Pinoy Pautang Online: Scammers

"KALIMUTAN ANG LAHAT HUWAG LANG ANG UTANG"

Showing posts with label Scammers. Show all posts
Showing posts with label Scammers. Show all posts

Monday, February 26, 2018

ONLINE KABA LAGI?

6:48 PM 0
ONLINE KABA LAGI?
Hindi naman pahirapan ang pagiging member ng ating cooperative. Hindi tulad sa ibang coop na maraming hinihingi para lang makasali at syempre makakautang. Dito sa PPOC, ang pinaka mabigat naming requirements ay ang pagiging ONLINE LAGI. Hindi namin kailangan ang LULUBOG LILITAW na mga members. Kailangan kahit isang beses sa isang araw nakikipag biruan ka sa mga kapwa members mo sa GC o makakita man lang ng comments or LIKES mo sa mga post natin sa PPOC exclusive group.


Sinadya namin na kailangan lagi kayong online, dahil gusto namin updated kayo lagi kung ano ang mga pangyayari sa ating cooperative. Para walang sisihan sa bandang huli dahil na rin sa inyong kapabayaan. Araw-araw dapat nasilip ninyo ang official blog natin kung merong bagong post mula sa amin. Minsan pwede naman magtanong sa kasamahan pero dapat wag ugaliin na bawat pasok mo sa GC ay magtatanong ka kung anong mga pangyayari ang hindi mo nasundan.

Bukod sa official blog natin na ito sa Pinoy Pautang Online Cooperative, may mga ka-partner din tayong iba blog na makakatulong sa atin para makahanap ng pwedeng mautangan. Ang USAPANG PERA AT IBA PA! blog ay laging nagbibigay update sa atin tungkol sa iba't-ibang Legit Lending Companies dito sa Pilipinas. Kami ay hindi nag re-recommend ng mga FOREIGN LENDING COMPANIES na kunwari nagpapautang sa mga Filipino. Wala pong katutuhan yong mga nakikita nyo sa iba't-ibang group sa facebook. Hindi totoo na nagpapautang sila kasi dito sa Pilipinas, lahat ng APPROVED LOAN, ang PROCESSING FEE ay ibabawas sa loan mo, HINDI YONG PABABAYARIN KA NG PROCESSING FEE o kahit anong FEES nalang sinasabi para lang makuha ang loob saka DAW NILA IPAPADALA ang pera. Napakalaking KALOKOHAN YAN AT WAG KAYONG MANIWALA.

Layunin din namin na lagi kayong ONLINE at nagbabasa sa aming blog para updated kayo sa mga estelo ng mga SCAMMER. Kung nag LEVEL UP tayo sa maraming bagay ngayong 2018, mas lalong NAG LEVEL UP din ang mga SCAMMER. Iba't-ibang paraan ang ginagawa nila para lang makapangloko. Inaanyayahan namin kayo na magpost muna ng transaction nyo sa Pinoy Pautang Online group at magtanong bago kayo gumawa ng action lalo na kung involve ito sa PERA na ipapadala o ihuhulog para sa kanila. 

Kailangan mag-isip muna kayo bago gumawa ng aksyon para hindi kayo magiging talo sa bandang huli. Ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya huwag nyong hayaan na mangyari sa inyo yon. Ugaliing mapagmatyag at laging magbabasa sa ating blog at makikiramdam sa ating group para hindi kayo maging biktima nila. Huwag maging greedy  sa kahit anong bagay kasi dito tayo nadadali ng mga manloloko.