayong maka access sa ating blog at mababasa nyo na ang mga bagong updates ng ating samahan. Kaya stay tune at wag magtanong sa mga bagay na hindi pa pwede nating gawin sa ngayon.

No comments:

Post a Comment